Chapter 22

2.8K 74 3
                                        

Adrian POV

"Ako nga pala si bernadette abesamis" pakilala nung isang babaeng nasa kanan.

"Hi. Sophia angeles." Nakangiting sabi naman nung babaeng nasa kaliwa.

Gulat na gulat si cliff. Ayan nakakita nanaman ng maganda.

"Oy gago matunaw yan" batok ko sakanya.

"Ulol baka matunaw siya pag nilambing kona siya" mayabang na sabi nito. Bigla namang sumingit si feliza sa usapan.

"Hahahahaha lakas ng confidence mo unggoy. Di nag kakagusto ang mga dyosa sa unggoy na katulad mo." Sabi nito at nakahawak pa sa tiyan habang tumatawa.

"Sus if i know nagseselos kalang sadista!" Sigaw nito kaya naagaw ang atensyon ng lahat.

"Si cliff naba at si feliza?"

"Hala edi hindi na pwede si baby cliff??"

"Sila naba?"

"Siguro nagseselos daw si feliza e."

"Shut up! Hindi kami!" Sigaw ni feliza at dumukdok sa desk niya.

"Hahahahahah asar talo sadista." Pang-aasar pa ni cliff.

"Kanina kapa tahimik jan adrian ah? Bat parang dismayado yang mukha mo? May inaasahan kabang iba?" Sabi ni angelo

"Alam mo ikaw mas magandang tahimik kanalang. Psh dont mind me." Sabi ko at iniwas ang tingin.

"Hahahaha si melissa ba?" Nakangisi nitong sabi.

"Ulol anong iniisip mo." Sabi ko at tumingin nalang sa labas.

Nakatulala lang ako sa labas at di ko namalayan na lunch break na pala.

Nilibot ko ang tingin ko sa classroom at nakita sila feliza , cla , at elaiza na kausap yung dalawang transferee.

Lumabas nalang ako tsaka hinanap sila cliff.

Ikakain ko nalang to. Damn

------

Cla POV

"So?.... Sa korea kayo galing?" Tanong ni fe sa dalawang transferee. Sinadya talaga namin silang lapitan. Para naman may kakilala na sila diba. Hehe

"Yes." Sabi ni bernadette.

"Omyyy naalala ko tuloy si melissa. Nasa korea siya diba?" Tanong saken ni elaiza. Oo nga nasa korea din pala ang babaitang yun sabi uuwi nayun ngayong week bat pala padin siya hays.

"Melissa? You mean melissa mallari?" Tanong ni sophia.

"Uhh oo. Kilala nyo?" Gulat na sabi ni feliza.

"Omygod! Yes! Kasa-kasama namin siya sa korea. " masayang sabi ni sophia.

"Omyyyyy. Kailan daw siya uuwi?" Tanong ko.

"Nakauwi na siya. Nung sabado pa." Sabi naman ni bernadette.

"What?!!!" Sigaw namin.

Nakauwi na pala yung babaitang yun di man lang kami sinabihan buset siya.

"Tara lunch na tayo." Yaya nalang ni fe. Dito kaya mag aaral ulet si melissa? Sana.

Di kasi kami nakadalaw sakanya e. Ayaw kaming payagan. Pumunta kaming mcdo. Pwede namang lumabas kapag lunch time. Kapag ayaw mo yung pagkain sa school.

Pumili na kami ng lamesa namin at nag order si fe at bernadette.

"Dito ba mag aaral si melissa?" Tanong ni elaiza kay sophia.

"Diko alam. Basta alam ko nakaenroll na siya at bukas siya papasok. Diko nga lang alam kung anong school." Sabi nito.

Ang daya talaga ng babaeng yun. Bat etong mga to andaming alam. Kami mukhang engot.

Sa tagal naming di nagkita feel ko magkakahiyaan kami kasi antagal e. Nakakahiya basta yun yung nafifeel ko ngayon.

"Btw may nabanggit si melissa sakin nung nasa korea pa kami." Sabi ni sophia.

Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin.

Tumingin ako sa tabing table namin at nakita ko dun ang tatlong panget.

Si adrian , cliffton at angelo. Ang iingay parang babae. Bakla din ata.

"Ay ano yun?" Nakalimutan kong may kinakatak pala itong si sophia.

"Kaya daw siya pumunta dun sa korea ay dahil nasaktan siya. Sino ang lalaki na tinutukoy nya?" Curious na tanong nito.

Nginuso ko naman ang pwesto ni adrian at tumingin siya don.

"Ah kaya pala. May itsura kaya malakas ang loob manloko." Sabi nito.

"Duhhh girl pati mga panget makapal na din ang mukhang manloko. Wala ng pinipiling itsura ang panloloko girl " sabi ko at tumawa kami.

"Hahahahahhaah!"

"But girl hindi talaga niloko ni adrian si melissa. Kagagawan lang lahat nung haliparot na hazel nayun. " sabi ko.

"Talaga? Sinong hazel?"

"Section B" sagot ko.

Opppssss speaking of hazel. Nakita ko siyang pumasok at papunta sa lamesa nila adrian. Mygod.

"Siya ba?" Tanong ni sophia. Tumango ako.

"Eto na ang foods naten!!" Masayang sabi nila bernadette.

Omygod nagutom ako dun ah.

Katapos naming kumain ay nagkwentuhan lang kami. Ng marinig namin ang mga nasa kabilang table lalo na ang boses ni hazel.

"Adrian. Baby sorry na. Alam ko namang love moko e." Sabi nito sa malanding tono.

"Stop hazel. Wala akong nararamdaman sayo." Sabi naman ni adrian.

Nakisali na si fe. Hahaha alam nyo naman may pagka ano din yan e.

"Nasobrahan kana sa landi girl. Hahahaha" pang aasar nito.

"Mas malandi ka" sabi ni hazel sakanya.

"Hephep wag mong gagawing salamin ang kakambal ko. Dahil ibang-iba yan kumpara sayo " ayba palaban pala si elaiza sabagay may pag ka tomboy yan e charot.

"Ts. Hindi ako malandi sadyang mang-aagaw lang yung kaibigan nyo. Siya ang malandi hindi ako. "

Nagulat ako ng biglang tumayo si sophia. Isali ba naman sa usapan si melissa.

Lumapit si sophia kay hazel.

"You know what? Nakakaawa ka. Pinipilit mo yang sarili mo sa taong ayaw naman sayo. Gising girl. At wag na wag mong sasabihang malandi si melissa dahil ikaw yun."

At binuhos niya yung coke niya kay hazel

"Waaaaah! Hayop ka" sigaw ni hazel

"HAHAHAHAHAH"tawanan namin at umalis na sa mcdo.

Hindi mo kilala kung sino kinalaban mo hazel. Maldita ata lahat kami hahahahahah

--------

Vote and comment guysssss.

-saranghaeee

THE NERD REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon