5

520 36 2
                                    

Buti nalang walang pasok ngayon dahil Sabado na. Hindi ko makikita si Dennis. Less stress. Sa totoo lang, nagtatampo na talaga ako sa kanya. Bigla nalang kasing nagsusungit na wala namang dahilan.

 

Feeling ko mawawalan na ako ng kaibigan. Ayoko. 'Wag naman sana. Si Dennis ang unang naging kaibigan ko sa school, totoong kaibigan. 'Yung mapagkakatiwalaan.

 

Kahapon, 'di ko na siya makita after kong magwalk out. Mas mabuti. Ayoko muna siyang makita ngayon. Naiinis pa rin ako, nagtatampo.

 

"Pia! Ang landi mo din talaga 'no! 'Di ka na nahiya! Alam naming lahat dito sa school na may boyfriend ka pero lantaran pa din ang pakikipaglandian mo sa ibang lalaki! Ang kapal ng mukha!" Ramdam ko ang galit sa akin ni Jenny ng sabihin ito sa akin.

 

Ano bang problema nila? Wala naman akong ginagawang masama. Hindi ako malandi. "Pwede ba, ayoko nang away. Kaya please lang, tigilan niyo na ako." Pakiusap ko. Ayoko talaga sa away. Hindi naman sa takot ako, ayoko lang talaga na napapaaway ako.

 

"Tsk! Kung ayaw mo nang away, itigil mo 'yang paglandi mo sa ibang lalaki! May boyfriend ka pero ganyan ang ginagawa mo?! Wala ka ba talagang hiya na natitira sa katawan mo?!" Sabat naman nitong si Maan na kaibigan ni Jenny. Teka nga, ano bang pakialam ng mga 'to sa ginagawa ko? Nakakainis na sila.

 

"Excuse me lang, ah? Wala kayong alam kaya 'wag niyo akong pagsalitaan ng ganyan." Mahinahon ko pa 'ding sinabi iyon pero kulang nalang ay sumabog na ako sa sobrang inis. May mga tao talagang sadyang mahilig makialam sa mga bagay bagay kahit wala naman talaga silang alam sa totoong nangyayari.

 

Umalis nalang ako at iniwan sila doon dahil alam ko namang hindi nila ako titigilan kahit anong sabihin ko. Para wala nang maging away, ako na ang iiwas. 

 

Naalala ko na naman ang eksenang iyon kahapon bago ko pinuntahan si Dennis.

 

Ano bang problema sa akin ng mga 'yon? Wala naman akong ginagawang masama.

 

**********

 

Sunud sunod na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko ang nagpagising sa akin. Si Mama siguro 'yon. Anong oras na ba? Tumayo na ako at binuksan ang pinto.

 

"May pasok ka pa, hindi ba? Bilisan mo at may naghihintay sa'yo sa baba." Sabi ni Mama.

 

"Sino po, Ma?" Tanong ko habang kinukusot kusot pa ang mga mata ko.

 

"Sino pa ba? Si Dennis." Sagot niya. "Aba, Pia! Bilisan mo na dyan at baka ma-late pa kayo." Paalala niya bago bumaba.

 

Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Anong ginagawa nung lalaking 'yun dito? Bakit siya nandito? Napairap ako sa kawalan habang naglalagay ng shampoo sa buhok ko. Akala ko hindi siya pupunta dito, siguro naman alam niya na nagtatampo ako sa kanya, 'di ba? Psh.

 

Pagkatapos kong maligo, magbihis at mag ayos ay bumaba na agad ako. Nakakahiya naman sa lalaking 'yun, baka sabihin niya pinaghihintay ko siya nang matagal at pagsungitan na naman ako.

 

Nadatnan ko siya sa sala na nakaupo doon sa may sofa. Katabi niya si Patrick, ang bunsong kapatid ko. Ka-close din niya 'yan eh, madalas din kasi pumunta si Dennis dito kaya kilala na din siya nina Papa at Mama.

 

'Di ko sana siya papansin pero binati niya ako agad nang makita niya ako. "Uh.. Hi, Pia. Good morning." Ngumiti siya ng alanganin.

 

Galit pa rin ako pero ayoko namang maging bastos kaya binati ko din siya pabalik pero ramdam ang tabang sa pananalita ko. Ayoko din naman kasing magpaka-plastic na ngingiti ako kahit alam kong galit ako.

 

"Mag almusal na muna kayo bago umalis." Sabi ni Mama habang naghahanda ng pagkain sa mesa. Bumaling siya kay Dennis. "Dennis, kain muna." Ngiti ni Mama sa kanya. Umirap nalang ako.

 

"Hindi na po, tita. Kumain na po ako sa bahay bago po ako pumunta dito. Salamat nalang po." Magalang na sabi nito kay Mama sabay ngiti.

 

"Ah, ganun ba? Oh, sige." Ngumiti din pabalik si Mama sa kanya. "Ikaw, Pia. Kain ka muna bago umalis." Baling naman sa akin ni Mama.

 

"Hindi na rin po ako kakain, Ma. 'Di naman po ako gutom." Sagot ko at kumuha ng tubig sa ref para uminom. Ayoko nang maghintay pa si Dennis, nakakahiya naman. Tsaka hindi naman talaga ako gutom.

 

"Sigurado ka?" Tanong ni Mama. Tumango naman ako at nagpaalam na para makaalis na kami ni Dennis.

 

Tumango din naman si Mama at humalik ako sa pisngi niya at umalis na.

 

**********

 

"Ah, Pia.. Gusto ko sanang magsorry sa'yo. Sorry, ah? Sorry sa inaasta ko these past few days." Napatingin ako kay Dennis nang bigla siyang nagsalita.

 

Kanina pa kami naglalakad at malapit na kami sa sakayan pero ngayon lang siya nagsalita. Kanina pa kami tahimik, ayoko din naman maunang magsalita dahil wala din naman akong sasabihin.

 

"Okay lang." Sagot ko naman. 'Di ko alam kung bakit wala akong masabi. 

 

"Galit ka ba? Sorry talaga. 'Di ko naman sinasadya 'yon." Napahinto na siya sa paglalakad kaya huminto din ako.

 

"Okay nga lang 'yon. 'Di naman ako nagalit.. Nagtampo, oo pero hindi ako galit." Sagot ko at maglalakad na sana ulit pero hinawakan niya ang braso ko, napaharap ako sa kanya.

 

"Sorry talaga, Pia. Alam ko namang hindi tama 'yung mga inasta ko eh." Bumuntong hininga siya. "Sorry, sorry talaga. Ayoko na magalit o magtampo ka sa akin, ayoko.. Sorry. Sorry kung.." Parang nahihirapan siya sa susunod na sasabihin niya. "Fvck this. Sht." Narinig kong bulong niya. Ano bang sasabihin niya at bakit parang hirap na hirap siya? Malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan niya bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.

 

"Na-realize ko na hindi dapat, hindi dapat ganon.. Wala akong karapatan na pakialaman ka tungkol sa ex mo, wala naman akong karapatan na mainis at magalit tuwing naiisip ko na hindi ka pa rin nakaka-move on sa kanya. Wala naman akong karapatan magselos. At higit sa lahat, wala akong karapatan sa'yo kasi hindi ka naman akin. Hindi kita pag aari. Sorry.." Tuluy tuloy na sabi niya at nagpakawala ulit siya ng napakalalim na hininga.

 

What did he just said? He's jealous? Why?

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon