34

135 15 0
                                    

Ilang buwan na din ang nakakalipas mula nang makausap ko si Mia. Masaya ako na naging mabuti na ang relasyon namin ni Mia ngayon.

Inaamin ko naman na noong mga panahon na inakala kong sila talaga ni Dennis ay hindi ko maiwasang hindi mainis sa kanya minsan. Natural lang naman siguro ang ganon.

Inggit. 'Yon siguro ang naramdaman ko sa kanya noon. Inggit dahil siya ang kasama ng taong mahal ko. Alam kong wala akong karapatang makaramdam ng mga ganoong bagay sa kaibigan ko. Dahil una sa lahat, ako ang may kasalanan. Tinulak ko palayo si Dennis sa akin. Pangalawa, wala alam si Mia. At kung sakaling totoo man ang relasyon nila noon ay wala siyang kasalanan kaya wala akong karapatan na magalit.

Pero ngayon na maliwanag na sa 'kin ang lahat. Ang mga katotohanan sa likod ng naging relasyon nila ay nagpasya akong harapin na sana si Dennis at bigyan ng pagkakataon ang mga sarili namin para sumaya.

Noong una ay parang ayoko. Natatakot akong puntahan siya at sabihing bigyan niya ako ng pagkakataon para bumawi sa kanya.. Ngayong alam ko na ang totoo at sa tulong na din ng pagkukubinsi ni Mia sa 'kin ay nagawa kong magdesisyon na kakausapin ko na siya pero sa kasamaang palad, hindi ko na siya naabutin.

Nung araw na napagdesisyunan ko na kausapin siya ay nalaman ko na umalis na siya.. Iniwan na niya ako. Wala na ba talagang pag asa? Umiyak ako nung araw na 'yon. Walang may alam kung saan siya pumunta. Hindi siya nagpaalam. Maging sa 'kin, hindi. Kaya gustuhin ko mang hanapin siya ay hindi ko din alam kung paano ko sisimulan.

Hanggang ngayon, hindi kopa rin alam kung nasaan siya. Babalik pa kaya siya? Sana, oo. Dahil marami pa akong pagkukulang sa kanya. Gusto kong bumawi.

"Pia, nasa baba si Mia." Narinig kong sinabi ni Mama habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Balik na naman ako sa ganito, laging nakakulong sa kwarto. Lumalabas lang ako kapag kakain at kailangan ako sa labas.

Bumaba na ako para puntahan si Mia.

"Kambal!" Salubong niya sa 'kin pagkarating ko sa sala.

Umupo ako sa tabi niya. "Ano 'yun?" Tanong ko.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Iniya ako ni Marc na pumunta sa despedida party niya bukas.. And he said na I should invite you kasi may suprise daw siya." Pahayag niya.

Kumunot ang noo ko. Surprise? Ano naman kaya 'yon? Hmm.

"Oh, okay. Sige, pupunta tayo." 'Yun nalang ang sinabi ko. Kahit tinatamad akong pumunta ay pupunta pa rin ako.

Despedida party ni Mark dahil aalis na siya, babalik na siya sa ibang bansa para sa anak niya. 'Yon ang alam ko. Kaya kailangan ko din pumunta para naman wala silang masabi. Ayos lang naman sa 'kin at okay na din kami ni Marc. Nagpaliwanag na din siya tungkol sa nangyari sa kanya at kay Dennis. Ang sabi nga niya sa 'kin, wala daw kasalanan si Dennis. 'Yung mga pinakita niya sa 'kin noon, totoo daw 'yun pero tulad nga ng sinabi ko, huli na. Wala na siya.

Umalis na din agad si Mia pagkatapos sabihin sa 'kin kung saan at anong oras gaganapin ang party. Sabi niya ay susunduin nalang daw niya ako bukas dito sa bahay, pumayag naman ako.

**********

Kinabukasan, sakto na nakabihis na ako nang dumating si Mia para sunduin ako. Simple lang naman ang suot ko. Hindi naman kailangan na bongga.

Dumiretso na kami sa bahay nina Marc, doon daw kasi gaganapin ang party. Sumusunod lang ako kay Mia sa likod niya hanggang sa makarating kami sa sala nila Marc. Nakita ko siya na nakikipag usap sa ilang mga kaibigan niya.

Tinawag siya ni Mia kaya lumingon ito agad sa gawi namin. Ngumiti siya kay Mia at pagkatapos ay sa 'kin.

"I'm glad nakapunta kayo." Nakangiting bati nito sa 'min pagkalapit niya. Ngumiti lang din kami ni Mia pabalik.

"So, kamusta kayo? Ikaw, Pia.. How are you?" Bahagyang tanong nito.

"Ayos lang ako." Sagot ni Mia sa kanya at tumingin sa 'kin.

"Ah, ayos lang din naman ako." Nakangiting sagot ko.

Tumango lang si Marc at inaya na kaming umupo sa bakanteng sofa nila sa sala. Nasa kabilang banda ang iba pa niyang mga kaibigan.

"Ah, guys. Kilala niyo naman na si Pia, 'di ba?" Tanong niya sa mga kaibigan niyang naroon. Nakita kong tumango sila at halos sabay sabay na ngumiti sa 'kin. "At heto naman si Mia, kaibigan niya." Nakangiting pagpapakilala ni Marc sa bestfriend ko. Binati din siya ng mga ito at ganoon din ang ginawa ni Mia.

Tahimik lang akong nakaupo ngayon dito. Si Mia, ayun at nag e-enjoy sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ni Marc. Hinayaan ko lang siya. Inaaya niya ako kanina pero ayoko. Medyo naiilang pa din ako sa kanila. Syempre, alam niyo na. Sila 'yung dating mga kaibigan ni Marc na may ayaw sa 'kin. Hindi ko alam kung ganun pa din ba ngayon pero sa totoo lang, wala naman akong pakialam.

Napabaling ako sa side ko nang may umupo sa tabi ko.

"Bakit ka nag iisa dito? Hindi ka ba nag e-enjoy?" Tanong nito sa 'kin.

"Wala lang. Okay lang naman ako dito." Nakangiti ako.

"Hmm, gusto mo bang lumabas muna para magpahangin? Sasamahan kita."

Tumango nalang ako sa paanyaya niya. Nakita ko siyang tumayo at inilahad niya ang kamay niya sa 'kin. "Tara?"

Inabot ko din ang kamay ko atsaka tumayo. Naglakad kami papalabas ng bahay. Nakita ko pa si Mia na nakangiti ng nakakaloko sa 'kin habang nakikita kami ni Marc na magkahawak kamay na lumalabas ng bahay.

Sira talaga 'tong si Mia. Ano bang iniisip niya? Umiling nalang ako at hindi na siya pinansin.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon