Feliza POV
-7pm-
Nung masend na saken ni gavin yung number nung shokoy na yon ay dali dali ko naman yong tinawagan.
[hello? Who you?] who you who you kapajang shokoy ka.
"Hoy shokoy"
[blema mo?] wow nagsungit ang shokoy.
"Phone ko pakibalik"
[tss kaninang tinatawag ka pabebe ka ngayon hahabol habol ka manigas ka] sabi nito. Aba nakakainis talaga to!!! Arghhhhhh
"Malay koba?! At bakit ba andami mong sinasabi ibalik mo nalang!!" Naiinis kong sabi.
[ayoko] tsaka namatay yung call. Arghhhhh nakakabwisittttt talaga!!!
Nung tinawagan ko ulet ay cannot he reach na siya. Nananadya talaga tong shokoy nato. Paano na yung phoneeee ko.
Hindi ko pa naman alam kung kailan ko makikita yang shokoy nayan. Tinawagan kopa ng tinawagan pero mukhang nananadya talaga ang shokoy at cannot be reach lagi. Nakatulugan kona yung pagtawag sakanya.
**
Melissa POVPapasok nako sa room ngayon. Magkasabay kaming pumunta dito ni kuya pero naghiwalay din kapasok sa gate. Hays naalala ko nanaman yung nangyari kahapon pagkatapos kaming idismiss. Hindi ko mapigilang masaktan.
Flashback
Naglalakad nako palabas ng campus dahil nga maaga kaming dinismiss at nagmamadali nadin akong umuwi. Ewan ko ba feeling ko pagod na pagod ako ngayon. Or malungkot lang talaga ako?
Nasa parking lot nako ng school nung lapitan ako ng isang babae.
"Hi. Can i ask you?" Biglang tanong nito saken. Wait? Familiar to saan ko nga kasi nakita to? Arghhhh sa sobrang lutang ko diko maalala. Hayaan na nga.
"Yes. What is it?" Aba inenglish ako,english-in ko din.
"Do you know adrian?" Wait? Adrian?
"Adrian what?"
"Uhm rueda" wait? Girlfriend niya ba to? Sana hindi.
"Yes. He's my classmate and why?" Kailan bako titigilan nito sa kaka english. Pagod na nga puso ko pagod padin utak ko kaeenglish.
"Pwede kobang malaman kung saan ang room niya? Hindi ko kasi macontact eh" mukhang mapapatagal pa ang pag-uwi ko neto ah. gusto ko na talagang umuwi.
"Halika samahan na kita"
Lumakad na ulit ako papasok ng school at nakasunod naman siya saken.
"Nakikita mo ba yung room nayon?" Turo ko sa nag iisang classroom na bukas ang pinto.
"Andon ang room niya" sinabi ko pa tsaka aalis na sana ng marinig ko ang boses niya.
"Daisy! What are you doing here?"
Daisy? So eto yung kasama niya kanina nung nakita ko siya sa tapat ng restaurant? Kaya pala familiar. Naalala ko na.
Kumapit naman agad yung daisy daw sa braso ni adrian kaya napaiwas ako ng tingin. Tsk kailangan talaga sa harapan kopa? Sabagay sino nga naman ako diba
"Nabitin ako sa date natin kanina eh. Let's go to the mall aid" yaya nito. Teka lang. Aid? Ano yan? Parang sakit lang ganon? Sus ang panget ng nickname.
"Okay sige" sinabi niya ito habang nakangiti sa babae.
"Ah una nako" sabi ko at mabilis na lumakad palayo sakanila. Bakit ba ganon? Di manlang ako napansin ano ako don? Props? Display?
"Melissa wait" biglang tawag ni adrian pero diko na pinansin at nagtuloy tuloy nalang sa pag alis. Gusto ko ng umuwi.
At ayun nga dahil masakit sa mata ang nasaksihan ko ay hindi na muna ako nag online at natulog na agad kagabi.
At ngayon sigurado naman akong makikita ko nanaman siya ay gusto ko nanamang umuwi. Ewan ko ba bakit naiinis ako at the same time nalulungkot. Siguro naiinis ako kasi yung dapat na kasama niya eh hindi ako. Nalulungkot kasi siya padin pero mukhang hindi na ako.
Nakapasok nako sa room at dumiretso na agad sa upuan ko. Sumubsob nalang ako sa desk ko kaupo ko. Grabe nakakainip mukhang maaga nanaman akong nakapasok makatulog na nga muna.
Feliza POV
Papasok nako ngayon at badtrip na badtrip padin ako sa letseng shokoy na yon. Aba nag effort akongmagtanong ng number niya tapos ganon lang? Langhiya yon
Nakita ko naman si melissa na mukhang natutulog nanaman sa desk niya. Matanong nga kung anong ganap kahapon.
"Uy" kalbit ko sakanya.
Tumingala naman siya at mukhang nakatulog na nga. Buti pa siya
"Ano nangyari kahapon ha? Ayos kalang ba? Ano?" Tuloy tuloy kong sabi. Ewan koba paranoid na ata ako feeling ko kasi may nangyari eh.
"Ah si adrian kasi------" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng sunod sunod na nagsipasukan ang mga kaklase namin kasama nadon sila cla at pati sila cliffton. Aba himala?
Kasunod naman nilang pumasok ay ang teacher namin sa oras na yon.
"Goodmorning class. So before i start my lesson. Meron nanamang transferee sa section niyo. Mr.Diaz come in." Tawag nito sa transferee daw.
"Goodmorning everyone. I am Iverson Gray Diaz but you can call me Gray if you want" sabi nito at agad namang uminit ang ulo ko at lalo akong nabadtrip. Kapag sinuswerte ka nga naman. Babawiin ko ang phone ko dito.
"Wait kaano ano mo si mr.diaz?" Tanong ng teacher namin. Ang tinutukoy niya doon ay si karl. Oo nga naman parehas sila ng apilido. Baka magkamag anak.
"Cousin ko po" magalang na sagot nito. Aba naman. Magpinsan pala.
"Osya sige maupo kana doon sa vacant"
Papalapit na siya malapit sa pwesto ko at napakaswerte nga naman dahil sa tabi ko nalang pala ang vacant seat -.- arghhh
"Hi mae. Nagulat kaba?" Biglang sabi nito saken.
"Hindi natakot ako. Mukha mo palang kasi mapapaurong kana sa takot. Atsaka tigilan mo kaka mae di tayo close. Give me back my phone" naiinis na sambit ko sakanya.
"Ke aga aga ang sungit. Araw arawkabang meron ha?"
"Aba wag mokong simulan shokoy ha. Phone" sabi ko at inilahad ang palad ko sa harap niya.
Imbis na phone ang ibigay ay nagulat ako dahil ipinatong niya yung kamay niya sa kamay ko tsaka iyon pinasaklop. Holding hands ganern
"Hala ka gurlllll!!! Ang harowtttt" biglang sigaw ni cla kaya napatingin samin lahat. Hinila ko naman agad yung kamay ko tsaka umiwas ng tingin. Omygad feel ko sobrang pula kona. Tumingin naman ako sa shokoy at ayun ngiting ngiti na akala mo nanalo sa laban. Mamaya kalang sakin.
Hindi ko alam bakit pero bigla akong napatingin sa pwesto nila cliff at nakita ko siya nakatingin din sakin. Nung nakita niya akong nakatingin din ay bigla itong nag roll eyes saken.aba bakla
"Hala ka nagalit si cliff" bulong ni melissa sa gilid ko. Aishhh
Bwiset tong shokoy nato.
At baket naman magagalit yon?ano meron? Hmmm hayaan mo na nga.
----
BINABASA MO ANG
THE NERD REVENGE
Teen FictionNagmahal ka lang naman ng totoo pero panloloko at pang-uuto isusukli sayo. Kapag mabait daw laging nasasaktan, tanong ko lang? Gaano ba ako kabait para saktan ng paulit-ulit. -inapi -inuto -niloko -sinaktan Dahil nerd . at ngayon sisiguraduhin kon...