7

358 23 1
                                    

Ordinaryong araw na naman ito para sa 'kin. Parang bumalik ako sa unang pasok sa school. Walang kasama at nag iisa.

Wala na kasi si Dennis eh. Hindi na kami laging magkasama ngayon pero nagpapansinan pa naman kami kapag nagkakasalubong kami. Ginagawa niya ang sinabi niya na iiwas muna siya sa akin.

Kahit na lagi akong mag isa, ayos lang sa akin. Sanay na ako na ganito noon pero simula nung makilala at makasama ko si Dennis dito, parang nakasanayan ko na na lagi siyang nandyan..

Ngayon, hindi ko maiwasan na hindi siya ma-miss. Nakikita ko siya pero hindi na iyong tulad dati na nagkukwentuhan kami kapag walang magawa at laging magkasama.

"Yes, I'm here. Nasa school na ako."

Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. May kausap ito sa cellphone nang balingan ko. Kumunot ang noo ko nang mapatitig ako sa mukha niya.

Hindi ako nagkamali, pamilyar nga ang boses na iyon. Sobrang pamilyar na kahit na matagal ko na itong hindi naririnig ay alam kong sa kanya 'yon.

It's his voice. It's Marco's.. Sht. It's really him, lalo siyang gumwapo.

"I am fine. Don't worry." Nakatitig lang ako sa kanya habang ngumingiti siya at nakatingala habang hawak pa rin ang cellphone niya at nakatapat iyon sa kanang tenga niya. Sino ang kausap niya? Parang napakasaya niya. "I will. Bye." Anito sa kausap sa kabilang linya at binaba na ang cellphone.

Napangiti ako ng mapakla. Hindi ko alam. Hindi ko maialis ang titig ko sa kanya. Marc.. Na-miss ko siya pero hindi dapat. Hindi dapat ganito ang maging reaksyon ko sa muli naming pagkikita.

Napagdesisyon ko na aalis na ako dito bago pa niya ako makita. Ayoko na makita niya ako dito, ayokong masaksihan niya na kanina ko pa siya tinititigan.

Ngunit bago pa ako tuluyang makaalis ay nakita na niya ako. "P-Pia?" Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya pero nakita kong masaya siya. Masaya? Saan? Bakit?

Sht. What should I do? Hindi ako makahanap ng salita na pwede kong sabihin sa kanya. Ano nga bang maaari kong sabihin? Wala. Galit ako sa kanya. Galit ako sa mga kasalanan niya sa akin.

"Ah, Pia.." Naglakad siya palapit sa akin pero umatras din naman ako. Nakita kong lumungkot ang mga mata niya. Huminto siya sa paglapit sa akin at yumuko.

Narinig kong huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "I just.. I just want to ask kung kamusta ka na.." Nag angat siya ng tingin at tiningnan ako ng diretso sa mga mata. Hindi ako sumagot. Hinintay kong matapos ang kung ano mang sasabihin niya.

"It's been two years.." Parang hindi niya alam kung anong susunod niyang mga salita, parang nahihirapan siya na ituloy ang gusto niyang sabihin.

Napatitig ako sa kanya at tumawa ako ng sarcastic. Yeah, para akong baliw. Sht. What's this? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayong nagkaharap na ulit kami? Parang naguguluhan ako.

"Yes, Marc.. It's been two years since we broke up and I am fine, doing great actually." Matapang kong sinabi kahit na sobrang nahihirapan ako. Bakit ganito? Bakit ganun pa rin ang epekto niya sa akin?

Bakit kahit na alam kong niloko niya lang ako, ganito pa rin ang nararamdaman ko? Bakit parang feeling ko miss na miss ko na siya at gustung gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihin sa kanya na na sobrang na-miss ko siya?

Nakita kong ngumiti siya ng mapakla at tumingala na para bang pinipigilan nito ang kung ano mang maaaring lumabas mula sa mga mata niya. He's crying? Para saan? Sa akin? I doubt it.

Nang tingnan niya ako ulit ay napansin kong pula ang mga mata niya at kitang kita ko ang sobrang sakit at lungkot na nararamdaman niya. Nasasaktan siya? At nalulungkot? Bakit? Baliw ka na talaga, Pia. Mali ang mga nakikita mo. Hindi 'yan totoo.

Tumikhim siya bago muling nagsalita habang nakatitig siya sa akin. "I'm sorry.. Sorry, Pia.. I didn't mean it. Sorry, honey.." Honey.. Gusto ko siyang sumbatan. Wala siyang karapatan na tawagin ako sa ganung paraan. Simula nang saktan niya ako, siya na mismo ang nag alis sa karapatan niya.

I didn't say anything. Tinikom ko lang ang bibig ko. Ayokong magsalita dahil alam ko na sa oras na buksan ko ang bibig ko, hindi naman ako makakapagsalita. Paniguradong iiyak lang ako at ayokong mangyari iyon.

Ayokong malaman niya na nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan ako na nandito siya ngayon sa harapan ko. Bakit pa kasi siya bumalik dito? Bakit pa siya nagpakita?

Alam kong iniisip ko noon na kung nasaan na ba siya at bakit hindi na siya nagpakita pagkatapos ng mga nangyari. Gusto kong malaman kung nasaan na siya. Pero ngayon, ayoko na.

Ayoko nang makita si Marco, ayoko na siyang makausap. Sht. Sobrang sakit na makita ko siya ngayon na nakatayo sa harapan ko. Sana hindi nalang siya nagpakita, sana hindi nalang siya bumalik.

'Di ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko nang narinig ko ang sunod na sinabi niya. "Pia, hon.. I'm really sorry. Sorry sa mga nagawa ko, sa mga sinabi ko sa'yo noon." Narinig kong humikbi siya. "I.. I still love you." Sabay lapit nito sa akin at yinakap ako nang mahigpit. Sht.

Sa sobrang gulat ko ay hindi ko siya magawang itulak. Nasasaktan ako. Naguguluhan ako. Hindi ko alam.

Bakit? Bakit ngayon ka lang humihingi ng tawad? At para saan pa ang paghingi mo ng tawad? Bakit, bakit ngayon sinasabi mong mahal mo pa rin ako? Ang sabi mo noon hindi ka nga sigurado kung minahal mo ba talaga ako. Ano na naman 'to? Marami akong gustong sabihin. Gusto ko siyang sumbatan pero hindi ko kaya. Nanghihina ako. Umiiyak lang ako.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon