hi sa friend Kong number 1 fan ko sa story ko nagchat pa talaga siya sa GC namen na he need my update na daw. Hi po babebest! Clrncflrs! Thank you sa pagsupport sa story ko whahahaha.
Melissa POV
Papasok nako mag-isa sa school nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ko kasabay sila cla no? Haha
Umuwi sila kanina nakalimutan daw nila yung uniform nila. Makasabi pamo sila na ready sila kagabi yun pala waley haha.
Nahahawa na ata ako sa kadaldal nila charot. Naglalakad nako papunta sa room ng may bigla nalang bumuhos ng malamig na tubig sakin.
"AHHHHHHH!" Sigaw ko. Grabe ang lamig talaga letse!
"Hahahahaha! Bagay lang yan sayo nerd!" Sigaw ng isang babae.
"Nilalandi mo si adrian ts! Slut!"
"Di ko siya nilalandi!" Pagtatanggol ko.
"What a nice scene? Haha. Malandi ka Melissa inagaw mo saken si adrian!!"
Sinabunutan na niya ako at pinagsasampal wala akong ibang magawa kundi umiyak. Ayoko na masakit na.
"A-aray.. Tama na hazel." Nanghihina kong sabi sa babaeng sumasabunot saken. "Anong tama na? Kulang payan!" Atsaka niya ako sinikmuraan kaya naubo ako.
"itigil niyo yan!!!"
"IKAW TALAGANG BABAE KA! HOY IKAW HAZEL KUNG HINDI MO TITIGILAN YANG KAIBIGAN NAMEN KAMI NA MAKAKALABAN MO TSAKA SI MELISSA MALANDI? E ANONG TAWAG SAYO? HIGAD?"
"Hoy bakla! Wala Kang karapatang sabihan ako ng ganyan. Tsaka malandi naman talaga yang kaibigan mo e."
Habang nagsasagutan si cla at hazel ay lumapit saken si fe at laiza letse! Ang sakit ng katawan ko. Hayss
"may karapatan ako kasi tao din ako. Bakit ikaw may karapatan kadin bang sabihan ng malandi kaibigan namen? Kung gusto mong respetuhin ka rumespeto kamuna ng tao letse ka!"
"Ang lakas ng loob kalabanin ako!"
"Hindi kami alipin mo para dika kalabanin stupid bitch!" Sigaw ni cla.
Inalalayan na nila ako papunta sa clinic at tinignan nako ng nurse.
"Bes ayos kalang ba? Sorry kung nahuli kame ha? Makakalbo ko na talaga yung higad nayun arghhh!" Asar na sabi ni cla.
Waaaah! Ngayon lang may nag-alala sakin ng ganito except kay kuya gav , mama , at papa.
"Ok lang ako ano kaba cla."
"Nag-alala kami sayo lissa." Sabi ng kambal.
"Salamat sa concern at tulong niyo ah? Kung Hindi kayo dumating baka kalbo nako ngayon."
"Ano kaba bes. Sino-sino pabang magtutulungan kundi tayong magaganda lang. Hahaha"
"Sira ka talaga cla."
Grabe! Ngayon lang ako nakangiti ng totoo sa ibang tao. Di kasi ako ngumingiti kasi di naman ako nageexist para sakanila.
Nagpahinga lang ako ng konti. May mga bandaid ako sa mukha dahil sa kalmot ni hazel panget na nga ako pumanget pako lalo. Hayy ang buhay talaga parang life -_-
Tumunog na yung bell kaya naman tatayo na sana ako kaso...
"Sigurado kabang kaya muna bes?"
"Oo kaya kona. Don't worry""Osige Tara na lissa."
"Classroom na tayo Tara"
Naglakad nakami papuntang classroom at paika-ika akong naglakad. Pagkarating namin sa classroom ay nagtawanan lahat ng kaklase ko habang nakatingin sa blackboard. Napatingin naman ako dun.
Melissa mallari nerd na panget. Panget na mang-aagaw pa. ugly duckling!
Yan yung nakasulat. May tumulong tubig sa mata ko kaya tumakbo ako paalis sa lugar na iyon.
Pumunta ako sa playground dito sa may kinder garden at umupo ako sa swing habang umiiyak.
"Bakit ganun? Wala naman akong ginagawa nabubully nanaman ako ng ganito? Wala naman akong inaagaw e!"
Iyak lang ako ng iyak dito habang pinapanuod yung mga Batang masayang naglalaro.
"Masaya sigurong kung babalik sa pagkabata, yung tipong sugat lang yung nananakit at nagpapaiyak sayo hindi mga tao." Sabi ko.
Iniyak kolang lahat. Sa lahat ng nababasa Kong story kapag may ganitong scene may biglang dadating na lalaki at aabutan ako ng panyo. Haha assumera is real!
Bakit ba kasi ako nabubully ng ganito? Letse! Ang panget ko kasi e. May kapalit talagang lungkot ang sayang dumadating.
Tumayo nako at maglalakad na sana pabalik kaso....
"Hi ate!"
"Ah? Hello."
"Ano po name niyo? My name is angel rueda."
"Ah. Melissa mallari. Ang ganda mo baby." Sabay pisil ko ng pisnge niya.
"Bakit po kayo umiiyak kanina ate?"
"Ah. May nang-aaway lang kay ate. Wag ka ng magworry ok?""Ok po ate. Baka po hinahanap nako ni kuya. Alis napo ako. Babyeeeee." Kumaway nalang ako. Tumakbo na siya paalis kaya mag-isa nanaman ako.
Naglakad nako pabalik ng classroom pero uwian na pala kaya nagpasya nakong umuwi na.
~*
Papasok nako ng bahay at naglakad na sa sala papunta na sana ng hagdan ng..
"bakit may band aid ka?!!" Oh-oh I'm dead
"Ah ano kasi ahmmm. Na-nadapa a-ako. Oo nadapa ako."
"Nadapa ka? Tuhod una uy! Bakit ka may band aid? Sino umaway sayo? Nabubully kaba sa school nayon? Ano sumagot ka." OA talaga kuya gav!!
"Isa isa muna kuya! Oo na may nang-aaway saken kaya ako may band aid sa mukha."
"Hayaan mo na sila. Mga insecure lang sayo yun. Taena nila!"
"Hahahaha. Osige na kuya akyat muna ako."
Tumango si kuya kaya umakyat nako. Nasa kwarto nako ngayon at nakapang bahay na. Matutulog na sana ako kaso nauhaw ako kaya bumaba muna ako para uminom ng tubig.
Napadaan ako sa sala nakita ko si kuya na may kinakausap sa telepono Hindi ko naman sinasadyang mapakinggan ang pinag uusapan nila.
"Nabubully na siya sa eskwelahan niya bro! Kaya kailangan na talaga nating lumipat. Hayy" sabi ni kuya sa kausap niya. Anong sabi ni kuya?
Bakit siya lilipat? Saan? Kailan? Para saan? Bakit?
AN: UD ulet! Pambawi sa matagal na di nagUD hehez. :)

BINABASA MO ANG
THE NERD REVENGE
Dla nastolatkówNagmahal ka lang naman ng totoo pero panloloko at pang-uuto isusukli sayo. Kapag mabait daw laging nasasaktan, tanong ko lang? Gaano ba ako kabait para saktan ng paulit-ulit. -inapi -inuto -niloko -sinaktan Dahil nerd . at ngayon sisiguraduhin kon...