Chapter 19

2.8K 65 5
                                    

SVT mingyu as Gavin marc

GAVIN POV

Naglalakad ako ngayon papasok. 1 year nadin simula nung makasama ko si melissa. 2 weeks lang kasi ang tinagal ko kasama niya dahil nag aaral pako dito di naman pwedeng pati ako magdrop diba? Ok ng makita ko si melissa na masaya.

Kaya ayokong magmahal e. Puta ganyan mararanasan mo. Di naman kasi porket mahal ka di kana sasaktan.

Kilala nyo naman siguro si acell di ba? Yung ex ko.

(Chapter 1: twin brother. Tumawag po sakanya si acell nun. )

Akala ng lahat mahal ko siya. Pati nga si melissa akala mahal ko si acell pero hindi.

Magbestfriend lang kami ni acell. Pero di ko alam bat napunta sa point na biglang kami na. Kagising ko bigla kami na ewan ko.

Bat napunta tayo sa LL ko? Hahaha.

"Marc!" Tawag sakin.

"Oh josh. Musta?" Ngayon ko lang kasi siya nakasabay ulet. Medyo naging busy to sa cellphone nya e.

Lagi nalang tutok sa cp.

"Ok lang eto masaya." Sabi niya. Aba!

"Mukhang may chixx ka man ah!" Sabi ko at tinapik ang balikat niya.

"Wala ah haha" parang biglang nailang si josh. May chixx nga siguro bwahahaha.

"Kailan pala uwi ni melissa?" Biglang tanong niya.

"Ah nextweek na" sabi ko. Bigla naman lumiwanag yung mukha nya. Explain nyo nga bat ganun reaksiyon nya???? Nevermind na nga lang.

"Malapit na pala. Tara na pasok na tayo." At pumasok na kami sa room.

****
Cliff POV

"Hoy anong sinisilip mo jan?"

"Ay kalabaw ka!" Gulat ko sabi.

"Ganda ko namang kalabaw." Sabi naman niya.
"Ikaw sadista ka wag ka ngang manggulat." At sumilip ulit sa bintana.

"Sino ba kasing sinisilip mo jan? May sinisilipan kang babae no???" Sabi nito.

"Wala ah!" Sabi ko at di na siya pinansin.

"Mukhang may chixx ka man ah! "

"Wala ah haha"

"Kailan pala uwi ni melissa?"

"Ah nextweek na"

"Malapit na pala. Tara pasok na tayo." Yan ang dinig ko sa pinag uusapan nila.

Kuya ni melissa at isa sa barkada niya ang nag usap.

Umayos naman ako ng upo dahil papasok na sila mahirap na baka mahuli.

"Chismoso kapalang unggoy ka" biglang sabi.

"Tigilan mo nga kakatawag saking unggoy" naiirita kong sabi. Ang gwapo gwapo ko kaya!

"Eh sa ayoko?" Sabi nito.

"Eh kung halikan kaya kita dito?" At biglang nilapit ang mukha ko sakanya.

"Ah eh ano tawag nako nila cla jan kana unggoy" at dali dali itong umalis.

Duwag naman. Sadista tas takot hahaa

Bigla ko nanamang naalala yung narinig ko. Next week na ang balik ni melissa. Sasabihin ko ba sakanila? Kay adrian?

"Lalim ng iniisip ah malalim pa sa dagat" biglang nagsalita ang nasa tabi ko.

"Ay melissa ka. Ano ba!!!" Sigaw ko. Lagi nalang akong ginugulat putspa.

"Makasigaw. So iniisip mo si melissa?"

"Hindi ah!" Sabi ko.

"Sus halata kana e. Sagip kapamilya kanaman hahaahha." Pang aasar ni bakla.

"Hoy clarence hindi ko gusto si melissa" sabi ko.

"Cla nalang nakakalalaki yung clarence choss hahahaha. Charot lang naman hahah pero mahal ba talaga ni adrian si melissa?" Biglang tanong nito.

" sa pag kakaalam ko matagal na niyang gusto. Pero wala siyang lakas ng loob para umamin. " sabi ko.

"Eh bat ano yung dare dare?" Sabi nito.

"Bored lang talaga nung time nayun. Hindi ko naman alam na gagamitin pala ni hazel yun para wasakin si melissa." Hindi naman namin intensyon na saktan at paiyakin siya.

"Pero bakit nahuli na magkahalikan yung dalawa?" Daming tanong.

"Si hazel ang unang nanghalik. Hindi na nakita ni melissa yung pagkatulak ni adrian kay hazel dahil naglalakad na ito palayo." Sabi ko.

Bat ba ako nagpapaliwanag? Dapat si adrian nandito e!

"Ah ok" at umalis na.

So ganun nalang ha? Matapos kong magexplain ng ke haba haba ganun nalang? Letse talaga si bakla kahit kailan. Badtrip kausap.

"Man" biglang tawag nanaman.

"Oh ano?!!" Sigaw ko.

"Galit galit?!!" Sigaw niya.

"Oh ikaw pala man pasensya " sabi ko kat adrian. Akala ko kasi sino nanaman e

"Badtrip ka ata" sabi niya oo badtrip na badtrip.

"Hindi man. May iniisip lang"

"Sige. Wag mong pakaisipin sasakit lang ulo mo. Magchixx kanalang" sabi pa niya.

"B.I ka talaga siraulo! " pabiro ko.

"Coming from you? Hahahah" sabi pa nito.

"Nasaan ba si angelo at hindi ko nakikita?" Sabi ko.

"Ewan kung saan saan nagsususuot. Baka may chixx yun hahahah" napatingin naman ako sa labas.

Huli ka!

"Mukhang may chixx nga man. Tignan mo" turo ko.

Huling huli sa camera mga kapuso. Ang aming barkada ay may babaeng kasama at naglalakad sila papuntang canteen.

Ang kasamang babae ay walang iba kundi si...

Elaiza mae po mga kapuso
Mga repa! Hahahaha.

"Ang bilis talaga ni angelo." Sabi ko.

"Oo nga e. Buti nga di torpe. Yung iba dyan hanggang asar nalang di naman umaamin." Parinig niya.

"Pinaparinggan mo bako?" Sabi ko.

Nagkibit balikat lang siya at nilayasan ako.

Aba't!!

"Hoy bumalik ka dito!!" At hinabol ko siya.

Ako? Torpe? No.

-----

THE NERD REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon