25

179 18 0
                                    

"Shh.. Baby, please. Stop crying."

Napalayo ako bigla sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya. Tinulak ko siya ng mahina at humakbang pa papalayo sa kanya. Kung bakit ko ginawa 'yon ay hindi ko alam.

Narinig kong huminga siya ng malalim at nag iwas na naman ng tingin sa 'kin. Bakit ba? Tsk.

"I'm sorry, nabigla lang ako.." Bulong niya.

Ang tinutukoy niya ba ay ang naging aksyon niya kanina pagkalapit naming dalawa? Naguguluhan na naman ako. Hindi ko siya sinagot.

"Pia.. Pwede bang mag usap na tayo?" Napabaling ang atensyon ko sa kanya nang marinig ko siya magsalita.

Nadatnan ko na nakatitig sa akin ang mga mata niya. "Please." Dagdag nito sa sinasabi. "Gusto ko na makapag usap na tayo."

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Tumango ako sa gusto niyang mangyari dahil ito rin naman ang gusto ko.. Gusto ko na rin na maliwanagan.

Napagdesisyunan ko na pumunta kami sa may park dito sa loob ng village at doon nalang mag usap. Hindi ko din alam kung bakit mas doon ko napili na mag usap kaming dalawa.

Pagkarating namin doon ay nilibot ng mga mata ko ang buong paligid. Walang masyadong tao dito ngayon. Mas mabuti. Mas okay.

Tahimik sa buong park.

Lumapit ako sa may swing at doon umupo. Naradaman ko na pinagmamasdan ako ni Dennis sa bawat galaw kaya tumingin ako sa kanya at tama nga ako, titig na titig siya sa akin ngayon. Bigla naman akong nailang kaya nag iwas din ako agad ng tingin.

Gumalaw ang isang swing sa tabi ko at alam kong si Dennis ang dahilan 'nun.. Umupo din siya.

Naririnig ko ang mga sunud sunod na pagbuntong hininga niya. 

Napabaling ang mga mata ko sa kanya sa 'di ko malamang dahilan. Sakto naman na nakapikit ang mga mata niya kaya napagmasdan ko ang mukha ng maayos ang mukha niya na hindi naiilang.

Mukhang pinapakalma niya muna ang sarili niya bago magsalita kaya ipinilit niyamuna ang mga mata niya para makapagrelax.

Ngunit kahit nakapikit ang mga mata niya ay kitang kita ko pa rin ang mga malaki at maitim na bilog na nasa ilalim ng mga mata niya.. Eye bags. Parang hindi siya nakatulog ng ilang araw. Pero kahit ganun ay napakagwapo pa rin niya.

Sht. Na-miss ko talaga siya.

Napahinga ako ng malalim at tumingala upang pagmasdan ang langit. Napakaganda nito. I smiled. Nakaka-relax pagmasdan at napaka-peaceful.

Binalik ko ulit ang tingin ko kay Dennis pagkatapos pero napakunoot ang noo ko nang maabutan ko pa rin siyang nakapikit. Tulog na ba siya? Hindi siya kumikibo eh.

Pinagmasdan ko nalang siya ulit. I'll never get tired of staring at his handsome face.

Naramdaman ko ang biglaang pagkabog ng malakas ng dibdib ko nang makita ko na may tumulong luha sa mata niya, mabilis na dumaloy 'yon papunta sa pisngi niya.

Hindi ko alam kung bakit napapikit din ang mga mata ko at lumabas din ang mga luha mula doon.

Wala pa man nagsasalita, umiiyak na kami. Bakit ganun? Ayoko nang umiyak.

"I'm sorry for everything, Pia." I heard Dennis said.

Nakapikit pa rin ang mga mata niya. Ramdam ko ang panginginig ng boses niya.

"I know, nasaktan kita.. Nasasaktan ka sa mga nalaman mo. Sorry kung.. Kung hindi ko nasabi agad sa'yo ang totoo." Nakamulat na ang mga mata niya nang sabihin niya ito. Nakatutok lang ang mga mata niya sa 'kin.

"Sorry, Pia.. Sorry. Alam ko na nagtiwala ka sa 'kin at alam kong sira na 'yon ngayon. Alam ko din na galit ka sa 'kin, hindi naman kita masisisi dahil alam ko na kasalanan ko naman kung bakit. Sorry." Narinig kong humikbi siya.

"Natakot ako na magalit ka. Natakot ako na baka hindi mo na ako kausapin kapag nalaman mo ang totoo.. Ang totoo na magkapatid kami ni Cherry. Natakot ako na baka pati sa akin ay magalit ka kapag inamin ko noon sa'yo kung ano ang totoo." Kinagat niya ang ibabang labi niya, para siguro mapigilan na naman ang paghikbi. Sht. I can't believe that he is crying in front of me.

"Duwag na kung duwag pero 'yun ang totoo eh! Kasi hindi ko kaya! Hindi ko kaya kapag nagalit ka sa 'kin! Fvck! Ayoko na nagagalit ka sa 'kin!" Sigaw niya at napasabunot pa siya sa buhok niya. 

"Pero gusto kong malaman mo na lahat ng ginawa ko at lahat ng ipinakita ko sa'yo simula palang, lahat ng 'yon ay totoo. Hindi ako kailanman nagkunwari sa'yo, sa mga ikinilos ko, sa mga ginawa ko para sa'yo, lahat ng pinakita ko sa'yo at lalong lalo na sa mga pinaramdam ko sa'yo." Madamdaming sabi niya.

"Kahit kailan, hindi ako nagkunwari sa'yo. Lahat ng 'yon, totoo. Maniwala ka. Kahit na ang totoong pakay ko lang talaga noon ay bantayan ka, naging totoo ako. Alam ko na masama na nagsinungaling ako sa'yo." Dagdag pa nito.

"I'm so sorry for hurting you.. Sorry. Hindi ko sinasadya. You know how much I love you. Sorry sa lahat." Sabi nito at biglang tumayo at naglakad papalapit sa 'kin. Lumuhod siya sa harapan ko at tiningnan ako ng diretso sa mga mata.

Naramdaman kong hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan ang mga 'yon. "I'm  sorry." Bulong niya.

Nakatingin lang ako sa kanya, sa mga mata niya. Nakita kong ngumiti siya at hinwakan niya ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Huwag ka na ngang umiyak. Alam mo naman na ayokong nakikita kang umiiyak. Sorry. Sorry for everything. Mahal na mahal kita, always remember that. Lagi kang mag iingat, ha? I love you so much." Madamdaming sabi nito bago ako hinalikan sa mga labi. Napapikit nalang ako.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon