2

655 33 8
                                    

Six months had passed mula nung sinagot ko si Marco at maging official boyfriend-girlfriend na kami.

 

Okay naman kami nung una pero ngayon, 'di ko na alam. Nakakapanibago.

 

Nagbago siya. 'Di ko alam kung bakit, 'di ko alam ang dahilan.

 

Ayoko sanang masyadong mag isip pero sa tuwing maaalala ko 'yung nangyari last time na magkasama kame at ng mga barkada niya, 'di ko maiwasang 'di mainis.

 

Niyaya niya kasi akong lumabas last week, ang saya ko pa 'nun eh. Akala ko kasi date naming dalawa 'yon.. Akala ko babawi siya after almost a week na hindi siya nagparamdam sa'kin, pero hindi pala..

 

Pagkarating namin sa mall, nadatnan na namin dun 'yung mga barkada niya. May mga babae pa nga silang kasama eh, halos 'di ko sila kilala.

 

Pagkakita niya sa mga 'yun, parang 'di na niya 'ko kilala.. Parang wala siyang kasama. Sana pala hindi na niya 'ko sinama.. Parang wala lang din naman ako eh.

 

Para akong tanga na nakabuntot sa kanila sa kalahating araw na 'yun. Nauuna silang maglakad tapos ako nasa likod nila. Wow, 'di ba? Girlfriend ako pero hinayaan niya lang akong sumunod sunod sa kanila nung araw na 'yun.

 

Hindi na nga ako nakatiis kaya umuwi nalang akong mag isa.. Naiiyak pa nga 'ko nun kasi 'ni hindi man lang talaga niya 'ko sinundan..

 

Gaga na yata ako. Pa'no ako susundan kung hindi niya namalayan na umalis na pala 'ko doon? 'Ni hindi nga siguro napansin na wala na ang girlfriend niya dun dahil masyado siyang busy sa mga barkada niya.

 

Hindi naman ako nagde-demand ng sobra sa kanya. Hindi ko rin naman siya kinukulit lagi o kahit ano. Hinahayaan ko nga siya sa mga ginagawa niya. Sinikap kong maging mabuting girlfriend para sa kanya pero ganun 'yung ginawa niya.

 

Ano bang nangyari? 'Di ko din alam. Nakakainis. Two weeks na siyang ganyan, nagbago siya eh. Ewan. Iniisip ko nga na ano bang nagawa ko? Bakit bigla nalang siyang naging ganyan sa 'kin.. Biglang nagbago 'yung pakikitungo niya sa akin.

 

Parang wala na siyang pakialam sa akin.. Papabayaan nalang niya ako ng ganito? Hahayaan nalang ba niyang masira kami ng ganito?

 

Sht. Bakit ganito? Feeling ko wala na siyang pakialam.. Pakiramdam ko 'di naman talaga niya 'ko gusto..

 

**********

 

Nagkita kami ni Marco. I decided to talk to him.. Ako na ang nag-aya na makipagkita siya sa 'kin para makapag usap kami. He'll not make time to see me kung maghihintay lang ako, alam ko 'yon kasi wala na naman siyang pakialam. 

 

Ang sakit pala ng ganito. You are in a relationship with someone you love pero parang bula lang, parang wala lang. 

 

Kung papipiliin ako. Sana hindi nalang ganito. Sana hindi nalang naging kami. Sana hindi nalang niya 'ko niligawan. Sana hindi na naging kami..

 

Mula kasi noong kinausap niya ako at nagsimula siyang manligaw, wala na. 'Yung mga pananaw ko noon na hanggang tingin lang ako, nagbago. Akala ko totoo, hindi pala. 

 

Imposible siguro talagang mangyari ang ganoon.. Na mapansin ka ng taong pinapangarap mo. Liligawan ka. Magiging kayo. Magiging masaya. Sa una siguro, oo.

 

Habang nag uusap kami ni Marco 'nun, 'di ko maiwasang maisip na ano nga ba talaga ang nangyari? Bakit nagbago siya? May nagawaba 'ko na 'di dapat? Ganito lang ba mauuwi ang lahat?

 

Six months. OA siguro para sa iba. Maikling panahon lang daw kasi 'yon pero masisisi ba nila ako? Sobrang mahal ko lang talaga si Marco. Hindi naman 'yun nasusukat sa tagal ng relasyon niyo.

 

Bago pa maging kami, bago pa niya 'ko niligawan, may gusto na talaga ako sa kanya kaya nga sobrang saya ko nung linapitan niya 'ko eh. Pero ngayon, wala na. Tapos na. 

 

Alam ko na kailangan ko nalang tanggapin. Ganito naman talaga eh. Kahit masakit, you need to accept it. Kayanin mo dapat.

 

"Sorry, Pia.. Hindi na yata kita mahal." Those words. Naiyak nalang talaga ako nung sinabi niya sa 'kin 'yon. Masakit. Masakit marinig na hindi siya sigurado sa nararamdaman niya para sa 'kin.

 

"Wh-what? Kailan pa? No, Marc.. Why?" Hindi ko alam kung kaya kong marinig ang isasagot niya o kung gusto ko ba talagang marinig 'yon pero tinanong ko pa din. Gusto kong malaman kung paano.. Kung ano ang nangyari.. Kung ano ang dahilan. Kahit masakit, I need to hear it.

 

"I don't know.. Maybe, you're just boring. I mean, what the fvck. We're six months already pero wala pa ring nangyayari." What? Nabingi yata ako. I thought..

 

"Ha? What do you mean?" I managed to asked. Sobrang nanlamig ako sa sinabi niya. I know what he really meant pero gusto ko lang tanungin kung tama ba talaga ang pagkakaintindi ko? Fvck. All he wanted was sex.

 

"Oh, common! Pia. Alam ko na alam mo kung ano ang sinasabi ko. Yeah, I love you but.. I don't know. I'm not sure anymore. 'Di ko alam kung minahal talaga kita eh. I just got bored na hanggang kiss lang. No touch." Balewalang sabi niya.

 

Parang hindi yata ako makapaniwala. Sht. Umurong yata lahat ng luha ko dahil sa galit ko sa mga sinasabi niya. How can he do this to me? I thought he loves me, 'yung totoo. Hindi ganito.

 

"I realized na marami pa dyan. 'Yung willing.. Not like you na masyadong conservative. I'm sorry." Totoo ba 'tong naririnig ko? Sht. Napaka-walang kwenta niya. I slapped him. Hard. Na 'yung tipong magising sana siya sa mga pinagsasabi niya.

 

"Ang kapal mo naman, Marc! I thought you really loves me! Sabi mo mahal mo 'ko tapos ngayon you're telling me na you got bored?! Ano?! Ha?! 'Yun lang ba talaga ang gusto mo?! 'Yun lang ba?! Sht! I hate you!" Galit na galit na sigaw ko sa kanya tsaka ko na siya tinalikuran at iniwan.

 

'Di ako makapaniwala. Akala ko iba siya. Akala ko totoong mahal niya 'ko. Hindi pala.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon