18

196 17 0
                                    

Hindi ko maiwasan na mainis din kay Mia dahil tuwing magkasama kami, puro nalang si Dennis ang lumalabas sa bibig niya. Seriously? Parang nanadya lang eh. Kesyo si Dennis ganyan, si Dennis ganito.

 

Weekend ngayon kaya naman free ang lumabas. Yes, madalas akong mamasyal ngayon. Ewan ko ba. Basta feel ko lang na mamasyal lalo na kapag naiisip ko na lagi din namang namamasyal 'yung dalawa na magkasama kaya ganun nalang din ang gagawin ko.. Yeah, Dennis and Mia. I think, nagkakamabutihan na sila. Well, good for them.

 

Kahit mag isa lang ako na lumalabas para makapaglibang at makapamasyal, ayos lang. Sanay na. Kung dati, andyan si Dennis, si Mia, ngayon ay wala na silang pareho. Wala na silang oras para samahan ako. Masyado na yata silang busy sa isa't isa. Hmm. Totoo yata 'yung sinasabi ng ibang tao na kapag nagkaroon na ng lovelife ang isang kaibigan, nagbabago na 'to. Nawawalan na nang oras sa'yo. Hay nako. Sus. Kaya ko naman. Ako pa? Sanay na nga ako, 'di ba? Hayaan na nga. 'Dun sila masaya eh. 

 

 

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay lumabas na 'ko ng kwarto at bumaba na. Magpapaalam na ako kay Mama para makaalis na ako.

 

Sakto naman na nasa sala si Mama nang makababa ako kaya nagpaalam na ako agad sa kanya at humalik sa pisngi niya tsaka lumabas na ako ng bahay.

 

Sakto namang pagkalabas ko ng bahay, nakita ko 'yung dalawa. Saya nila, ah? Sila na. Bwisit. Lakas makasira ng araw.

 

Lalagpasan ko na sana sila pero bigla naman akong tinawag ni Mia kaya no choice, bumaling ako sa kanila na malapad pa rin ang mga ngiti nila. O-okay.

 

Lumapit si Mia sa 'kin at hinawakan ako sa kamay.

 

"Hello, kambal! Na-miss kita. Sobra!" Masayang bati niya sa 'kin sabay yakap sa 'kin ng mahigpit. "Ang tagal na natin na hindi nagkita." Nagpout pa ito.

 

"Onga eh. Napaka-busy mo na kasi ngayon." I joked as I hugged her back. Na-miss ko din ang babaeng 'to. Puro kasi siya Dennis eh, ayan tuloy.

 

"Heh! Hindi naman. Grabe ka sa 'kin." Simangot nito. Humiwalay na siya sa yakap namin at hinampas pa ako ng pabiro.

 

Sumulyap siya sa gilid niya kaya napa-sulyap din ako doon. Ay, oo nga pala. Nandito rin si Dennis, muntik ko na siyang makalimutan at hindi mapansin.

 

"Hey, kambal. May sasabihin nga pala ako sa'yo.." Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. Hinawakan din niya ang kamay ni Dennis at sumulyap dito at pabalik na naman sa akin. "Si Dennis, boyfriend ko na ngayon. Kami na." Sabi niya na may napakalapad na ngiti.

 

Hindi pa ako nakaka-recover sa pagkagulat ko nang hawakan hawakan ulit ni Mia ang mga kamay ko at tuwang tuwa siya.

 

Napatingin ako kay Dennis at nakita kong nakatingin siya kay Mia habang nakangiti din. So, that fast? Sila na agad? Napadako din ang tingin ni Dennis sa 'kin. Nagkatinginan kami, nawala ang ngiti niya sa labi at bigla nagseryoso ang mukha niya. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at binaling ko ulit ang atensyon ko kay Mia na may sinasabi na naman sa akin ngayon.

 

"Sama ka sa 'min ngayon, ah? Mamasyal kasi kami ni Dennis sa mall ngayon." Paanyaya niya sa akin. Sobrang saya nga mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. Mia. Haist. Kaya kahit na hindi ako sang ayon sa gusto niyang mangyari ay napilitan pa rin akong pumayag dahil ayokong ma-dissapoint si Mia. I can't say no to Mia. Isa pa, wala namang masama kung sumama man ako sa kanila.. 'Di ba?

 

Pagkarating namin sa mall ay gutom na daw si Mia kaya dumiretso kami sa isang kainan. Kahit na hindi pa naman ako ginugutom ay sumama na ako sa kanila. Ayoko naman na may masabi sila kaya kung saan nila gustong pumunta at kung ano man ang gusto nilang gawin ay doon nalang din ako.

 

Si Dennis na ang um-order ng mga pagkain kaya naghanap nalang kami ni Mia ng pwedeng table sa aming tatlo ngunit masyado atang maraming customer ngayon kaya wala kaming makitang bakanteng table ni Mia. Weekend kasi kaya marami ang mga taong namamasyal, lalo na sa mga malls.

 

Napalingon nalang ako nang makarinig ako ng boses ng isang lalaki na tumatawag sa pangalan ko. Nakita ko si Marc na tumayo at tinatawag pa rin ako para lumapit sa kanya. Kitang kita ko ang mga puting ngipin niya dahil ang lawak ng ngiti niya habang nakatingin sa akin at hinihintay ang paglapit ko.

 

Naramdaman ko naman ang paghawak at bahagyang pagtulak sa akin ni Mia sa kamay. Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong ngumuso siya kay Marc, para bang sinasabi niya sa akin na lumapit na kami ngayon doon. Tumango nalang ako at naglakad na papalapit kay Marc.

 

Nang makalapit kami ay naramdaman ko naman ang pagkapit ng mahigpit ni Mia sa braso ko. "Sht. Ang gwapo." Nagpipigil ng tiling bulong niya sa akin.

 

Biglang kumunot ang noo ko sa ibinulong niya. Napatingin ako kay Marc upang tingnan ang reaksyon niya sa inasal ni Mia pero parang wala itong napansin at nakatuon lang buong atensyon niya sa akin.

 

Napabuga ako ng hangin at sumulyap ulit kay Mia na nakatingin pa rin kay Marc at kumikislap ang mga mata. Ganito din ang reaksyon niya 'nung unang beses niyang nakita si Dennis.. And speaking of Dennis, bakit naman ganito si Mia? Eh, boyfriend na niya si Dennis. Sila na ni Dennis, 'di ba?

 

Bakit ganun siya kung umasta? Parang wala siyang boyfriend..

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon