Chapter 31

2K 43 1
                                    

Melissa POV

"Aba mukhang masaya tayo ngayong araw ah!" Sabi ni joshua ng masalubong ko siya sa tapat ng room.

"Sobrang saya!" Sabi ko at nakangiti parin ng malapad.

"Bakit ka masaya?"

"Wala basta haha" sabi ko at pumasok na sa room sumunod naman siya at umupo sa katabi kong upuan.

"Nag almusal kana ba?" Tanong nito.

"Hindi man."

"Tara kain tayo" yaya nito.

"Kain lang walang kayo uy!" Narinig kong sigaw ni kuya. Kahit kailan baliw talaga yun. Diko alam bat siya unang lumabas samantalang siya yung isip bata.

Naglalakad kaming dalawa papuntang canteen ng masalubong namin sila elaiza.

"Melissa!!!!" Sigaw nila napatakip naman ako sa tenga dahil sabay sabay silang sumigaw. Para naman akong mawawala.

Niyakap nila ako ng sabay sabay. Parang kanina lang nagkita kita kami.

"San punta nyo?" Sabi ni fe.

"Canteen. Tara" yaya kona din sakanila.

Ng makapunta kami sa canteen ay umupo kami sa pang maramihan na upuan.

"Nakita nyo naba yung video ni hazel?" Tanong bigla ni fe.

"Oo. Grabe no. Karma na siguro yon" sabi naman ni cla. Ngumisi naman ako.

"Haha. Kita nyo ba kung paano magwala ang gaga?" Tanong naman ni sophia habang tumatawa.

"Truuuu fren! Hahahahah tawang tawa ako habang pinapanood koyon" sabi ni cla.

Halos lahat ng nasa lamesa ay tumatawa maliban kay joshua. Hindi niya pa siguro nakikita. 

Bigla naman kaming natigil sa pagtawa ng biglang may humampas sa lamesa namen.

"Oh ano?" Mataray na sabi ni cla.

"Wag kang umepal bakla ha. Hindi ikaw ang pinunta ko dito kundi ito" turo niya sakin. Ts kasama nanaman niya mga alagad niya.

Hindi naman ako kumibo at tinaasan nalang siya ng kilay.

"Alam kong ikaw yung may pakana sa nangyari sa kotse ko" sabi nito.

"Paano mo nasabi?" Tugon ko naman.

"Ikaw lang naman ang may galit sakin. Sino pabang gagawa nun?" Sabi nito.

"Fyi galit din kami sayo. Hindi lang siya dami kaya namin. Engot " sabi ni cla.

"Edi isa sainyo ang may gawa nun. Alam nyo wag kayong sumugod ng patalikod harapin nyo ako para magka alaman tayo." Matapang nitong sabi.

"Wow matapang si girl ngayon. Matapang kalang naman kasi nanjan yang mga alagad mong panget katulad mo." Sabi ko. Gusto ko siyang asarin.

"Kahit wala sila kaya ko. Di nyoko katulad" sabi nito.

"Talaga lang ha?" Sabi naman ni bernadette.

"Talagang talaga." Sabi pa nito. Kahit kailan talaga nakakainis tong babaeng to. Hindi ko alam kung bakit pag nakikita ko siya kumukulo dugo ko.

"Pwedeng umalis ka dito? Baka mahawaan kami sa kapangitan mo" sabi ko.

"HAHAHAHAHAH" Tawanan nila.

Nagulat naman ako ng biglang may mainit akong naramdaman sa uniform ko.

Tinapon pala ng babaeng yun ang sopas sakin. Buti nalang hindi masyadong mainit kung hindi sira ang balat ko.

THE NERD REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon