1

994 64 1
                                    

San nga ba nagsimula lahat ng 'to?

Sa crush.

Grade 6 ako when I first experienced na magkaroon ng crush.

Ang bata ko pa, I know. Pero wala namang masama sa pagkakaroon ng crush, 'di ba?

Hindi pa naman ako nagbo-boyfriend nun. 'Di tulad nung ibang classmates ko na nagkaroon na ng boyfriend kahit elem student palang.

Seryoso ba 'yun? Ang bata pa nila. Hanggang crush lang ako nung grade 6 eh.

Hindi masama na magkaroon ng crush. Sabi nga nila ito daw ay paghanga lamang.

Maaaring humahanga ka sa pisikal na anyo niya kasi gwapo siya, matangos ang ilong, may magagandang mata at mapupulang labi. That when he smiled at lumalabas ang mga puting ngipin niya, napapa-smile ka din.

Maaari din namang hinahangaan mo siya dahil sa talent niya, 'yung tipong kapag sumayaw siya o kumanta, kawawa kung sino man ang katabi mo sa sobrang paghampas mo sa kanya dahil sa kilig na mararamdaman mo.

At sporty. 'Yung astigin na varsity player sa school.. 'Yun bang everytime na may laban siya sa sports halos mapaos ka na kaka-cheer sa kanya.

Pwede rin namang dahil sa ugali niya. Mabait, magalang, maalalahanin at masipag..

O pwede rin na dahil sa matalino siya, 'yung feeling na siya ang valedictorian. Nakaka-proud kaya 'yun, napakatalino ng crush mo at ikaw naman feeling girlfriend na sobrang proud dahil sa achievements niya.

Sabi nila, ang crush mo daw ang taong kaya kang pakiligin ngunit hindi ka kayang mahalin.

Siya daw 'yung taong nagpapatunay na hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo..

But not in my case..

Because my ultimate crush since high school confessed with me, na may gusto siya sa akin at gusto niya akong ligawan.

Ang saya sa feeling 'nun.. Na malaman mo na 'yung taong pipangarap mo, napansin ka at pinapangarap ka din pala.

'Yung tipong 'di ka makapaniwala kasi akala mo imposibleng mangyari.

Kuntento na ako dati na tinitingnan siya sa malayo eh. 'Yung alam kong hanggang tingin lang talaga ako kasi malabong mapansin niya 'ko.

Sikat kasi siya sa school. Matalino at sporty kasi tapos gwapo pa.. Varsity player siya ng Basketball sa school.

Alam mo 'yun? 'Yung feeling na hindi ka makapaniwala na gusto ka niya.. 'Yung taong pinapangarap mo, 'yung taong hinahangaan mo.. May gusto sa'yo at nililigawan ka na.

Ang hirap paniwalaan kasi una sa lahat, hindi ako sikat like him. Pwede namang ma-inlove siya sa cheer leader ng school. 'Yung mga ka-level niya.. Kasi ako.. Simple lang ako nung high school.

Nagsimula lang akong sumikat dahil linigawan ako ng isa sa mga varsity player sa school at si Marco nga 'yon.

Lagi ko pa ngang tinatanong noon sa kanya kung bakit ako? Bakit ako yung niligawan niya? Eh simple lang naman ako.. Hindi tulad niya na isa sa sikat sa eskwelahan namin.

Lagi namn niyang sinasabi na bakit hindi ako? Ako ang gusto niya. Gusto niya ang pagiging simple ko. Hindi big deal na sikat siya at ako simple lang.

Tuwing sinasabi niya sa akin ang mga iyon, natutuwa ako.

Sino ba ang hindi? Sigurado naman ako na kapag sinabi sa'yo 'yung mga ganung bagay, matutuwa ka.

Sabi ko sa sarili ko, ang swerte ko.. Sobrang swerte. Bukod sa sikat si Marco dahil sa pagiging varsity player na gwapo, matalino din ito at mabait. Napaka-gentleman pa.

**********

Three months na siyang nanliligaw sa ‘kin. May balak naman talaga akong sagutin siya pero hindi muna ngayon. Hindi naman sa nagpapakipot ako o nag iinarte tulad ng mga naririnig kong sinasabi ng mga schoolmates ko tungkol sa akin.. Napakaarte ko daw, hindi naman daw ako maganda. Bakit ko pa daw pinapatagal ang pagsagot ko sa napakagwapong sikat na si Marco.

Alam ko na ayaw naman talaga nila sa ‘kin para kay Marco. Hindi kasi ako sikat. 'Di din ako sobrang ganda pero hindi naman ako panget. Simple lang. At wala din naman akong pakialam sa mga sinasabi o sasabihin nila eh. Buhay ko ‘to at labas na sila doon. Wala siguro silang magawa sa buhay kaya nila nasasabi ang mga bagay na ‘yon.

Nasasaktan ako, oo. Sino ba namang hindi, ‘di ba? Sabihan ka na maarte at hindi maganda. Minsan nga may nagsasabi pa na malandi daw ako. Nilalandi ko daw si Marco. Tsk. Sino ba sila para sabihin ako ng ganon? Hindi nila ako kilala. Hindi porke nananahimik lang ako, aabuso na sila.

Nagtataka din kasi sila na bakit ako nagustuhan ni Marco. Malayo daw ang agwat naming dalawa. Mayaman din kasi ang lalaking ‘yon. Ako, ayos lang. Tama lang. Hindi kami mayaman at hindi din mahirap.

Nagdadalawang isip din ako noon kung sasagutin ko ba siya. Dahil sobra sobrang panlalait ang natatanggap ko. Bakit kaya ganon, ‘no? Masyadong mapanghusga ang ibang tao. Wala ka namang ginagawang masama sa kanila, galit na galit sila sa’yo.

Pero dahil makulit si Marco at napatunayan ko na seryoso talaga siya, sinagot ko siya after few months. ‘Yun lang naman ang hinihintay ko eh, mapatunayan kung seryoso ba siya sa panliligaw niya sa ‘kin. More than eight months, mabilis ba ‘yon o matagal? ‘Di ko din alam. Basta naramdaman ko nalang na gusto ko na siyang maging boyfriend. Ang saya ko nun at alam kong masaya din siya. Pinagkalat pa niya ‘yon sa buong campus. Lahat nang taong madaanan namin sinasabi niya na, “Sinagot na ako ni Pia! Kami na.”

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon