Chapter 14 - Gandang nakatago.

3.3K 92 7
                                    

Melissa POV

"wala namang nakakatawa e. Lahat naman ng tao nasasaktan at Nagmamahal. Wala yan dahil sa nerd ka di jan ang basehan ng pag-ibig." sabi ni sophia saken.

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa aking mata. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko na siya iiyakan. Pero eto at humahagulgol pa ako. Nandito ako sa korea para makalimot hindi para magmukmok.

Sa Maikling araw na nakasama ko si adrian masyado na pala akong hulog. Na sa sobrang hulog ko. Ako yung wasak na wasak.

Masyado akong nakampante. Diko naisip na niloloko nya lang ako dahil masyado akong mabait.

"kapag tumibok yang puso mo.   Bdimuna mapipigilan. At dapat handa ka ding masaktan." sabi pa nito.

"tama ka. Tanga ko kasi dahil mas pinairal ko ang puso ko." sabi ko.

"hindi naman masamang sundin ang puso. Pero dapat alam mo kung kailan ito susundin at kung kailan ang dapat ay utak." sabi nito.
Naiintindihan ko ang pinupunto nya. Masyado akong nagpadala sa puso ko.

"inabuso ang pagiging mabait ko. Nerd kasi ako e panget na nga mahina pa." sabi ko. Nakakalungkot lang. Bakit ba kasi ang hina ko? :'<

"hindi ka mahina melissa. Baguhan ka lang. Bago lang sayo ang nararamdaman mo. Bago lang ang ganyang pakiramdam sayo"

"at hindi ka panget. Maganda ka melissa. Ang ganda mo ay nakatago lamang."

Ganda ko ay nakatago?...

"maganda ako?" tulala kong tanong.

"oo. Andrama naten haha. Bago kalang ba dito sa korea?"tanong nito.

"ah oo. Nandito ako sa korea para makalimot at balak kong gumanti sa taong nanakit saken"

"gaganti ka? Alam mong walang magandang maidudulot ang pag rerevenge." sabi nito.

Oo alam ko yun. Pero masyadong sarado ang isip ko para isipin yun.

"tulungan mo nalang ako." sabi ko.

"osige na. Simulan natin sa pagpapaganda." at hinila nya ako papasok sa mall.

Pumasok kami sa salon.

Pinaupo nya ako at tinawag ang bakla.

"hey AC! Palabasin nyo ang kagandahan ni melissa ha? Babalikan ko siya dito. Kayo ng bahala!" utos nito. Tagalog magsalita ang baklang kinausap ni sophia.

"akong bahala phia. At ikaw naman ate sisiguraduhin kong magugulat ka sa kalalabasan nito." tukoy nito saken.

Inahit nya ang mga sobra sobra sa kilay ko. Pinalitan nya din ang kulay ng buhok ko. Ang dating itim na itim na buhok ko ay may pagkabrown na. Ini-straight ang buhok ko. At ginupitan.

Pagkatapos sa buhok ay ang mukha naman.

"wag masyadong makapal ah." paalala ko. Baka kasi kapalan niya e. Ayoko nung ganun.

"oo naman. Di muna kailangan ng makapal na make up no. Maganda ka." sabi pa nito.

Buong katawan ko ata ang pagagandahin. Gaganda kaya ako? Kinakabahan ako s resulta.

Diko namalayan na nakatulog na pala ako.

---------

"nasaan na ang kaibigan ko?" narinig kong tanong. Mukhang boses ito ni sophia.

" Nakatulog pero ok na lahat." sabi naman ni AC ang kaibigan ni sophia na nag-ayos saken.

Minulat ko ang mga mata ko at humarap kay sophia.

"sophia? Buti nakabalik kana." kanina pa kaya ako naiinip dito kung alam mo lang.

"miss pasensya na ah pero hinahanap ko kasi yung kaibigan ko. Atsaka paano nyoko nakilala?" sabi nito. What?! Di nyako nakilala?!!

"sophia ako to si melissa."sabi ko at nagpoker face.

"melissa?!! Ikaw ba talaga yan?! Ang ganda mo sobraaaaa!! Wahhhhh" niyakap niya ko bigla.

Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at humarap sa salamin.

"ako ba talaga to?" tulala kong sabi

Ang malaki kong salamin ay napalitan na ng contact lens.

Ang dating medyo maputla putla kong labi ay bahagya ng mamula mula.

Ang buhok ko na dati ay magulo ngayon ay straight na straight na.

Nirebond ako.

Ang ganda ko. Diko akalaing may igaganda pa ako.

"isuot mo ito melissa at mamasyal na tayo." inabot nya saakin ang dala niyang paper bag.

Binuksan ko iyon at tumambad sakin ang isang dress na kulay blue. Offshoulder siya at hanggang tuhod ang haba pero hapit na hapit.
Isinuot ko iyon at bumagay naman sakin. Naiilang lang ako dahil masyadong pangsexy hehe. Isinuot ko din ang flatshoes na nandoon.
Tumeterno ito sa suot kong dress.

"huwow! Ganda mo at ang sexy mo pala" puri nanaman sakin ni sophia.
"ah eh salamat." nahihiya kong tugon.

"next na tayo. Done na tayo sa pagpapaganda. Next naman is ang ugali."

"ugali? Paano?" tanong ko.

"hindi naman sa gagawin kitang masama pero dapat ay huwag kang masyadong magpakita ng bait. Dahil aabusuhin ka. Try mong magsungit. Ayun pwede mong magamit sa pagrevenge mo. Magtaray ka." sabi nito.

Osige. Kauwi ko sa bahay sisimulan ko ng gawing masungit ang sarili ko. Hindi naman mawawala ang pagkamabait ko.

Gagamitin ko lang ang pagiging mabait ko sa taong mabait din saken.

"diba sabi ko sayo melissa? Ang ganda mo ay nakatago. Pero ngayon ay labas na labas na." sabi nito at niyakap ako

"thank you sophia." at niyakap ko din siya.

-------
Hello guysss! Ano ng mangyayari ngayong dyosa na ang ating melissa? Abangan.

At dahil laging matagal mag UD si author medyo hinabaan ko ang chapter na to.

Wag kalimutang magvote at magcomment. <3

THE NERD REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon