Chapter 42

1.5K 16 1
                                    

Melissa POV

Natapos ng magdiscuss at magpalecture yung teacher namin kaya lunch break na. Nagulat naman ako dahil dito pala nagtransfer si gray. Oo magkakilala kami ni gray. Siya nga ang tumulong sakin sa mga ginawa ko kay hazel diba? Nagkakilala kami nung time na umuwi ako dito sa pinas. Isang linggo palang akong nakakauwi nun nung aksidente ko siyang makilala.

Flashback

Isang linggo nako dito sa pinas. Kauuwi ko lang nung sabado. Andito ako ngayon sa mall dahil magtitingin tingin ako ng gamit sa school. Dito na kasi ako ulet mag aaral. Oo tama sa FG HIGH ulit.

Pumunta muna ako saglit sa market dito sa mall. Napansin ko kasi na wala yung mga favorite kong inumin sa ref sa bahay kaya bibili muna ako saglit.

Kumuha na ako ng tatlong balot ng banana milk. Buti nalang meron silang ganito dito madalas kasi ay sa korean store or market mo lang ito makikita dahil nga sa korea to or product sa korea ah basta.

Nasa cashier na ako nung nilapitan ako ng isang lalaki. Sino naman to? Ngayon kolang siya nakita kilala ko ba to?

"Excuse me miss. Uhm alam kong gwapo ako dimoko kailangan titigan ng ganyan nakakailang ka hehe" sabi nito. Aba't ang kapal!

"What? Ang kapal mister ha. At bakit ba sumusulpot kajan? Kilala ba kita?"

"Favor lang sana miss" sabi nito. Ang kapal talaga guys. Grabe ang level ng kakapalan charot

"Wow ha? Seriously? At ano naman? Kapal ah"

"Wag kana magalit miss. Wala kasi akong choice nagmamadali ako. Pwede bang pasama ko na din pinamili ko sayo? Eto lang naman oh. Mahaba kasi ang pila eh" tinignan ko naman ang likuran ko at mahaba nga. Eh ako kasi malapit nako dalawang tao nalang at ako na.

Narinig ko naman yung mga tao sa likod at mukhang nagrereklamo na dahil sa lalaking nasa tabi ko ngayon at nakanguso sakin upang payagan ko.

"Madaming ding nakapila dito. Wag makisiksik"

"Pare-parehas lang tayong naghihintay kaya pumila ng maayos"

Mga naririnig kong reklamo nila. Kinuha konalang ang pinamili niya dalawang yakult lang naman tsaka dalawang chips.

"Sorry po. Yung girlfriend ko po kasi nainarte eh" biglang sabi nito sa likod.

Ano?! Girlfriend?!

"Eh kung kutusan kita jan? Di nga kita kilala tapos boyfriend na kita?!" Bulong ko pero pagalit.

"Syempre kailangan nating magreason. By the way im gray and you are?"

"Melissa."

End.

At ayun nga di rin nagtagal ay lumalabas kami minsan at doon niya nakwento yung galit niya kay hazel at sakto namang galit din ako kaya nagjoin force kami joke. Haha

Pero madali lang din naman pakisamahan yang si gray kaya mabilis lang din gumaan ang loob ko sakanya.

"Melissa!" Napatingin naman ako bigla kila cla dahil sa sigaw nila.

"Ha?ano yon?" Sabi ko nalang.

"Kanina kapa namin tinatawag mukhang lalim ng iniisip mo. May nangyari ba?" Tanong naman ni elaiza.

"Ha hindi wala wala. May naalala lang."

"Sure ka?" Tanong ni sophia.

"Oo nga tara na maglunch" yaya ko sakanila.

THE NERD REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon