Melissa POV
"Alam mo melissa. Kung mahal mo pa sabihin mo para hindi ka nasasaktan ng ganyan. Kasi sa ginagawa mo mas lalo mo lang sinasaktan sarili mo. Mahal mo pala pero bakit ganyan pinapakita mo? Mahal mo pala pero bakit wala kang pakealam. Hayy ikaw lang makakaayos nyan melissa." Mahabang sabi ni cla. Nandito kami ngayon sa coffee shop sa tapat ng school. Gusto ko kasi ng kausap talaga at alam kong si cla yon dahil siya ang may alam sa lahat ng pinaggagagawa ko.
"Oo na. Mahal ko pa cla. Mahal ko pa siya. Pero bakit naman ganun cla? Sinusubukan ko naman patawarin siya pero gumagawa siya ng dahilan para magalit ako lalo."
"Dahil hindi niya alam. Satingin mo ba kapag alam niya gagawin niya padin yung makakasakit sayo? Satingin mo ba kung alam niya gagawa siya ng kagaguhan katulad ng kanina? Hindi melissa. Dahil kung alam niya magiging maingat yan huwag kalang masaktan. Pero kung mahal ka din niya hinding hindi na siya gagawa ng kalokohan para masaktan ka."
Parang nasampal ako ng sinabi niya. Tama siya kung alam niya gagawin niya pa din ba yon?kung alam niya sasaktan niya padin ba ko? Pero yung tanong na di ko alam ang sagot ay...
Mahal niya paba ako?
Iniwan ko siya na hindi manlang hinahayaan na magpaliwanag siya. Pero tama naman ako ah..nasaktan ako..at kitang kita na ng dalawang mata ko kaya ganun nagpadalos dalos ako dahil sobrang sakit.
"Melissa alam mo ano man ang desisyon mo suportado ka parin namen kami nila bernadette , fe , elai at iba pang malalapit sayo. Pero sana tigilan mo na ang paghihiganti mo..gamitin mo ulit ang puso mo.. alisin mo yang galit jan."
"Nung ginamit ko kasi ang puso ko sakit lang ang natanggap ko..kapag gagamitin koba ulit to sasaya nako? Sasaya nga ba ako?" Nalilito pa din na sambit ko.
"Magrelax ka muna. Wag ka munang pumasok melissa. Kailangan mo ng oras na sarili mo lang ang kasama mo. At jan mo malalaman ang sagot at desisyon mo."
Mukhang tama si cla. Siguro kailangan ko nanamang magbakasyon pero hindi na ako aalis ng bansa.
Cla POV
Tatlong araw ng di pumapasok si melissa dahil sa sinabi kong kailangan nyang makapag isa. Ako nalang ang gumawa ng excuse para hindi magalit si ms.pineda.
"Napano na si melissa? Bakit di siya pumapasok?" Tanong ni bernadette
"Oo nga" sabi naman ni sophia
"Di kopa masasabi yung reason sa ngayon kasi gusto kong si melissa mismo ang magsabi sainyo."
"Bakla ka nacurious tuloy kami" sabi ni elaiza
"Hayyy chismosa kalang talaga" sabi naman ng matagal ding nag absent dahil sa lagnat.
"Hoy angelo! Manahimik ka kung ayaw mong lagnatin ulet!" Inis na sabi ni elaiza
"Kayo na ba?" Biglang singit na tanong ko.
"HA?!" Nabibigla na sabi nila.
"Hatdog" singit ng isang gago sa tabi
"Aywow may umeepal!" Pagpaparinig ni fe kay cliff.
"Kiss kita dyan eh" biglang sabi ni cliff.
"Ayieeeeeeeeeeeee!" Sigawan namen
"Mandiri nga kayo" pikon na sabi ni fe
"Sus akala mo talaga napaka ganda" sabi naman ni cliff
"ANO?!" Opppss away away
"Joke lang" bawi agad ni cliff. Sus takot
"La ka pala eh!" Panggagatong pa namen sakanila.
"Ligawan muna kasi cliff" sabi naman ni angelo
"Ikaw gumawa ikaw nakaisip" sabi neto
"Gago"
Doon lang natapos ang tatlong oras namen sa room. Lunch break na at papunta na kame ngayon sa labas ng school para maglunch sa mcdo.
"Saan punta?"tanong ni joshua. Minsan nalang namen makausap tong mga to. Pati si karl dahil ang aga nagbakasyon. Isipin nyo yon? May pasok pa pero dalawang bansa na yung napuntahan. Ibang klase!
"Maglunch sa mcdo" sabi ni elaiza
"Sama kame!" Sabi naman ni karl.
"Si gavin?" Bigla kong tanong. Napansin kasi namen na dalawa lang sila palagi ang magkasama.
"Naglunch na kasama si bernadette" sabi naman nila. Aba? May hindi ata nagkekwento dito. Lagot samen yon
Sabay sabay nakaming lumabas ng room at nakasalubong naman namen yung tatlo.
"Oh bro musta? Agang bakasyon ah?" Biglang bati nila adrian kay karl.
"Ayos lang bro. Haha" natatawang sabi nito.
"Anong ganap? Saan punta nyo?" Biglang tanong ni cliff
"Makikisabay lang kaming maglunch kali clarence par" sabi ni joshua.
Pinaka clarence naman neto. Pwede namang clara charot
"Nice. Kami din" at ayon nga sobrang dami naming pumunta sa mcdo. Buti nalang may lamesa don na pangmaramihan kaya lang gitnang gitna kami.
"Elaiza" nagulat kami ng tinawag ni karl si elai.
"Oh" sagot niya
" pahiram naman ako ng mga notes mo. Maglelecture lang ako" sabi ni karl
"Sigesige mamaya ibibigay ko." Nasa room kase mga gamit namin
"Ayun. Salamat!" At nginitian niya to ng sobrang tamis. Shet ang gwapo naman ng nilalang nato. Nalaglag ata ang panty ko charot cla manahimik ka loyal ka kay sehun tandaan mo yan. Hoooooo!
"Namumula pisngi mo sis" biglang sabi ni fe kay elai.
"Manahimik ka" nahihiyang sabi nalang ni elai.
Nagulat naman kame nung biglang padabog na tumayo si angelo tsaka lumabas ng walang paalam sa mcdo.
"Saan pupunta yon?" Tanong ni sophia
"Abay ewan" sabi naman ni cliff.
Dipaman kami nakakakain eh umalis na. Hmmmmm i smell something fishy...
Elaiza POV
Kumain na kaming lahat katapos ng pag walk out ni angelo kanina. Napano kaya yon? Tinopak nanaman siguro.
Pagkatapos naming kumain ay sabay sabay kaming bumalik sa room.
Pagkatapos ng dalawa pang klase ay uwian nadin
Nilapitan naman ako ni karl
Inabot ko na mga notes ko sakanya para di na siya balik balik na naghihiram."Salamat! Libre kita bukas" sabi nito na may kasama pang kindat. Shet bat bako kinikilig ng ganito. Ano ba kasi karl! Stopppppp joke
Nagliligpit na ako ng gamit ko para umalis na dahil uwian na din naman.
Paalis na sana ako ng biglang pumasok si angelo at seryosong seryoso.
"Hoy bat ka nagcutting?" Tanong ko sakanya.
Nagulat naman ako nung di manlang niya ako tinignan at dinaanan na parang wala ako dun. Kinuha niya lang ang bag niya tsaka na siya lumabas.
Problema nun? Ginawa ko dun? Parang sira naman yon. Natauhan naman ako kaya hinabol ko siya tsaka ko siya kinurot sa bewang
"Anong trip mong lalaki ka ha" inis kong sabi
Di pa rin siya nagsasalita
"Hoy problema mo ha"
Wala pa din
"Isa!"
"Wala" maikli nitong sabi at tinalikuran ako at tuluyan ng umalis.
Bakit feeling ko may nagawa akong mali? Meron ba? Kung meron ano yon? Wala naman akong naaalalang ginawa ko sakanya.
---------
Hiiii guysssss!!!
Vote and comment na!!!
BINABASA MO ANG
THE NERD REVENGE
Teen FictionNagmahal ka lang naman ng totoo pero panloloko at pang-uuto isusukli sayo. Kapag mabait daw laging nasasaktan, tanong ko lang? Gaano ba ako kabait para saktan ng paulit-ulit. -inapi -inuto -niloko -sinaktan Dahil nerd . at ngayon sisiguraduhin kon...