14

242 19 0
                                    

He laughed sarcastically after niya akong titigan nang matagal. “Really, Pia?” Mahina ngunit madiin ang pagkakasabi niya rito. Binalik niya ang titig niya sa akin.

 

Pinikit ko ang mga mata ko para iwasan ang mga titig niya. Hindi ko kayang sabayan ang mga tingin niya sa akin.

 

“Why? Kilala mo na naman na si Mia, ‘di ba? Okay lang ‘yun. Please, Den.” Kalmado kong sabi kahit sa loob loob ko ay sobrang kinabahan ako sa nagng reaksyon niya. Alam kong hindi niya nagustuhan ang pabor na hinihingi ko pero nagkunwari nalang ako na hindi ko ‘yon napapansin.

 

“Why?” He asked habang inilayo na ang tingin sa akin. Pinili na lamang niyang titigan ang mga sunud sunod na halaman na nakahilera sa gilid.

 

“Gusto ko lang na mag-date kayo ni Mia, Den. She is kind and pretty. Try mo lang naman. And friendly date lang naman. Gusto ka lang naman makilala ni Mia.” Sabi ko.

 

He sighed. Matagal bago siya nagsalita. Tiningnan niya ulit ako sa mga mata ko and this time, hindi na ako umiwas.

 

“Do you really want this? Gusto mo talaga na magdate kami ni Mia?” He asked slowly while staring straight into my eyes.

 

“Yeah.” Mabilis na sagot ko na para bang kung hindi ko agad sasabihin ‘yon ay magbabago ang isasagot ko sa kanya.

 

Umiwas na naman siya ng tingin sa akin at muling bumuntong hininga. “Okay, then. I’ll date your bestfriend.” Pag sang ayon nito atsaka na tumayo. “Just text me kung kalian at saan.”

Naglakad na siya palayo nang hindi man lang nagpaalam sa ‘kin. Kita ko naman na masama ang loob niya dahil sa ginawa ko. Mali kasi, alam ko naman pero ayoko kasing isipin ni Mia na may gusto ako kay Dennis dahil wala naman talaga. Atsaka okay lang naman siguro, ‘di ba? Pareho silang single.

 

**********

 

Umuwi na ako pagkatapos ng huling klase ko. Hindi ko kasabay umuwi si Mia ngayon dahil may group project pa silang gagawin.

 

Nagulat ako nang madatnan ko si Marco sa sala na nakaupo pagdating ko sa bahay. Anong ginagawa niya dito?

 

Mabilis siyang tumayo nang makita ako. Nakita ko rin si Mama na nasa kusina at may hinahanda siya.

 

“Hello, Pia.” Bati ni Marc sa ‘kin kaya napabaling ang atensyon ko sa kanya. I just looked at him.

 

“Oh, Pia. Andyan ka na pala. Umakyat ka na sa taas at magbihis. Naghihintay si Marc sa’yo.” Sabi ni Mama. Kakalabas niya lang mula sa kusina at may bitbit na tray kung saan nakalagay ang meryenda na hinahanda niya kanina.

 

“Sige po.” Sabi ko nalang at umakyat na sa taas para makapagbihis.

 

Bakit ba nandito si Marc? May alam na ba si Mama sa nangyari? But I doubt it. Hindi ganoon ang magiging pakikitungo ni Mama sa kanya sakaling malaman niya ang totoong nangyari.

 

Tama. Walang alam ang mga magulang ko sa mga nangyari sa amin ni Marc noon. Naniniwala ako na hindi ko na kailangan sirain kung ano man ang tingin nila kay Marc. Hindi naman sa pinoprotektahan ko siya, ayoko lang na pati ang mga magulang ko ay masaktan dahil sa mga kasalanan na nagawa niya. Sapat na na ako lang,hindi ko na kailangan na idamay pa ang Pamilya ko. Problema ko naman ‘yon kaya kakayanin ko.

 

Sa totoo lang kasi. Hindi naman ako ganoon ka-open sa pamilya kapag tungkol sa mga problema ko. Ayoko na dinadamay ko pa sila sa mga problemang hinaharap ko. Sapat na sa akin na alam kong nandyan lang sila para sa ‘kin kahit hindi ako magsabi.

 

‘Yun naman ang gusto ko sa kanila, lalong lalo na si Mama. Alam ko na bilang ina, gusto niyang ipaalam sa ‘kin na nandyan lang sila. Kahit na alam ko at ramdam ko na gustung gusto niya na sabihan ko siya tuwing may problema ako ay hindi niya ako pinipilit na sabihin sa kanya ang mga detalye kapag ayaw kong sabihin. Nirerespeto nila ang mga desisyon ko.

 

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na agad ako. Nadatnan ko sina Mama at Marc na nagkukwentuhan, tumatawa pa nga si Mama. Nakangiti naman si Marc habang nakikinig din sa mga sinasabi ni Mama.

 

Naagaw ko ang atensyon nila ng bumaba ako. Tumingin sa akin si Mama, maging si Marc.

 

Tumayo na si Mama at sinabing iiwan na muna kami para makapag usap. Sa tono ng pananalita ni Mama ay nanunukso ito. Tinitingnan ko lang si Mama hanggang sa makapasok ito ulit sa kusina. Gusto niya bang magkabalikan kami ni Marc?

 

Alam kong alam ni Mama na mahal na mahal ko si Marc, noon. Sobrang nasaktan ako sa ginawa niya sa akin. Nakita ni Mama kung paano ako nabago mula nang magkahiwalay kami ni Marc noon kaya siguro ganun na lang ang pagnanais niyang magkabalikan kami ng taong ito. Iniisip niya siguro na babalik na ako sa dati kapag nagkabalikan kami ni Marc.

 

“Pia. Can we talk?” Biglang naagaw ni Marc ang atensyon ko nang magsalita siya. I looked at him and nodded. Maybe, this is the right time. Kailangan nga naming mag usap, ‘yung maayos.

 

Ang huling naging pag uusap namin ay masyadong intense at masyadong maraming revelations na hindi na nakayang i-proseso ng utak ko sa oras na 'yon kaya mas pinili kong umuwi at takbuhan siya.

 

Pero ngayon, I am willing to listen and talk to him. I think, I am ready. Kung ano man ang maging resulta ng pag uusap naming ito ay naniniwala ako na parehong makakabuti 'yon para sa aming dalawa.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon