13

267 17 0
                                    

Lumipas na naman ang mga araw na balik ulit kami sa dati ni Dennis. Walang imikan, puro lang kami ngitian tuwing nagkakasalubong kami.

 

“Kambal.. Sige na kasi. Please. Please.” Hanggang ngayon, kinukulit pa rin ako ni Mia tungkol kay Dennis. Masyado yatang malakas ang tama ng babaeng ‘to.

 

“Hindi pwede, Mia.” I don’t know how many times do I have to say na hindi ko siya pwedeng ilakad kay Dennis. Ang dahilan? ‘Di ko din alam. Basta ayoko. Hindi pwede.

 

“Ano ka ba naman, kambal! Try mo lang naman eh. Sige na..” Pagpupumilit pa nito. Kung pwede lang, Mia. Kaso hindi eh.

 

Umiling nalang ako sa paulit ulit na pangungulit niya. “Bakit ba kasi hindi pwede?” Nakasimangot na tanong nito sa ‘kin. “Ayaw mo naman sabihin kung bakit.”

 

Napabaling ang tingin ko sa kanya. “Basta hindi talaga pwede.” Mabilis kong sinabi.

 

“Bakit nga hindi pwede? Single naman siya eh. ‘Yun ang alam ko. Or baka may girlfriend na siya? ‘Yun lang naman ang pwedeng maging dahilan kung bakit hindi pwede eh. Just tell me kung meron man. Meron ba?” Mahabang sabi niya na nakatuon ang mga mata sa akin.

 

“I don’t know. Wala. Basta. ‘Wag ka na kasing makulit. Hindi pwede.” Dali daling sagot ko sa tanong niya.

 

“Ang gulo mo naman, kambal eh! Hmm.. Teka nga, hindi kaya may gusto ka din dun kay Dennis kaya ayaw mo akong ilakad?” Taas kilay na tanong nito sa akin at naglalaro ang mapang asar na ngiti nito sa labi.

 

Umiwas ako ng tingin sa ‘di ko malamang dahilan. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Why? Hindi, hindi pwede. Wala naman akong gusto kay Dennis. Kaibigan ko lang siya, magkaibigan lang kami.

 

Humalakhak siya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Kumunot ang noo ko while watching her, she’s still laughing na parang wala nang bukas. Baliw na ‘to.

 

“What?!” Naiirita kong suway sa kanya dahil patuloy pa din ang pagtawa niya.

 

“Look at your reaction, kambal. Ikaw, ha?! May hindi ka sinasabi sa akin.” Pang aasar nito.

 

“What reaction? Duh! I don’t like him. Pwede ba?! Magkaibigan lang kami. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya.” Hiyaw ko.

 

Tumikhim siya at pilit na pinapakalma ang sarili. “Okay, okay! Defensive ka masyado!” Tumawa pa ulit siya kaya inirapan ko.

 

“Sige na.. Naniniwala na ako na hindi mo siya gusto kahit na-“ Hindi na niya naituloy ang dapat sabihin nang magsalita na ako para putulin kung ano man ang idudugtong niya.

 

“I don’t like him, okay? I don’t like Dennis. Wala akong gusto sa kanya.” Tuluy tuloy na sabi ko. Ngunit parang kinukubinsi ko lamang ang sarili ko sa paraan ng pananalita ko. Ah, no. Wala naman talaga akong gusto kay Dennis.

 

“Ah, okay. So, pwede mo na akong ilakad ngayon sa kanya? Since wala ka naman palang gusto sa kanya.. And wala din siyang girlfriend. Ayan, pumayag ka na, kambal?” Pilit nito.

 

Bumuntong hininga nalang ako at tumango. Wala naman sigurong masama kung paglapitin ko sila ni Dennis, ‘di ba?

 

“Sige. Pumapayag na ako. Pero last lang, ah? Wala naman kasi akong alam sa mga ganyan.” Totoo naman. ‘Yung mga ilakad mo ‘ko kay ganito at ganyan, wala akong alam. Sa totoo lang, ayoko kasi sa ganoon. Tingin ko kasi pilit lang ang mga Pangyayari kapag ganoon.

 

“Sige, kambal! Thank you!” Sigaw nito at tumayo para yakapin ako nang mahigpit.

 

**********

 

Papunta na ako sa susunod na klase nang maisipan kong sabihan na si Dennis tungkol sa date niya with Mia. Yes, a date. Agad agad. Ito kasing si Mia, date agad ang gusto. Aniya’y isang beses ko lang siyang tutulungan kaya dapat ay date na agad.

 

Napailing nalang ako sa naisip na baka hindi pumayag si Dennis. Hindi kasi siya mahilig makipag usap masyado sa mga babae. Kaya nga noon, ako lang lagi ang kasama niya.

 

Kinabahan ako bigla nang makita ko siyang nakaupo sa upuan malapit sa mga puno sa gilid ng school at nanonood ng kung ano man sa cellphone niya. Wala ba siyang pasok at dito siya tumatambay?

 

Madalas kaming dalawa dito noon. Maliban sa canteen, dito kami madalas pumunta lalo na kapag masyadong maraming tao sa canteen.

 

Naglakad ako palapit sa kanya at unti unti din siyang nag angat ng tingin, marahil ay naramdaman niyang may papalapit sa pwesto niya.

 

Nakatitig siya sa akin habang papalapit ako, kita ko na medyo gulat siya dahil Siguro bigla bigla na lamang akong lumalapit sa kanya ngayon.

 

Nang tuluyan na akong makalapit ay umusog siya sa upuan. “Upo ka.” Sabi nito sabay tapik pa sa katabi nitong bakanteng pwesto.

 

Umupo naman ako. Narinig kong huminga siya ng malalim at itinago na ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Tumingin siya sa akin pero umiwas ako ng tingin.

 

Hindi ko alam kung bakit naiilang ako tuwing tinitingnan niya ako sa ganung paraan, noon pa man. Hindi na ako nasanay.

 

Hindi siya nagtatanong kung bakit ko siya nilapitan. Nakaupo lang kami. Parehong nakatingin sa malayo.

 

Tahimik naming pinagmamasdan ang mga taong nasa medyo malayong parte ng school. Magsalita na kaya ako? Nakakabingi na ang katahimikan. Ngunit paano ko sasabihin? Urgh!

 

“Den..” Tawag ko sa kanya nang hindi man lang siya tinitingnan. Naramdaman ko na lumipat na ang tingin ng mga mata niya sa akin kahit na hindi ako nakatingin sa kanya.

 

Hindi siya nagsalita. Hinihintay niya ang kasunod ng mga sasabihin ko pero hindi ko alam kung paano ko dudugtungan at kung paano ko sasabihin.

 

Sinalubong ko na ang mga tingin niya, huminga ako nang malalim at sinabi ko na ang dahilan kung bakit ako nandito, kung bakit ko siya nilapitan.

 

“Dennis.. I want you to date my bestfriend.” Dire-diresto kong nasabi ‘yon. Nakita ko na lumungkot ang mga mata niya when I said those words. Nag iwas siya ng tingin.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon