4

623 37 6
                                    

"Uy, ayan ka na naman! Ang lalim na naman ng iniisip mo." Nagulat ako nang nagsalita si Dennis at parang naiinis na siya.

 

"Uh, sorry.. May iniisip lang ako." Sabi ko at tumingin sa paligid. Napansin ko kasing nakatitig siya sa 'kin kaya iniiwasan ko ang mga tingin niya. Naiilang kasi ako pag ganoon.

 

"Ano? O, sino? 'Yung ex mo na naman?" Nabigla ako sa tanong niya. Oo, alam ni Dennis ang tungkol kay Marc at kung anong nangyari sa amin. Naikwento ko 'yon sa kanya nung nag-open siya sa 'kin tungkol sa pamilya niya. Inisip ko na mapagkakatiwalaan ko siya kasi siya mismo may tiwala sa akin. At isa pa, kaibigan ko si Dennis.

 

"Naisip ko lang naman kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya pumapasok." Amin ko. Oo, naiisip ko pa din siya. Hindi naman 'yon maiiwasan eh. May pinagsamahan kami ni Marco at 'di ko naman mabubura ang mga 'yon, pangit man 'yon o maganda.

 

"Alam mo, Pia. 'Di ka makaka-move on kung lagi mo 'yang iisipin. Akala ko ba nasaktan ka niya at handa ka na kalimutan siya?" Seryoso niyang sinabi kaya napatitig ako sa kanya.

 

"Hindi ko lang naman maiwasan. Syempre, may pinagsamahan kami nung tao. 'Di ko maiwasan na isipin kung bakit hindi siya pumapasok. Baka kung ano na nangyari sa kanya." Sabi ko. Totoo naman. Kahit nasaktan ako, 'di ko pa rin maiwasan na isipin ang lagay niya.

 

"Mahal mo pa rin siya hanggang ngayon, 'no?" Sabi niya bigla pagkatapos kong magsalita. Pilit siyang ngumiti atsaka tumayo. "Sige, Pia. Pasok na 'ko sa klase ko. Ingat ka." Mabilis siyang naglakad palayo kaya hindi na ako naka-react sa sinabi niya.

 

Ano bang pinagsasabi niya? Bakit? Mahal ko pa si Marc? 'Di ko alam.. At kung ano man ang nararamdaman ko para kay Marc, ano naman 'yon sa kanya?

 

**********

 

Saturday at nagpasama si Dennis sa mall may bibilhin lang daw. Sinamahan ko naman siya. Madalang lang 'to magpatulong sa 'kin, siya kasi madalas ang tumutulong sa akin.

 

Nang makarating kami sa mall, dumiretso kami sa book store. Ano bang bibilhin nito? Hinayaan ko lang siyang mamili kung ano man ang bibilhin niya at nagtingin tingin naman ako sa mga libro, baka may magustuhan ako.

 

Habang pumipili ako ng books, bigla kong naalala 'yung nangyari last time sa canteen. 'Di pa namin napag-usapan ni Dennis 'yun at ayoko din namang i-open ang topic na 'yon dahil iniiwasan kong magkaroon pa kami ng away o ano man.

 

Kung ano man ang naging asta at mga sinabi ni Dennis sa 'kin nung araw na 'yun ay hindi naalis sa isip ko. Bakit ganun siya maka-react?

 

Akala ko nga after that incident, he'll not talk to me. Pero hindi naman, para ngang walang nangyari kung makaasta siya pero I think mas okay na 'yun kesa pag usapan namin ang nangyari. Alam ko din kasi na hindi pa ako handa na kausapin siya tungkol 'don.

 

Pero 'di ko lang talaga maiwasan na hindi maisip 'yon. Hayy. Ako dito, wagas kung makapag isip tungkol sa nangyari pero para sa kanya, parang wala naman kaya hahayaan ko nalang.

 

"Malalim na naman ang iniisip." Dennis said. Nasa gilid ko na pala siya, hindi ko man lang napansin.

 

"Hey, hindi ah. May hinahanap lang kasi akong book." Palusot ko.

 

"Psh. Naghahanap ka ng book pero nakatulala ka lang na parang napakalalim ng iniisip?" Ramdam ko ang inis sa boses niya. "Ge. Bayaran ko lang 'to tas hatid na kita pauwi." 'Yun lang at linagpasan na ako para pumunta sa counter para magbayad.

 

What's up with him? Ah, Dennis..

 

**********

 

Nitong mga nakaraang araw, ang hilig magsungit nung si Dennis. Parang babaeng may dalaw lang. Tsk.

 

"Oy, Den!" Tawag ko sa kanya habang abala siya sa kung ano man 'tong ginagawa niya na agad niyang tinago pagkarating ko kaya 'di ko naman nakita kung ano ba 'yon.

 

"Oh, bakit ka nandito?" Bungad niya sa 'kin nang binalingan ako. Seriously? 'Yan ang isasalubong niya sa 'kin?

 

"Ah, ganyan ka na sa 'kin ngayon? Psh. Alam mo, ang arte mo. Nakakainis ka. Para kang babaeng may dalaw. Hilig magsungit sa 'kin!" Sabi ko sa nagtatampong tinig.

 

"Hindi naman kita sinusungitan, ah?" Sabi niya sabay taas ng isang kilay. Arte talaga nito. Tss.

 

"Pero pinagtataasan mo ako ng kilay, 'no? Ah! Nakakaasar ka na, Dennis! 'Di na 'ko natutuwa sa'yo." Sabi ko. Totoo naman. Napupuno na ako sa inaasta niya, 'di naman siya ganyan dati.

 

"Sinabi ko bang matuwa ka dapat?" Sabi pa niya na sobrang seryoso at biglang labas sa phone niya. May ka-text? Tss! Napakabastos lang. Andito ako at kinakausap siya tapos magte-text bigla? Urgh. Bahala ka na nga dyan.

 

Nagwalk out nalang ako baka kung ano pang masabi ko sa kanya. Nakakainis. Naiiyak ako sa sobrang inis. Bakit ganun siya? Lalo lang akong na-badtrip dahil sa ginawa niya.

 

Akala ko pa naman medyo gagaan ang loob ko dahil makakausap ko siya. Pinuntahan ko kasi talaga siya para may makausap ako na alam kong makakaintindi sa akin. Sobrang bigat kasi ng pakiramdam ko ngayon. 

 

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan. Naiinis ako. Nagagalit. Nalulungkot. Ano ba? Bakit ganito? Umiiyak na naman ako. Akala ko tapos na 'tong pag iyak ko, hindi pa rin pala. Ano na naman 'to?

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon