Chapter 32

2K 39 3
                                    

Melissa POV

"Bakit mo ginagawa lahat kay hazel yon?" Tanong ni elaiza. Nandito kaming lahat sa likod ng school.

"Nasa listahan yon ng plano ko bago ako bumalik dito." Sagot ko.

"Gagantihan mo siya?" Tanong nman ni cla.

"Oo. Dun lang mawawala yung galit sa puso ko."

"Pero alam mong masama ang gumanti. Dapat hinayaan mo nalang na ang karma mismo ang tutumba sakanya." Sabi ni fe.

"Alam ko yon pero eto na eh. Nasimulan na."

"Hays kung yan ang desisyon mo support nalang." Sabi ni cla tsaka sila bumuntong hiningang tatlo.

Kaming apat lang ang nandito dahil alam na nila sophia ang plano ko. Sila joshua hindi pati si kuya.

"Tara na baka hanapin na tayo sa room" yaya ko sakanila at naglakad na kami papunta sa room.

Gavin POV

Naglilibot ako ngayon sa buong school. Wala lang trip ko lang maglakad lakad nakakainip sa room wala namang ginagawa. Kaya mas maganda nagcucutting nalang eh.

Hinahanap ko din si karl dahil sabi niya pumasok siya. Lakad lang ako ng lakad ng mapahinto ako sa may isang bakanteng room dahil may narinig akong nag-uusap.

"Gusto kong umiyak sa harap ko yang melissa nayan. Gusto ko yung magmamakaawa siya sakin. hahahah humanda siya"

"Pero hazel masyado ng masama ang iniisip mo."

"Wala akong pakealam. Papatayin ko siya "

Aba! Papatayin daw ana. Melissa daw pangalan----teka melissa? Kapatid koyon ah.

Binuksan ko yung pinto tsaka nagsalita.

"Gusto mo ikaw ang patayin ko?" Sabi ko.

"Omygod bahala kana jan hazel." At umalis ang dalawang babaeng nasa harapan nya.

"Wow hahaha. Edi sabay sabay tayong mamamatay" sabi nito.

"Gago kaba? Di ka pa nga nakapagtapos gusto mo ng mamatay aral muna uy" sabi ko.

"Mas maganda kung mamamatay ka yung may pinag aralan ka. Oh diba perfect." Sabi kopa habang pumapalakpak.

"Kahit kailan wala kang kwentang kausap" galit na sabi nito.

"Wala kading kwenta. Ikaw na nga tong binibigyan ng advice ikaw pa tong ganyan. Hays babae talaga. Jan kana nga. Nga pala wag na wag mong gagalawin kapatid ko kung hindi. Ay bahala ka mamamatay kang single sige ka." Sabi ko tsaka na umalis sa room nayon.

"Pre!"

"Oh karl anjan kalang pala kanina pa kita hinahanap" sabi ko ng makasalubong ko si karl.

"Tara sa room puntahan natin si joshua" sabi nito.

"Osya tara"

Melissa POV

Nasa room lang kami ng biglang dumating si kuya kasama si karl.

"Karl pare! Maligayang pagbabalik hahahah" sigaw ni joshua.

"Hoy loko! Kanina kapa namin hinahanap."

Hinila nila bigla si joshua patayo at balak ng lumabas ulit sa room. Bigla ko naman napansin na papasok nadin ang teacher namin. Napangisi naman ako sa naisip.

"MA'AM! SILA GAVIN BALAK MAGCUTTING!" Sigaw ko. Bigla namang napahinto sila kuya sa pag alis.

"Mallari , hernandez and diaz. Sit down!" Sigaw ni maam sakanila.

THE NERD REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon