23

195 19 2
                                    

I heard Dennis laughed sarcastically. Napapikit ako sa narinig. Sht. What was he thinking?

 

"Mahal? Ako? Ako ang mahal ni Pia? No. Hindi totoo. Hindi ako naniniwala. Kaya pwede ba, Marc, lubayan mo na din ako?! Eh, ano naman kung mahal ko siya?! Hindi naman niya 'ko mahal! She doesn't love me! Ikaw ang mahal niya! Ikaw pa rin! Ang saya, 'di ba?! Mahal ka pa rin ng taong mahal mo.. Oh, ako?! Nilayuan ko na nga siya, 'di ba?! Nilayuan ko na siya! Ano na namang gusto mo ngayon?! Wala na! Wala na akong pwedeng gawin kaya tigilan na natin ang usapang 'to!"

 

'Yun ang huling mga sigaw na narinig ko mula kay Dennis at naramdaman ko nalang na naglalakad na siya papalapit, papaalis na siya sa lugar na 'to kaya kailangan ko na din na makaalis bago pa niya 'ko makita, bago nila ako makita.

 

Pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ko mai-hakbang ang mga paa ko, hindi ko mai-kilos ang katawan ko, hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko..

 

Napasandal nalang ako sa puno at tuluyan na akong nanghina at hindi ko na din napigilan pa ang mga luha na lumabas sa mga mata ko at ang mga hikbi na lumabas sa bibig ko.

 

Sht. Ang sakit sa pakiramdam.

 

Naramdaman ko na may taong tumigil sa tapat ko kaya mula sa pagkakayuko ay inangat ko ang tingin ko para makita si Dennis na nakatingin sa akin ngayon.

 

Titig na titig siya sa akin. Napansin ko ang mga mata niya na may mga luha pa din. Pero sa kabila ng mga luhang nasa mga mata niya ay kitang kita ko pa din ang mga halu halong emosyon na nasa mga mata niya.. Hindi ko na kinaya ang pakikipagtitigan sa kanya kaya yumuko ulit ako at muli na namang tumulo ang mga luha ko at napahikbi na naman ako.

 

Naramdaman ko ang paghawak ni Dennis sa baba ko at inangat ang mukha ko. "Don't cry." Bulong nito at umiwas ng tingin sa 'kin.

 

Naramdaman ko na tinitigan na naman niya ako at sinimulang punasan ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko.

 

Hinawi ko ang kamay niya. Kitang kita ko na nagulat siya sa ginawa ko. Tsk. Nagulat ka? Ano pa kaya sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon? Ang dami dami kong gusto itanong sa kanya, sa kanila.. Para maging klaro sa akin ang lahat. Sobrang naguguluhan na naman ako. Ang dami nang nangyayari.. Ang dami ko nang nalalaman.. Ang dami ko nang natutuklasan..

 

"Ka-kapatid mo si C-Cherry?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Sht. Nanginginig ang boses ko sa halu halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

 

Nakatingin lang siya sa 'kin na para bang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko.

 

"Tell me.. Magkapatid ba kayo ni Cherry?" Ulit ko sa tanong ko. Gusto kong malaman niya na kailangan kong makuha ang sagot mula sa kanya.

 

Tumango lang siya bilang sagot. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko at bigla nalang dumapo 'yon sa pisngi niya. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinampal.

 

"Ka-kapatid ka ng babaeng naging dahilan ng pasakit sa 'kin noon? I-ikaw.. At siya, magkapatid kayo.. Sht! Dennis! Magkapatid kayo!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya sabay tulak sa dibdib niya. Gusto ko lang sumigaw. Gusto ko lang magwala.

 

Nakatingin lang siya sa 'kin habang umiiyak ako sa harapan niya. Sht. I never thought na iiyak ako ng ganito sa harap ng isang lalaki.

 

Nakarinig ako ng yapak galing sa gilid ko kaya napatingin ako 'don.. Naglalakad si Marc papalapit sa 'min.

 

"Ikaw!" Turo ko kay Dennis. "At ikaw!" Baling ko rin kay Marc. "Both of you! Why didn't you tell me na magkakilala pala kayong dalawa?! Sht! Pinagmukha niyo akong tanga! Pinakilala ko pa kayo sa isa't isa, ngayon pala.. Magkakilala na kayo! Sht! Kaya pala nagtaka ako 'nung unang beses kayong nagkita, parang galit na galit kayo sa isa't isa tapos heto pala ang dahilan ngayon?! Ha?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay para pigilan ang malakas kong pag iyak. Sht.

 

Akmang hahawakan ako ni Dennis pero umatras ako.

 

"Don't touch me!" Sigaw ko na naman. Kanina pa ako sumisigaw dito.

 

Nakita kong natigilan naman siya at yumuko nalang. "I hate you, Dennis. I hate you." Napaangat ang tingin niya sa 'kin dahil sinabi ko. Suminghap ako. "Pinagkatiwalaan kita.. Pero hindi eh, hindi dapat. Kasi lahat, lahat nang nangyari, usapan niyo lang.. Yeah, 'yung pagkakabunggo natin 'nun.. Hindi aksidente 'yun! Tell me! Aminin mo! Naka-plano na 'yun bago mo pa ako malapitan, tama ba?! Sumagot ka!" I yelled again.

 

Nakita kong naglandas ang mga luha sa mga mata niya.

 

"Sabi ko na nga ba eh.. Imposible na may taong lalapit sa 'kin para makipagkaibigan. Kaya pala.. Kaya pala linapitan mo 'ko, kaya pala kinaibigan mo 'ko dahil napagkasunduan niyo ni Marc 'yon. I get it." Pumikit ako. "Lahat, lahat ng mga ginawa mo.. Lahat ng mga sinabi mo sa 'kin noon.. Tell me, totoo ba 'yun? 'Yung mga pinakita mo sa 'kin, 'yung pinaramdam mo sa 'kin.. Was it all part of the plan?" Tuluy tuloy kong sabi at binuksan ang mga mata ko.

 

Nakita ko na napapikit din si Dennis at kitang kita ko kung paano lumandas ang mga luha mula sa mga mata niya papunta sa pisngi niya. Nakatingin lang ako sa kanya. I cried more when I realized that he'll not going to say anything.

 

Hindi niya masagot ang mga tanong ko. Hindi niya kayang ipaliwanag ang lahat. That's the cue.. Umalis na 'ko doon na umaasang hahabulin niya ako at ipapaliwanag sa akin ang lahat.. Kasi basta magpaliwanag siya, papakinggan ko. Ganun 'yun.. Ganun ko siya kamahal kahit na alam kong hindi naman siya sa akin ay handa pa rin akong makinig.. Sa ngalan nalang ng pagkakaibigan namin.

 

Pero wala. Walang Dennis na sumunod sa 'kin. Hindi niya 'ko sinundan.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon