6

434 24 1
                                    

Pagdating namin sa school ni Dennis, wala kaming imikan. Sa totoo langmasaya ako pero naiilang ako. Masaya ako na magkaibigan pa din kami sa kabila nang mga nangyari.

 

Umalis na si Dennis para pumunta sa klase niya pagkatapos niya akong ihatid sa classroom ko. Naalala ko bigla ang naging usapan namin kanina.

 

"Na-realize ko na hindi dapat, hindi dapat ganon.. Wala akong karapatan na pakialaman ka tungkol sa ex mo, wala naman akong karapatan na mainis at magalit tuwing naiisip ko na hindi ka pa rin nakaka-move on sa kanya. Wala naman akong karapatan magselos. At higit sa lahat, wala akong karapatan sa'yo kasi hindi ka naman akin. Hindi kita pag aari. Sorry.." Tuluy tuloy na sabi niya at nagpakawala ulit siya ng napakalalim na hininga.

 

What did he just said? He's jealous? Why?

 

'Di ako nakapagsalita agad.. I was shocked. Anong ibig sabihin ng mga sinabi niya? Hindi eh.. Hindi naman ako tanga, alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga 'yon. Ngunit parang mas gusto kong magtanga tangahan at magkunwaring hindi ko siya maintindihan.. Para maiwasan kung ano man ang mga susunod na sasabihin pa niya at ang mga posibleng mangyari pagkatapos nito. Hindi pwede, Dennis. Hindi pwede.

 

"Ah.. Den.." I tried to say something but I failed. Walang lumabas na mga salita mula sa bibig ko. Wala akong masabi. 'Di ko alam kung anong dapat kong sabihin.

 

"Yeah, I know." He sighed kasabay ng pagyuko niya. "I know, Pia. I can feel it. Kaya nga ako umakto ng ganoon eh. Kasi nagseselos ako at hindi ko 'yon mapigilan kasi.. Fvck. Gustong gusto na kita at ayokong maisip na hanggang ngayon si Marco pa rin, na hanggang ngayon wala pa rin.. Wala pa rin akong pag asa sa'yo. Wala. Wala kasi mahal mo pa ang ex mo."

 

And now, hindi ko na alam. Sinabi na niya, inamin na niya. Ito 'yun? Kaya lagi siyang parang badtrip at lagi siyang masungit sa akin lalo na kapag nahuhuli niya na may malalim akong iniisip, nagbabago agad ang mood niya.. Naiinis at naba-badtrip siya na parang ewan.

 

Lalo akong nawalan ng sasabihin. 'Di ko alam ang gagawin, 'di ko alam kung anong dapat kong sabihin.

 

"Ah, Dennis.. Sorry. Sorry din kung-" I wasn't able to finish my sentence when he interrupted and said. "Yeah, I know. Don't be sorry. Hindi mo naman kasalanan. Wala kang kasalanan kaya hindi ka dapat magsorry.. It's my fault, ako. Kasalanan ko." Pumikit siya. "Nung una palang gusto na kita at hindi ko 'yon napigilan kahit na alam kong wala naman talagang pag asa kasi mahal na mahal mo 'yong Marco na 'yon kahit na gago siya." Dumilat na siya at tiningnan ako nang diretso sa mga mata.

 

"Sinubukan kong pigilan pero wala eh, nahulog pa din ako. Nahulog ako sa taong may ibang mahal. Sa taong wala akong pag asa. Sa taong kaibigan lang ang turing sa akin." Ramdam kong nahihirapan siya sa mga sinasabi niya. 

 

Fvck. I want to comfort him, I don't want to see him hurting.. Hurting because of me. Kaibigan ko siya at ayokong nagkakaganito siya.

 

But I can't lie to him, I don't want to lie. Gusto ko lang magpakatotoo. Hindi kami pwede. Ayoko. Hindi naman sa ayoko kay Dennis pero hindi ako handa sa pwedeng mangyari.. Baka maulit lang ang lahat nang nangyari sa amin ni Marc. Ayoko.

 

"Sorry, Den.. Ano kasi. Hindi. Pasensya ka na, 'di ko naman alam at.. Sorry, hindi siguro ako ang babaeng dapat mong mahalin. Kaibigan kita at ayokong mawala kung ano man ang meron tayo, ayokong mawala ang pagkakaibigan natin." Tapat kong sabi sa kanya. 'Yun ang totoo. Ayokong mawala ang pagkakaibigan namin. Ayokong sumugal. Hindi pa ako handa. "Magkaibigan tayo, Dennis. Kaibigan kita."

 

Ngumiti siya sa akin ng mapakla at tumungo. "Alam ko." Tiningnan niya ako at napansin kong namumula ang mga mata niya. Umiiyak ba siya? 'Wag naman. "Pero please, 'wag mo naman ulit ulitin na hanggang magkaibigan lang tayo. Masakit ma-friendzone, ah?" Biro niya pero halata naman ang pait sa pananalita niya. Sorry, Dennis.

 

"Dennis naman.." Bulong ko. "Please.. Sana magkaibigan pa din tayo, ah?" Suminghap ako. Alam kong hindi ganoon kadali ang hinihiling ko sa kanya.. Pero hindi ko kasi makakaya na lalayuan niya ako, hindi ko kayang layuan ako ng nag iisang kaibigan ko.

 

"Oo naman, magkaibigan pa din tayo." Ngumiti siya, totoong ngiti ang nakita ko pero kitang kita ko pa rin sa mata niya na nasasaktan siya. "Pero siguro, bigyan mo lang muna ako nang time para alam mo na.. Iiwasan muna kita pero hindi ibig sabihin no'n eh, hindi na tayo magkaibigan." Suminghap siya. "I will always be your friend, Pia. I will always be here for you. Andito pa rin ako.. Just call me kapag kailangan mo ako." Sincere na sabi nito.

 

Napaluha ako nang hindi ko namamalayan. Lumapit naman si Dennis sa akin at mabilis na pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. "Sshhh.. 'Wag ka ngang umiyak. Bakit ka ba umiiyak? Ako dapat umiiyak dito eh." Biro na naman niya kaya hinampas ko siya sa dibdib.

 

"Nakakainis ka. Bakit kasi.. Ah, basta. Naiinis ako sa'yo." Sabi ko habang umiiyak. Natawa naman siya at pinisil ang mga pisngi ko.

 

"Napa-cute mo talaga. Ay hindi, napaganda mo talaga. Sobrang ganda, Pia." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Alam kong kitang kita niya 'yon dahil nakatitig siya sa akin, sa mga mata ko. Napapikit naman ako nang maramdaman ko ang mga labi niya na dumampi sa noo ko. He kissed me on my forehead.

 

May binulong pa siya habang nakahalik pa din siya sa noo ko pero hindi ko naman 'yon narinig. Ano kayang sinabi niya? Ayoko na munang isipin. Masaya ako sa ngayon dahil alam kong kahit na nangyari ito ay andyan pa rin siya para sa akin. Ngayon, napatunayan ko talaga na isa siyang tunay na kaibigan. Kaibigan na hindi ako iiwan at papabayaan.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon