29

199 14 5
                                    

Kasama ko ngayon si Joyce na naglalakad. Papunta kami sa taniman nina Lolo ng mga mangga. Nagkayayaan kasi kami ni Joyce kanina na manguha ng mangga, gusto ko kasing kumain 'nun at since malapit lang naman dito sa bahay ang taniman ay linakad lang namin.

Pagkarating namin doon ay agad akong sumakay sa duyan na nakasabit sa dalawang puno ng mangga sa bandang sulok ng bakuran, favorite spot ko 'to dito. Tuwing pumupunta kami dito, hindi pwedeng hindi ako sumakay sa duyan na 'to. Ang tagal na nito eh, pero alam ko naman na matibay ito kaya okay lang na magduyan ako dito hangga't gusto ko.

"Akala ko ba mangunguha tayo ng mangga? Eh, bakit ka nag aaliw aliw dyan sa duyan?" Sita sa 'kin ni Joyce habang nagsisimula na siyang kumuha ng panungkit para sa bunga ng mangga na gusto niyang kunin.

"Kukuha nga. Wait lang, e-enjoy-in ko muna 'tong duyan. Na-miss ko 'to eh." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Sus! Para ka paring bata dyan. Bahala ka nga, basta ako magsisimula na dito." Sagot naman ni Joyce at nagsimula na ngang manungkit ng mga mangga.

Pinapanood ko lang siya habang nakasakay na pa rin ako dito sa duyan at tinutulak ko ang sarili ko gamit ang mga paa ko na nakasayad sa lupa.

'Di ko maiwasang hindi mapangiti, hindi ko alam kung bakit.

"Bakit ka ngumingiti mag isa dyan?" Biglang tanong ni Joyce sa 'kin na ikinagulat ko. Napansin niya pala ang pangiti ko dito? Akala ko busy siya sa pagkuha ng mga mangga.

"Wala lang. Masama ba ngumiti?" Sagot ko naman.

"Hindi naman pero kung mag isa ka lang at ngumingiti ka, masama 'yan." Pang aasar niya sa 'kin kaya sumimangot ako sa kanya.

Narinig ko naman ang malakas na pagtawa niya kaya inirapan ko siya.

"May boyfriend ka na, ano?" Biglang tanong niya.

"H-ha?" Nakakunot noong baling ko sa kanya.

"Wala ba?" Tanong nito at binitawan ang hawak niyang panungkit tsaka linapitan ako. "Magkwento ka naman." Dagdag pa nito at nakitabi sa 'kin dito sa duyan. Malaki kasi 'tong duyan na 'to kaya kasya kahit tatlong tao.

"Hmn.. Wala. Masyadong magulo." Buntong hininga ko. "Ikaw ba?" Tanong ko.

"Ako? Wala. Walang nagkakamali." Natatawang sagot niya.

Napakunoot noo naman ako sa isinagot niya. Walang nagkakamali?

"Sira. Walang nagkakamali ka dyan?! Ang ganda ganda mo tapos mabait ka din. Paano walang magkakagusto sa'yo?" Mabilisang sabi ko.

"Wow naman! Pinsan talaga kita." Tatawa tawang sabi niya. "Pero kasi, hay! Magulo din. Ewan ko ba." Parang naiinis na ewan na sabi niya.

"Baka naman kasi pihikan ka kaya 'di ka nagkaka-boyfriend." Sabi ko.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Ako? Hindi, ah. May nanliligaw pero.."

"Pihikan nga." Sabat ko.

"Sira! Hindi nga. Ano lang kasi.. Haist. Ganito 'yon, may iba kasi akong gusto pero may iba din siyang gusto." Malungkot na saad niya. "Ay, ang gulo. Teka, gets mo ba?" Tanong niya sa 'kin.

Tumango naman ako bago nagsalita. "Pa'no mo nalaman na may iba siyang gusto? May girlfriend na ba siya o nililigawan?"

"May girlfriend. Haist! Girlfriend niya 'yung friend ko." Malungkot na sabi niya.

"Paano mo ba siya nagustuhan? I mean, sila na ba nung friend mo that time?" Tanong ko. Bigla akong naging interesado sa kwento niya.

Umiling siya. "Hindi. Hindi pa sila.. First year kami, nanligaw siya sa 'kin. Hindi pa kami magkaibigan ni Jess 'nun, 'yung girlfriend nga niya ngayon.. Ayun, nanligaw siya pero parang ayoko sa kanya that time. Alam mo 'yun? Magkaibigan kasi kami 'nun bago siya nagsimulang manligaw.. So, para sa 'kin parang hindi ako komportable na nanliligaw siya sa 'kin.. Tas hanggang pinatigil ko siya, sinabi ko na hindi pa ako handa.. Hindi naman siya nagalit eh. In fact, magkaibigan pa din kami kahit na may ganung nangyari." Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "Tapos ngayon, nung na-realize ko na gusto ko din pala siya, huli na.. Kasi nabalitaan ko na nanliligaw na nga daw siya kay Jess. Nakakainis lang eh. 'Di ko kasi agad na-realize na mahal ko siya. Ayan tuloy, nga nga ako ngayon." Pagku-kwento niya at pagkatapos ay pilit tumawa.

"Bakit ganun, 'no? Kung kailan mo na-realize kung gaano kahalaga at kamahal ang isang tao o bagay, bigla naman silang mawawala." Sabi niya at tumingin sa malayo.

"Madalas kasi, kapag andyan sila.. Hindi mo talaga maiisip na mahalaga sila sa'yo. Sabi nga nila, 'di ba? Kadalasan, malalaman mo lang ang halaga nila kapag nawala sila sa'yo." Tugon ko sa sinabi niya.

Naramdaman kong bumaling ang tingin niya sa 'kin. "Wow, deep." At bigla itong tumawa. 

Hinampas ko siya ng mahina sa braso at inirapan.

"Eh, ikaw ba? Nagkwento na 'ko, ikaw naman." Nakangiting sabi nito.

Tumango ako at nagsimulang i-kwento sa kanya ang mga nangyari.

Magpinsan nga kami, 'no? Halos pareho ang sitwasyon namin. Hindi agad na-realize na mahal namin ang isang tao at kung kailan alam na namin at sigurado na kami na siya na ang mahal namin, tsaka naman malalaman na may iba na pala sila.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon