Chapter 20 - The Return

3.2K 68 12
                                    

Byun baekhyun EXO as Adrian John

Adrian POV

Nandito kami sa mall. Kasama ko sila cliff at angelo. Hindi ko alam kung bakit hinila nila ako para lang pumunta dito.

"Yung totoo?! Ano ba kasing gagawin naten dito?" Tanong ko. Nakakainis na kasi. Kanina pa sila paikot-ikot pero wala pa silang nabibili.

"May bibilhin nga kami!" Sabay na sigaw nila.

Okay??

"Kailangan sabay pa talaga. Bahala nga kayo jan!" Sigaw ko din at nilayasan silang dalawa.

"Adrian sandali!" Habol nila pero diko na sila pinansin at nagdire-diretso lang ako.

Sumakay ako ng taxi pero walang direksyon ang pupuntahan ko. Hindi ko alam kung saan hindi ko alam kung bakit.

"Kuya dito nalang. Eto bayad" at nagmamadali akong bumaba.

Nagulat naman ako ng bigla kong nakita na nasa tapat pala ako ng bahay ni melissa.

Melissa...

Yumuko ako at naglakad na ulit palayo sa lugar nayon. Lakad lang ako ng lakad at walang tigil , hindi humihinto.

Ng mapagod ako ay umupo ako sa semento at yumuko. Naalala ko nanaman. Yung mga ngiti na laging nagbibigay sakin ng sigla. Yung mukhang makita kolang buo na araw ko. Yung mga yakap na nagbibigay saken ng pakiramdam na ligtas lang ako at lagi siyang nandyan para saken.

Hanggang ala-ala nalang siguro to. Pero maghihintay padin ako. Hihintayin padin kita melissa.

Napatingin naman ako sa paligid. Nasa park pala ako ngayon. Eto yung paboritong puntahan ni melissa pag malungkot siya. Masyado daw kasing maganda yung view nakakarelax daw. Haysss Lyyyy ko. "KO" kahit di kana akin. Pero para saakin ikaw padin.

Tumayo na ako at naglakad na pauwi. Medyo malapit na din naman yung bahay namin dito e.

Ng makapasok nako sa bahay at pumunta nako sa kwarto ko. Pabagsak akong nahiga at pipikit na sana para matulog kaso may kumatok.

"What???" Tanong ko kabukas ko ng pinto

"Naku adrian ang kapatid mo ikaw na muna ang magsundo. Andami kong ginagawa wala ang driver kaya ikaw nalang muna pasensya kana" sabi ni manang.

"Ok lang manang bihis nako ako na pong bahala" sabi ko at dumiretso sa closet ko.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas nako at nagtaxi. Ayokong gumamit ng kotse. Bakit? Wala trip ko lang.

"Manong FG HIGH po." Sabi ko. May kinder din kasi sa fg high at doon nag aaral ang kapatid ko.

*~

"Kuyaaaaaaaa!!!!!" Sigaw ng prinsesa namin. Hehe

"Hello bunso. Kamusta ang school?" Sabi ko at lumuhod para magpantay kame.

"Ok lang kuya. Bakit po ikaw nagsundo saken?" Nagtataka nyang tanong.

"Busy kasi ngayon si manang maraming ginagawa. Sakto naman si kuya di busy kaya ako nalang ang sumundo. Ayaw mo ba?" Nagtatampo kunwaring sabi ko.

Yumakap siya sakin at sinabing "no kuya. Happy nga ako kasi ikaw ang nagsundo. Kasi hindi tayo laging magkasama." Nakapout na sabi niya.

"Cute naman ng princess ko." Sabi ko at kinurot ang pisngi niya.

"Ikaw naman kuya handsome. Mall tayo kuyaaaa please" with matching puppy eyes at pout. Hays bat ba ang cute ng kapatid ko? Nawawala tuloy ang lungkot na nararamdaman ko.

THE NERD REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon