16

277 17 0
                                    

Nasa kwarto lang ako at nagbabasa ng libro. Sabado kasi at wala akong magawa kaya nagbabasa nalang ako.

 

Sa ngayon, ayos naman ako at ang buhay ko. Hindi na magulo. Ang saya talaga sa pakiramdam kapag wala kang kinikimkim, 'yung walang sama ng loob. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko.

 

Masaya ako na okay na kami ni Marc. Yes, finally. Ayos na kami. Nagkapatawaran na. Masaya na 'ko doon.

 

"Huli na talaga ako nang dating." Sabi niya at tumawa pa ito ng mahina. Ramdam ko pa din ang pait sa pananalita niya sa kabila ng pagtawa niya.

 

"Huh? What are you saying?" I asked. Parang tanga naman kasi. Tatawa tawa pa siya.

 

"Ang sabi ko, nahuli na talaga ako nang dating." He looked at me. "Nahuli na kasi hindi mo na 'ko mahal." He sighed.

 

What he is saying? Hindi ko na siya mahal? Paano niya nasabi at paano niya nalaman? No. I'm not saying na hindi ko na talaga siya mahal. A part of me, still care for him. Still love him. Pero hindi na ganoon ka-deep. Siya ang first love ko at naniniwala ako na hindi siya mabubura basta sa puso ko.. Kahit pa nasaktan ako nang dahil sa pagmamahal ko sa kanya noon, may espesyal na parte pa rin siya sa akin. Minahal ko siya eh.

 

Kinurot niya bigla ang pisngi ko kaya hinampas ko ang kamay niya. He smiled at lumabas ang mga puting ngipin niya.. Oh, that smile.

 

"Sige na.. I have to go. Mag ingat ka lagi and thank you.. For everything. I love you so much. Sana maging masaya ka. You deserve to be happy." Sincere na sabi niya. Nagpasalamat din ako. Niyakap niya muna ako ng sobrang higpit bago ako pinakawalan ng tuluyan at pagkatapos ay umalis na siya.

 

Napangiti nalang ako nang maalala ko na naman ang naging usapan namin ni Marc. Tama nga ako, kung ano man ang maging resulta ng pag uusap namin, alam ko na makakabuti 'to sa aming dalawa. Sa tingin ko, 'yun lang naman talaga ang kailangan namin. Mag usap at magkaroon ng closure. Atleast ngayon, mas okay na. Maayos na lahat sa aming dalawa.

 

**********

 

"Kambal! Kambal! Kambal!"

 

Napaangat ang tingin ko mula sa librong binabasa ko nang may isang nilalang na nagsusumigaw habang naglalakad papalapit sa 'kin.

 

"Ang ingay mo, Mia." Saway ko sa kanya nang makalapit na ito sa akin nang tuluyan. Sobrang ingay talaga nitong si Mia kahit kailan.

 

Tumawa ito ng mahina bago umupo sa tabi ko. "Sorry, kambal. Excited lang naman akong magkwento sa'yo!" Sabi nito na parang may kumikiliti sa kanya dahil hindi siya mapakali sa inuupuan niya.

 

"Huy! Umayos ka nga. Ano ba 'yang kwento mo at parang hindi ka makapaghintay dyan? Teka nga, nagreview ka na ba?" Sunud sunod na tanong ko sa kanya. Paano ba naman, ang aga aga, ang ingay ingay tapos 'di pa nagre-review.

 

May long quiz pa naman kami sa isang subject ngayon kaya nga sobrang review ako dito. Ayokong bumagsak.

 

Napasimangot siya sa sunud sunod na tanong ko. "Opo, nagreview na po ako. Kagabi pa nga eh." Masungit na sabi niya sa 'kin. Ang arte ng bestfriend ko. Natawa nalang ako. Ganyan talaga 'yan. Magsusungit, mag iingay, magda-drama o 'di kaya ay mangungulit. Pero kahit magulo 'yang si Mia, love ko 'yan. Mabait si Mia pero may pagka-maldita ng kaunti.

 

"Good." Masungit ko 'ding sabi sa kanya at binalik na kunwari ang atensyon ko sa nire-review ko. Ginaya ko pa nga ang tono ng boses niya. Masarap kasi siyang asarin. Nasa mood pa naman akong mang asar ngayon.

 

"Hay! Nakakainis! Kung hindi lang kita bestfriend, at kung hindi lang kita love, hindi na kita kakausapin! Tse!" Umirap pa si Ate. Ang taray.

 

Tumawa ako. "Sensya na, kambal. Inaasar lang kita. Ang aga aga naman kasi, napaka ingay mo. Ano bang meron, ha?" Tanong ko dito.

 

Umaliwalas na agad ang itsura niya nang makitang interesado na akong malaman kung ano man ang dahilan ng pag iingay niya ngayong umaga.

 

"Wait, wait, wait.. Ahh!! Kambal. Wait lang, ha?" Sabi nito sa maarteng tono at pinapaypay pa ang dalawa niyang kamay sa sarili.

 

"Ha? Bakit? Magkwento ka na nga, Mia. Ang dami mo pang arte."

 

Inirapan lang ako ni Mia at nagsimula na siyang magkwento at ako naman ay nakikinig lang.

 

"...Shet! Grabe! Sobrang kinikilig talaga ako, kambal! Biruin mo 'yun, nag-date kaming dalawa tapos sobrang gentleman niya. As in. Ang bait, sarap kausap tapos ang gwapo pa..." Kinikilig pa siya habang nagkw-kwento.

 

Sht. Hindi ko alam pero parang biglang nagbago ang mood ko dahil sa mga kinwento niya. Parang ayoko nalang makinig sa mga susunod na sasabihin niya. No. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ito naman ang gusto ko, 'di ba? Ako pa nga ang lumapit kay Dennis para makiusap na mag-date sila ni Mia pero ngayon, bakit parang nagsisisi na ako? Hindi pwede 'to. Dapat maging masaya nalang ako sa kanilang dalawa, kina Dennis at Mia.

 

"Uy!" Gulat sa 'kin ni Mia. "Hindi ka naman ata nakikinig eh." Sabi niya sa nagtatampong tinig. Masyado na pala akong nag iisip at napatulala kaya napansin na ni Mia na hindi na ako nakikinig sa mga sinasabi niya. Sht.

 

"Ay, sorry. Iniisip ko lang 'yung quiz natin." Palusot ko. Bumuntong hininga ako bago nagsalita ulit. "Saan ba kayo nagdate ni Dennis at kailan?"

 

Hindi ko alam kung bakit 'yon ang naitanong ko. Para siguro hindi nalang ako mahalata ni Mia na hindi talaga ako masyadong nakinig sa mga nakakakilig na kwento niya.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon