Melissa POV
Wala kaming pasok ngayon. Di ko alam bakit. Haha. Nakahiga lang ako sa kama at palipat lipat ng channel sa tv ng biglang magring ang phone ko.
"Hello?" Sagot ko sa phone.
[Abay buti naman at nag hello kana saken.]
"Pati ba naman pag hello ko pinapansin mo? Papansin ka masyado gray" inis kong sabi.
[haha! Nainis! Nga pala MM ok na lahat. Nagawa ng maayos ang plano gaya ng napag usapan]
"Good."
[wow ha salamat!] sabi nito. Kahit kailan napaka isip bata ng lalaking to!
"Welcome" sagot ko tsaka kona pinatay ang tawag.
Alam na kaya nya ang ginawa ko? Sa tingin ko nagwawala nayon ngayon. Psh masyado kasi siyang nakampante. Haha!
Tinuloy ko na ang pagpalipat lipat ko ng channel sa tv. Hanggang sa magtanghali ay ganun ang ginagawa ko. Napaka boring ng araw ko.
Nag open nalang ako ng messenger at pagtingin ko ay tadtad na ako ng mga message. Ngayon konalang kasi nacheck tong messenger ko.
Cliffton: hey!
Me: what?
Cliffton:ayown! Akala ko seen lang awts!
Me: psh. Anong kailangan mo?
Cliffton:wala naman...masamang magchat?
Me: oo lalo na kung ikaw magchachat.
Cliffton: sama mo talaga saken no!Sineen ko nalang siya masyadong madaldal to kalalaking tao ganyan.. magsama sila ni gray parehas na isip bata.
Gray: hi mm! Musta? Haha
Me: katatawag mo lang sakin kanina tas ngayon ka mangangamusta? Gago lang?
Gray: sorry naman namiss kita eh
Me: yuck miss mo mukha mo
Gray: sama talaga neto
Me: bahala ka jan
Gray: joke lang naman. Nainis hahahaDi nalang din ako nagreply. Ang dadaldal at ang kukulit nakakairita lang. sila nalang magchat buset
---
Bago ako matulog ay nagmessage sakin sa clarence na may pasok na bukas. Pinatay kona ang phone ko at naglinis ng katawan. Para tuloy tuloy na yung tulog ko.
---
Naglalakad na ko papunta sa room ng makita ko ang mga kaibigan ko na tumatakbo papalapit saken."MELISSA!!!!!!" sigaw nila
"Oh?" Nagtataka kong tanong sakanila.
"Nagwawala si hazel sa room. Hinahanap ka." Sabi ni elaiza.
Tinuloy ko ang paglalakad ko papunta sa room. Pinigilan naman nila ako.
"Wag ka ng tumuloy. Baka mapaano kapa eh." Sabi ni cla.
Diko ito pinansin. Sinong nagsabing mapapahamak ako. Psh
Nasa harap nako ng pinto ng classroom at satingin ko nakita nakong padating ni hazel kaya nakikita kona siyang papalapit saken.
"Excuse me" malamig kong sabi sakanya dahil hinaharangan nya ang daanan papasok.
Di naman siya natinag kaya tinulak ko siya sa balikat para mapatabi.
"Tatabi lang kasi di pa magawa." Sabi ko.
Nararamdaman ko ang galit niya saken. Haha ganyan nga hazel. Magalit kalang gusto ko yan.

BINABASA MO ANG
THE NERD REVENGE
Ficção AdolescenteNagmahal ka lang naman ng totoo pero panloloko at pang-uuto isusukli sayo. Kapag mabait daw laging nasasaktan, tanong ko lang? Gaano ba ako kabait para saktan ng paulit-ulit. -inapi -inuto -niloko -sinaktan Dahil nerd . at ngayon sisiguraduhin kon...