Chapter 30

2.1K 51 4
                                    

Melissa POV

"I love you" sambit nito bago tumumba at mawalan ng malay

Dali dali naman ako umupo upang gisingin siya ngunit nagpakalasing talaga siya kaya KO agad.

Itinayo ko siya kahit na ang bigat bigat niya at dinala sa kwarto sa baba. Meron pa namang isang kwarto dun yung kwarto ng mga yaya kaso wala kaming yaya kaya bakante yun.

Ng maihiga kona siya ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng ipaghihilamos sakanya.

Bumalik ako sa kwarto at pinunasan ang mukha niya ng basang bimpo. Hinubad ko din yung damit niya. Damit lang huhubarin ko wag kayong ano jan.

Pupunasan ko na sana ang dibdib niya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko ngunit nakapikit padin ito.

"Ano ba. Bitaw" sabi ko sa mahinang boses at pilit na inaagaw ang kamay ko.

"Melissa..." Sambit nito. Napahinto naman ako sa ginagawa ko.

Hindi ako sumagot at hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Miss na kita balik kana" sabi nito tsaka na binitawan ang kamay ko.

Dali dali akong tumayo at binitbit ang mga gamit na pinasok ko sa kwarto. Dinala ko yun sa kusina tsaka na ako dumiretso sa kwarto ko at natulog.

------

Nagising ako dahil sa mga naririnig kong ingay sa baba. Nagsipilyo at naghilamos nako bago bumaba.

"Tignan nyo sa likod baka nandoon!" Sigaw ni kuya.

"Wala siya! Kanina pa kami balik balik don!" Sigaw naman ni cla.

"Nasaan na ba kasi yon?!" Iritang sabi naman ni angelo.

"Uhhh excuse me. Anong meron?" Tanong ko

"Si adrian kasi melissa nawawala. Di siya natulog sa kwarto kagabi." Sabi ni cliff.

Pinigilan ko namang tumawa dahil sobrang epic ng mga mukha nila.

"Tinignan nyo naba sa kwarto na yon?" Turo ko sa kwarto sa kanan.

Pumunta naman dun si elaiza at binuksan ang pinto.

"NANDITO SIYA!" Sigaw nya.

"PUTEK NANJAN LANG PALA SI GAGO!"inis na sabi ni cliff.

"Paano mo nalaman nandoon siya?" Tanong ni kuya.

"Hinulaan kolang. Sige na bye" at umakyat na ulet sa kwarto.

Nagbihis ako. Ayokong magstay ng matagal sa bahay dahil naiilang ako. Hindi ko alam galit ako pero inalagaan ko siya. Galit ako pero nag-aalala parin ako. Ganun talaga siguro kapag mahal mo yung isang tao. Kahit na galit kana kahit na ayaw muna di mo parin mapigilang mag-alala.

"San punta?" Tanong saken ni kuya nung palabas nako ng pinto.

"Mall." Sabi ko at lumabas na.

Ginamit ko yung kotse ko. Kahit na bawal. Hehe

Pinark ko yung kotse at bumaba na.

Wala talaga akong planong magmall ngayon pero ayokong magstay sa bahay.

Lakad lakad lang ako ng may masalubong akong masamang tao joke.

Binangga ko siya ng pasimple.

"Oppppsss. Sorry " sabi ko ng nakangisi.

"Hoy! Ikaw nananadya ka talaga eh no? Ano ha?" Sabi nito at tinulak ang balikat ko.

"Nagsorry na nga diba. Papansin kadin eh no" sabi ko.

THE NERD REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon