19

193 16 0
                                    

Hindi ko mapigilang hindi suwayin si Mia dahil sa inaasta niya. May boyfriend siyang tao pero kung kumislap ang mga mata niya habang nakatingin kay Marc ay parang wala siyang ibang nakikita, hindi ba dapat ay kay Dennis siya ganyan? Dapat si Dennis. Dapat kay Dennis lang ang atensyon niya, hindi sa ibang lalaki. Dahil kung ako ang nasa lugar niya ay makukuntento ako at magiging loyal ako kay Dennis. ‘Yun na nga eh. You’re not Mia at hindi sa’yo si Dennis. Wala kang karapatan.

 

O-okay. I get it. Alam ko naman ‘yon. Tsk. Pero, bakit nga ba pilit ako nagpapaapekto sa kanilang dalawa? Kung ano man ang meron sila at kung ano man ang mga gawin nila ay labas na ‘ko doon. Hindi ko na dapat sila pinapakialaman pa.

 

Pinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko ang mga bagay na ‘yon. I looked at Marc and smiled.

 

“Nakita ko na naghahanap kayo ng table.. And I think, wala nang vacant that’s why I called you. Pwede kayo dito, total mag isa lang naman ako dito.” Marc offered habang nakangiti at inaya na kaming  umupo.

 

“Wow. Thank you, Marc. Pero ayos lang ba sa’yo? May isa pa kaming kasama.” Sabi ko.

 

“No problem with me, Pia.. Four seater naman ito kaya kasya tayo.” He smiled again.

 

Napansin ko na nandito na nandito na ang mga pagkain ni Marc pero hindi pa niya ‘yon masyadong nakakain, halos kakarating lang din siguro niya.

 

Napatingin ako kay Mia na nakatingin pa din kay Marc, ah.. O-okay.

 

“Ahm, Marc.. Si Mia nga pala, Mia si Marc.” Pagpapakilala ko sa isa’t isa. Panigurado lang na sobrang saya na nitong katabi kong si Mia. Naglahad na kasi ng kamay ‘tong ni Marc sa kanya, inabot naman niya ‘yon agad.

 

“Hello, Mia.” Marc smiled.

 

I saw Mia smiled, too. “Hi, Marc.”

 

“Ehem.” Napalingon ako nang marinig kong tumikhim si Dennis. Nandito na pala siya. Bitbit niya ang mga pagkain na nakalagay sa tray.

 

Sumulyap lang siya saglit sa akin at kay Marc, pagkatapos ay tinitigan niya si Mia. Parang bigla namang nataranta si Mia at nabitawan na agad ang kamay ni Marc. Magkahawak pa rin kasi sila dahil nag shake hands sila kanina.

 

Nagkibit balikat naman si Marc. Tumayo si Mia at tinulungan si Dennis sa mga bitbit nito. Umupo sila sa magkatabing upuan at inayos nila ang mga pagkain sa mesa.

 

Habang ginagawa nila ‘yon ay naisipan ko din na ipakilala sina Dennis at Marc sa isa’t isa. Nagtanguan lang naman sila pagkatapos ko silang ipakilala sa isa’t isa.

 

“Buti pala mag isa ka lang ngayon, Marc?” Pag uumpisa ko sa usapan. Mukhang wala kasi silang balak mag usap usap. Masyadong tahimik.

 

Napangiti naman si Marc sa ‘kin bago sumagot. “Wala eh. Walang makasama.” Wala? Dati kasi hindi naman siya namamasyal na mag isa lang siya. Lagi siyang may kasama, mga barkada niya at mga kaibigan.

 

“Talaga? Bago yata ‘yun ah. Bakit naman? Dati hindi ka naman sanay mag isa.” I said.

 

Natawa naman siya ng bahagya. “Wala. Ganun talaga. Madami nang nagbago.”

 

Napasulyap ako sa dalawang love birds na kasama namin ngayon sa upuan. Masyado silang tahimik, lalo na si Dennis. Nakatingin lang siya kay Marc na parang gusto na niya ‘tong suntukin.

 

Tiningnan ko din si Marc pero mukhang wala lang naman sa kanya ‘yon. Parang hindi siya aware sa mga tingin ni Dennis sa kanya na mukhang may galit.

 

Malamang si Dennis, nagseselos ‘yan kaya ganyan. Ikaw ba naman madatnan ang girlfriend mo na hawak hawak ang kamay ng isang lalaki, hindi ka ba maiinis at magseselos? Si Mia naman kasi.

 

Sinulyapan ko si Mia at nakatingin din siya kay Dennis. Hinawakan niya si Dennis sa kamay kaya napatingin ito sa kanya. Nagkatinginan sila at nakita kong nangungusap ang mga mata ni Mia kay Dennis na parang pinipigilan niya ito, pinapakalma. And just like that, Dennis calm down. Ganoon na siya ngayon kay Mia? Napapasunod na siya ni Mia sa mga gusto nito.

 

Marahil ay napansin din ni Mia ang tensyon sa pagitan ng dalawa, kahit na hindi aware si Marc ay kitang kita naman kay Dennis kanina na parang hindi na siya makapagpigil. Ano ba kasing mayroon sa kanya? Masyado naman atang sobra ‘tong si Dennis. Wala namang ginagawang masama si Marc eh.

 

Liningon ko si Marc para sana kausapin para maiwasan ang tensyon ngunit siya naman itong nakatitig kay Dennis na may galit din na ekspresyon. Kumunot ang noo ko. Naguguluhan ako.

 

Ano bang meron sa kanilang dalawa at mukhang galit na galit sila sa isa’t isa? Magkakilala ba sila?

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon