28

175 15 7
                                    

Hapon na nang makarating kami dito sa probinsya nina Lola, ang Lola ko sa side ni Mama. Napakatahimik dito. Pumikit ako upang salubungin ang sariwang hangin. 

Napangiti nalang ako bigla. Ang sarap naman ng hangin dito. Pumikit ako upang mas madama ang paghihip ng hangin.

"Ate, kunin mo kaya muna 'tong mga gamit mo bago ka magmuni muni dyan?" Narinig kong sigaw ni Patrick sa 'di kalayuan kaya nagmulat ako ng mga mata. Nandoon siya sa likod ng kotse at sinisimulang kunin na ang mga gamit niya doon.

"Okay!" Pabalik ko naman na sigaw sa kanya at nagsimula nang maglakad patungo sa kinaroroonan niya.

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko habang hinihintay ako ni Patrick at sabay na kaming sumunod kina Papa at Mama sa paglalakad papasok sa bahay na tutuluyan namin sa pagbabakasyon namin dito.

Papasok palang kami sa loob ng bahay ay rinig ko na ang ingay ng mga tao sa loob. Oo, meron ngang tao sa loob.

Nang makapasok kami ay agad bumungad sa 'kin sina Lolo at Lola na tuwang tuwa.

Madalas kaming magbakasyon pero hindi naman lagi dito kaya medyo madalang din namin makita ang mga kamag anak namin dito.

Sina Lolo at Lola, sina Tita Josie at ang asawa't anak niya ang mga nakatira nalang ngayon dito sa province. Halos lahat ng mga kapatid ni Mama at kabilang na nga siya doon, ay sa syudad na naninirahan ngayon.

Linapitan ko sina Lolo at Lola para magmano, yumakap at humalik sa kanila.

"Hi, Lolo and Lola. Na-miss ko po kayo, sobra!" Sabi ko habang pareho nilang akong yakap yakap ngayon. Waaah. Na-miss ko talaga sila.

Narinig kong natawa silang pareho sa 'kin kaya nakitawa din ako sa kanila. Lumayo na ako sa pagkakayakap at umupo sa tabi nila.

"Ang kulit mo talagang bata ka." Nakangiting sabi ni Lolo sa 'kin. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Haaay, nakakamiss talaga sila. Kahit hindi ko sila masyadong nakakasama ay mahal na mahal ko sila. Ang babait kaya nila. Wala akong masabi.

Napalingon naman ako kay Patrick nang siya ang lumapit para bumati sa Lolo at Lola namin kaya tumayo muna ako para siya na muna ang makipag usap sa kanila.

Pumunta ako sa kusina kung saan naghahanda si Tita Josie ng mga pagkain. Binati ko din siya.

"Hello, Tita Josie!" Masiglang bati ko sa kanya.

Lumingon siya sa 'kin at ngumiti. "Oh, kamusta ka, Pia?" Masayang tanong niya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi pagkatapos kong magmano sa kanya.

 

"Okay lang, Tita. Kayo po? Nasaan pala si Joyce, Tita?" Ang tinutukoy ko ay ang nag iisang anak ni Tita Josie. Halos magkasing edad lang kami ni Joyce kaya naman nagkakasundo din kami, masasabi kong close din kami. 

"Mabuti din kami. Si Joyce? Lumabas lang siya saglit." Sagot ni Tita. "Hintayin mo nalang siya, babalik din 'yon agad." Nakangiting dagdag niya.

Tumango naman ako sa sinabi niya. Hihintayin ko nalang si Joyce dito. Maya maya pa ay dumating na siya. Lumapit siya sa 'kin habang ngiting ngiti.

Sinalubong ko naman siya at nagyakapan kami. Natawa ako bigla dahil sobrang higpit ng yakap niya sa 'kin.

"Ang OA niyo namang magyakapan." Bigla kaming napahiwalay si Joyce sa isa't isa at sabay na sinimangutan si Patrick dahil sa pag i-interrupt niya sa aming dalawa ni Joyce.

"Eh, na-miss namin isa't isa eh. Paki mo ba?!" Sigaw ni Joyce kay Patrick. Ganyan talaga 'yang dalawang 'yan. Laging nag aasaran at nagbabangayan. 

"Sus! Pa-miss miss pa kayong nalalaman." Asar na naman ni Patrick. "Daming arte!" Dagdag pa nito.

"Inggit ka lang eh. Pangit mo kasi." Ganti ni Joyce na ikinatawa ko naman. Napailing nalang. Kahit kailan talaga, para silang batang dalawa tuwing nag aasaran at nag aaway.

"Weh? Ako, panget? Walang maniniwala sa'yo, uy!" Mayabang na sagot ng kapatid ko. Well, sino nga bang maniniwala na panget siya? Gwapo eh. Hindi ko sinasabi 'to dahil kapatid ko siya, totoo ang sinasabi ko. He's really handsome.

"Uy, kayong dalawa! Tumigil na nga kayo. Para talaga kayong bata." Nakangiti kong sabi.

"Siya kasi eh!" Sisi ni Patrick kay Joyce.

"Anong ako?! Ikaw kaya unang lumapit dito at nang asar!" Tanggol naman ni Joyce sa sarili.

Hay, mukhang hindi ko na naman maaawat 'tong dalawang 'to kaya hinayaan ko na muna silang magbangayaan dyan. Titigil din sila pareho kapag nagsawa na sila.

Napapngiti nalang ako habang pinapanood silang dalawa.

Mas okay din pala na magkaroon ng kahit sandaling bakasyon muna. Medyo naiiwasan kong maisip ang mga problema ko.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon