11

346 19 3
                                    

Hindi maalis ang malaking ngiti ko sa labi hanggang sa makauwi ako. Nag enjoy ako at sobrang masaya talaga ako na bumalik na si Mia.

 

Nag aral kasi siya sa ibang bansa. Kababata ko 'yon at sobrang close kami. Sobrang nalungkot ako nung nagpaalam siya noon sa akin na aalis daw siya at mag aaral sa ibang bansa pero ngayong bumalik na siya, sobrang saya ko naman.

 

Natatawa ako kay Mia kanina habang magkasama kami. Paano ba naman, panay ang kurot niya sa akin. Ganun kasi 'yun, mahilig mangurot lalo na kapag nanggigil siya at kinikilig.

 

Panay rin ang reklamo niya sa akin kanina na bakit hindi ko daw siya agad nakilala, sinabi ko na masyado lang talagang malaki ang pinagbago ng itsura niya kaya hindi ko siya agad namukhaan. Lalo siyang gumanda at naging maputi.

 

**********

 

Nadatnan kong nanonood ng TV si Patrick sa sala. Lumingon ito sa akin nang makita ako pero binalik din agad ang tingin niya sa pinapanood.

 

"Where have you been, Ate?" Tanong niya na nakatuon ang atensiyon sa TV. 

 

"Mall." Simple kong sabi. Wala kasi ito kanina kaya hindi niya ako nakitang umalis. "Nasaan si Mama?" Tanong ko nang mapansing wala si Mama dito sa baba.

 

Bumaling siya sa akin at tiningnan akong mabuti. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya 'yon itinuloy at bumuntong hininga nalang.

 

Hindi niya rin sinagot ang tanong ko kaya inulit ko 'iyon. "Patrick, nasaan si Mama?"

 

"Sa taas. Sa kwarto." Sagot niya at nanood ulit kaya iniwan ko na siya at pinuntahan si Mama.

 

Kumatok ako sa kwarto nina Mama at binuksan naman niya agad at pinapasok ako. Bakas ang saya sa mukha ni Mama. Alam ko kung bakit, alam niyang masaya din ako ngayon dahil sa pagbabalik ni Mia.

 

Tama. Dito dumiresto si Mia kanina para puntahan ako ngunit hindi ako naabutan dahil namasyal ako. Sinabi ni Mama na lumabas ako at pumunta sa mall kaya pumunta si Mia doon at nagkita kami.

 

"Ma! Bumalik na si Mia." Balita ko na malapad ang ngiti. Kahit na alam ko na alam na ni Mama ay gusto ko pa rin iyong ibalita sa kanya, siguro dahil sobrang saya ko at hindi ko kayang kimkimin ang sayang nararamdaman ko.

 

Ngumiti si Mama sa akin at tumango. "Alam ko, hija." Hinaplos ni Mama ang buhok ko. "Masaya ako para sa'yo. Atleast ngayon, hindi na ako sobrang mag aalala dahil alam kong nandyan ang kaibigan mo para sa'yo." Ngumiti si Mama. "Alam ko na may problema ka, kahit hindi ka magsabi sa akin ay ramdam ko 'yon. Kung bakit hindi ka nagsasabi sa akin ay hindi ko alam ang dahilan, marahil ay nahihiya ka. Pero anak, ako ang Mama mo. You can tell me everything, kung may problema ka."

 

Tumango ako sa mga sinabi ni Mama. Alam ko naman na may alam sila kahit hindi ako magsabi. Syempre, pamilya ko sila at alam nila kapag malungkot o may problema ako. Ayoko lang kasing sabihin dahil tingin ko, medyo mababaw lang ang problemang ito at hindi ko na kailangang sabihin sa kanila. Kaya ko na 'to.

 

Niyakap ko si Mama. "Salamat po, Ma." Bulong ko. Naramdaman ko ang higpit ng yakap ni Mama sa akin at hinalikan ang ulo ko.

 

**********

 

Kakatapos lang naming magsimba. Umupo ako sa sofa katabi ni Patrick. Napagod ako sa kakalakad, namasyal din kasi kami pagkatapos magsimba.

 

Narinig kong may tumatawag sa pangalan ko sa labas kaya tumayo ako upang tingnan kung sino 'yon.

 

"Pia! Kambal!" Sigaw ni Mia na bihis na bihis.

 

Natawa ako sa itinawag niya sa akin. Kambal. 'Yan ang tawagan namin noon dahil para daw kaming kambal na hindi mapaghiwalay at dahil na rin sa mga pangalan namin na halos magkapareho.

 

Lumapit ako sa kanya at ngumiti siya ng malapad. "Tara! Labas tayo." Yaya nito sa akin. "Ipasyal mo naman ako." Sabi pa nito na natatawa. Anong meron? Parang baliw talaga itong si Mia.

 

Pumayag ako kahit na kakagaling ko lang din mamasyal kasama ang pamilya. Nagpaalam ako kay Papa't Mama na lalabas lang kami ni Mia para mamasyal, pumayag naman sila.

 

"Dito ka na ba mag aaral ulit?" Tanong ko kay Mia habang naglalakad kami at kumakain ng ice cream.

 

"Uhm.. Oo. Nakiusap kasi ako kay Mama na dito nalang ulit ako mag aral para makasama kita. Ayoko kasi doon." Sabi niya at tumingin sa akin.

 

"Talaga?! Buti naman. Nami-miss na din kitang kasama sa pagpasok eh." Mabilis kong sagot at ngumiti sa kanya.

 

"Oo. Excited na ako, kambal." Tawa nito.

 

Masaya kaming nag uusap ni Mia nang may mahagip ang mga mata ko. Teka, si Dennis ba 'yon? Sino 'yung kasama niya?

 

"Uy!" Gulat ni Mia sa akin kaya nabaling sa kanya ang tingin ko.

 

"Hindi ka nakikinig sa 'kin!" Kunwaring nagtatampong saad nito.

 

“Sira! Hindi. May tinitingnan kasi ako.” Sabi ko sabay lingon sa pwesto nina Dennis kanina pero paglingon ko ay wala na sila doon.

 

Siya ba talaga ‘yung nakita ko? Pero hindi naman ako nagkakamali eh, si Dennis talaga ‘yon at may kasama siyang babae.

 

Sino ang babaeng ‘yun? Bakit parang nanikip ang dibdib ko dahil sa nakita ko? Pinilig ko ang ulo ko at bumaling ulit kay Mia na nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.

 

“Sino ba ‘yung tinitingnan mo?” Tanong nito. “Kung maka-react ka dyan, parang nakita mo ang boyfriend mo na may kasamang ibang babae.” Balewalang sabi nito.

 

Napatingin ako sa mukha niya at nakita kong kunot pa rin ang noo niya na nakatingin din sa akin. “Teka nga, may boyfriend ka na ba? Baka mamaya totoo pala ‘tong nakikita ko.”

 

Hindi ako nakaimik sa mga sinabi ni Mia. Napaiwas ako nang tingin sa hindi malamang dahilan. Bakit ganoon? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi naman ako girlfriend.. Bakit, bakit parang nagseselos ako sa nakita ko?

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon