Mellisa POV
2 weeks na simula nung naging kami ni adrian... Sa 2 weeks na yon masaya naman kame. Pero ngayon? Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang nangyayari samin.
Minsan nalang siya magparamdam... Madalas ang cold niya na hindi ko alam kung anong ginawa ko.
Naglalakad ako ngayon papunta sa tambayan nila para sana kausapin siya...
Pero diko inaasahang may surpresa pala sila saken. Si Adrian...
May kahalikang iba... At parang gustong gusto niya..
Napahikbi ako. Napatingin silang lahat saken pati si Adrian...
"Melissa.." Naaawang bigkas ni angelo jade. Napatingin naman ako kay Adrian na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sakin...
Tumalikod ako at humakbang papalayo sa kinaroroonan nila.
"Melissa!!! Wait!!" Tawag ni Adrian.
Sa lahat ng kasweetan nya? Gaguhan lang pala. Naramdaman kong nakasunod siya saken kaya huminto nako.
"Sorry. Sineryoso ko landian lang pala. Haha!" Peke kong tawa..
"Melissa.."
"What?! Ano nanamang kasinungalingan ang sasabihin mo? Sa lahat ng sinabi mo saken alin doon ang totoo? Now tell me!! Minahal mo bako? Tell me!!!" Humagulgol nako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"Oo.. Minahal kita melissa! Mahal kita maniwala ka naman"
"Mahal moko? Mahal moko pero binabaliwala moko? Mahal moko Pero sinaktan moko? Mahal moko Pero Niloko moko? Kung ganun.. Napakasakit mo naman palang magmahal!!"
"Melissa..."
"Adrian ayoko na. Tama na. Mahal kita pero napapagod din ako."
"What do you mean? Nakikipag break kana? Melissa! Mahal kita. Yung kanina.. Natukso lang ako! Melissa please..."
"Yes. I'm breaking up with u. HAPPY BREAK-UP!" Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa labi..
Tumalikod na ako at lumakad na palayo. Eto na yung huli.. Huling makikita mokong umiiyak sa harapan mo. Dadating din yung panahon na makakangiti ako sa harap mo ng walang halong lungkot at saket.
Kaya pala.. Nung time na sumabay siya sakin sa parking lot ay tinakpan niya yung tenga ko.. Ayaw niyang marinig Kong sila na pala ni hazel. Oo si hazel din yung kahalikan nya kanina. Tapos sasabihin niya mahal niyako? Bitch please..
Ngayon lang nagkanda dugtong dugtong ang mga pangyayari sakin...
"Bes!!" Diko pinansin ang tumatawag nayon. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko Alam wala nako sa sarili ko.
"Melissa!!!!" Malakas na sigaw at naramdaman ko nalang na biglang nagdilim ang paligid.
_______Minulat ko ang mga mata ko at nilibot ang paningin ko. Teka? Nasaan ako? Naglalakad ako kanina diba?
"Gising kana pala. Eto kumain ka.."
"Joshua nasaan ako? Anong nangyari?" Si joshua yung barkada ni kuya remember?
"Nasa hospital ka. Nahimatay ka kasi kanina. Ano ba kasing nangyari? Mukhang kagagaling molang sa iyak ah"
Sa sinabi niyang yon bumalik nanaman lahat.. Si adrian yung Mga panloloko niya...
"Shhh.. Don't cry melissa. I'm here." Niyakap niya ako at pinunasan ang mga luhang lumalandas sa mata ko.
"Alam naba ni kuya to?" Tanong Ko.
"Di pa." Nakahinga ako ng maluwag dahil don. Bumukas yung pinto at doon nakita ko ang tatlo kong kinikilalang bestfriend....
"Beshy. Are u okay?" Tanong ni feliza.
"Bes anyare ba kasi?" Si cla.
"Kanina ka pa namin tinatawag kanina pero di ka humaharap buti nalang nasalo ka nung Joshua kung hindi bagok yang ulo mo." Umalis na si joshua. Magbabasketball pa daw kasi sila.
Napaiyak ako at sinabing "pinaglaruan ako ni adrian..." At humikbi
"Letse talaga yung pakboy nayun!" Galit na sigaw ni fe. Natawa ako sa "pakboy" medyo gumagaan na yung loob ko.
"Melissa." Napatingin kami sa taong kadadating lang.
"What are you doing here?" Cold Kong tanong
"May sasabihin lang ako.."
"Go. Spill it out Angelo jade."
"Its a dare.. Kaya ka nilapitan ni adrian dahil sa dare sakanya ni Clifford..sorry ngayon kolang nasabi. Ang saya mo kasi kapag kasama mo siya. I'm sorry" napaiyak nanaman ako.
"Eh gago pala kayo e." Sigaw ni elaiza.
"Napakabait ni Melissa sainyo tapos ganun lang isusukli nyo.".
"Umalis kana. Get out!!!" Sigaw ko at lumabas naman siya ng nakayuko.
Umiyak ako ng umiyak...
"Melissa.. Nagkocall number ng brother mo." Inabot ko naman ang phone ko at sinagot ito.
"Hel----" hindi ko na natuloy dahil sa sigaw ni karl.
"Hello!! Ang kuya mo sinugod si adrian!!"
"What?!! Nasaan kayo? Paano niya nalaman?"
"Nasa court kame sa village nila joshua..narinig niya lang madaling kumalat ang balita pati ako nagulat din sa ginawa ni adrian sayo."
Pinatay ko na ang phone at kinalas lahat ng nakatusok sa katawan ko
"Saan ka pupunta? Magpahinga kalang!"
"Si Kuya.. Sinugod si adrian kailangan ko silang patigilin."
At tumakbo palabas ng hospital.
___
Short UD ulet! Sorry. :*
BINABASA MO ANG
THE NERD REVENGE
Fiksi RemajaNagmahal ka lang naman ng totoo pero panloloko at pang-uuto isusukli sayo. Kapag mabait daw laging nasasaktan, tanong ko lang? Gaano ba ako kabait para saktan ng paulit-ulit. -inapi -inuto -niloko -sinaktan Dahil nerd . at ngayon sisiguraduhin kon...