Chapter 25

2.5K 61 3
                                    

Bernadette POV

Nagpaalam akong mag-cr kila melissa ng makita ko kung sinong kausap niya na tinatawag na kuya.

Palabas nako ng cr ng may nakita akong naghihintay saken. Sino to?

Lalampasan kona sana siya kasi baka di naman ako hinihintay ng tinawag niya ako.

"Bern..."

Omygod! Siya... Siya lang yung lalaking tumatawag saken nun. Binilisan ko yung lakad ko ng bigla niya akong hablutin sa braso.

"Ano ba" at binabaklas ko ang kamay niyang nakahawak saken.

"Bakit moko iniiwasan?" Seryoso nitong tanong.

"Hindi kita iniiwasan. Hinahanap na ako nila melissa. Bye" at nagmamadali akong pumunta sa room.

Saktong kapasok ko ay nakita ko si melissa na mukhang galing lang sa pag iyak. Sino nanamang letseng nagpaiyak dito?

Nagtataka ba kayo kung paano ako nakilala ni melissa? Osige ikekwento ko. Tutal perstaym kong mag ka POV

Bago umuwi si melissa dito sa pilipinas ay pinakilala ako ni sophia sakanya. Doon pa nga kami natulog kali melissa. Ganun lang. Nanuod kami ng mga kdrama. Madali lang naman pakisamahan si melissa. Sobrang bait niya kaya nga galit na galit din ako ng malaman kong may nang abuso at nagpaiyak sakanya.

Nanunuod ako ng kdrama ng biglang may tumayo sa isa sa mga kaklase ko at nilapitan si melissa na nakadukdok sa mesa niya.

"Hoy malandi" tawag nito tsaka hinila ang buhok ni melissa.

Aba! Letse to ah.

Wala kasi sila cla ngayon silang apat nila sophia lumabas muna para bumili. Kaya ako lang ang naiwan dito tsaka si melissa.

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Galit na sigaw ni melissa. Lalapitan ko sana sila ng umiling saken si melissa. Ok. Kaya na nya yan alam ko.

"Problema ko? IKAW! Ikaw na malandi! Mang-aagaw ka! Ano? Masaya kana? May pasampal sampal kapa kay adrian if i know gustong-gusto mo din." Narinig kong sabi nito.

"Kasalanan ko bang ako ang gusto niya at hindi ikaw?" Mapang-asar na sabi ni melissa.

"Ako ang gusto niya. Isaksak mo yan sa kokote mo! Hinding-hindi siya magkakagusto sa malandi!"

"Sa madaling salita...hindi ka magugustuhan ni adrian." Nakangising sabi ni melissa.

"What?!"

"Hindi ba sabi mo hindi magkakagusto si adrian sa malandi. Eh malandi ka? Edi hindi ka nya magugustuhan." Sabi nito at sinampal yung babae. Woaaaaah astig

"Tandaan mo. Ikaw ang nang-agaw hindi ako. Kaya matuto kang lumugar. Nakakahiya ka. Parang wala kang pinag-aralan. Opssss wala naman talaga" kasabi niya nun ay tinulak niya yung babae tsaka ako hinawakan sa kamay at hinila palabas.

"Sino ba yon?" Curious kong tanong. Mukha kasing ang laki ng galit niya kay melissa. Kakatakot siya parang sira na yung utak.

"Siya yung kinukwento ko sainyo na kahalikan ni adrian nun." Sabi ni melissa. Ahh yun pala yung haliparot na yon! Kung hindi lang ako pinigilan ni melissa kanina isasaksak ko sa baga niya yung ikinaiinis niyang bwiset siya

Habang hila hila ako ni melissa ay bigla siyang huminto kaya nabunggo ako sa likod niya.

"Aray! Bat kaba huminto?!" Inis kong sabi. Hinimas himas ko yung noo ko dahil medyo natamaan huhu

"May nanliligaw ba sayo bernadette?" Biglang tanong ni melissa. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin.

"Huh? Wala? Baket?"

"Mukhang hinihintay ka nun oh...oh wait..." Pinaningkitan niya ng mata yung lalaking nakatalikod.

"Si kuya ba yon.... Wait nga bernadette" at hinarap niya ako.

Tinaasan ko nalang siya ng kilay kasi wala na akong masabi. Basta bumilis tibok ng puso ko ng marinig ko kung sino yon.

"Ano ba talaga kayo ni kuya? Bakit parang iniiwasan mo siya at matagal na kayong magkakilala?"

Bat ba andaming tanong fren!!! Diko na alam gagawin ko e.

"Ah kasi ano... Bestfriend ko siya dati.." Hindi siguradong sagot ko.

"Magbestfriend naman pala kayo oh bat iniiwasan mo siya? Halika nga doon tayo sa garden " at hinila niya ako papunta doon. Hindi naman napansin ni marc na nakaalis na kami dahil nakatalikod siya samen. Marc ang tawag ko sa kuya ni melissa. Wala basta close kasi talaga kami dati.

"Now. Magkwento kana" malamig na sabi ni melissa hays.

"Magbestfriend kami dati..syempre sa magbestfriend di maiiwasang mainlove. Pwedeng isa lang sainyo yung inlove or pwedeng pareho kayong inlove sa isa't isa. At dun ako sa isa lang ang inlove. Gusto ko siya nun aaminin ko na sana sakanya na ganun yung nararamdaman pero nagulat ako nung tinanong niya ako na pwede daw ba akong maging fake girlfriend niya..." Huminto muna ako kasi pinigilan ko yung luha ko.

"Alam mo yung feeling melissa? Ang sakit...sobra! Pekeng nobya para pagselosin yung babaeng gusto niya! Kaya ang ginawa ko hindi ako pumayag at iniwasan ko siya. Hanggang ayun nagdesisyon akong mag-aral sa korea." Pagtapos ko sa kwento dahil ayoko ng balikan pa yun. Masyadong masakit sa puso.

"Ang gago naman pala nun!" Galit na sigaw ni melissa.

Hindi nalang ako kumibo at nagpaalam na magbabanyo muna saglit.

Pagpunta ko sa banyo ay hinilamusan ko ang mukha ko dahil gusto kong mahimasmasan. Pinunasan kona ang mukha ko at lumabas na ng banyo.

"Shit! Bat kaba nanggugulat?!!" Sigaw ko dito. Sakto kasing pagbukas ko sa pinto ay sumulpot siya.

"Gusto kitang makausap.." Maamong sabi nito.
Di pako handa marc. Please

"Ayoko. Maghanap ka ng iba. Wag ako" sinabi ko nalang.

"Ayoko sa iba. Gusto ko sayo. Wala kang magagawa." At bigla niya ako kinarga na parang bigas at mabilis na pumunta kung saan naka park ang kotse niya.

"Hoy!! Ano ba bitawan moko! Ibaba moko! Letse!" Sigaw ko pero huli na kasi nasakay niya nako sa kotse at nagsisimula na siyang magmaneho.

"Hoy! Saan moko dadalhin ha?!" Sigaw ko.

Di naman niya ako kinikibo. Bahala ka nga jan letse ka.

"Ihinto mo ang sasakyan baba na ako."

"Sabi ng ihinto mo eh!!" Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang inis sa lalaking kasama ko.

"Shut up bern. Baka gusto mong mahalikan?" Nanghahamong sabi nito.

"Wag puro salita. Gawin din kase" panghahamon ko din.

Alam ko naman hindi niya magagawa yan. Nagulat ako ng hininto niya ang sasakyan at hinila ako kaya ang ending ayun nahalikan ako pero hindi lang basta smack. Mygod!

Napapikit nalang ako ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Tutugon na sana ako sa halik niya ng may narinig kaming busina. Nasa gitna pala kami ng kalsada.

Ng pinakawalan niya ang labi ko ay nanahimik ako at tumingin nalang sa labas.

"Ano? Nanahimik ka?" Nakangising sabi nito.

Diko naman kasi alam na gagawin niya yun. Dati kasi kapag nanghahamon siya di niya naman nagagawa eh. Omyyy

Ngayon ko lang naalala....

YUNG FIRST KISS KO!!!!!

--------

THE NERD REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon