Melissa POV
Nandito ako ngayon sa may parking lot ng school dahil magkikita kami ni gray.
Mga ilang minuto lang akong naghintay ay dumating siya. Naisip kona na diko na patatagalin tong plano ko. Sisimulan nanatin ang laro.
"MM ano ng balak?" Tanong nito.
"Gawin muna yung talagang napagplanuhan nating gawin talaga sakanya." Alam niya na ang ibig kong sabihin.
"Sigurado ka? Mas mabilis pa to kesa sa ineexpect ko ah. Akala ko ba patatagalin muna."
"Ayoko ng patagalin. Hindi rin naman niya pinatagal nung inahas niya sakin si adrian. Isipin mo yon? Halos 1 week palang kami nilandi na." Malamig kong sabi.
"Oo na. Di mo kailangan mag share MM"
"Gusto mo?" Bigla kong tanong.
"Oo-----"
"Lumapat tong kamao ko pag tinawag mopakong MM? Ano?"
"Joke lang" Bawi neto.
"Sige na..malelate nako" sabi ko tsaka na siya iniwan at pumasok na sa school.
Naglalakad lang ako papunta sa room ng makasalubong ko si joshua.
"Melissa hi!" Bati nito
"Oh baket"
"Sungit naman wala ka ata sa mood"
"Medyo lang"
"Ganun ba? Tara sabay na tayong pumasok" yaya nito. Pumayag naman ako para naman may kasabay siya
ADRIAN POV
"Pre tingin ka nga sa may pinto" biglang sabi saken ni cliff
"Bakit nanaman?!" Inis kong sigaw kanina nya pa ako binubwisit
"Basta tumingin ka nalang!" Sabi nito. Tinignan ko nalang para manahimik na
At ayun nakita ko lang naman na magkasabay na pumasok si melissa at joshua na parang may sarili silang mundo na kung magtawanan at magkwentuhan parang wala ng bukas.
Umiwas ako ng tingin at sinamaan ng tingin si cliff
"Galaw galaw di kasi minsan para di nauunahan" sabi nito tsaka na lumabas ng room.
"Hoy hintayin moko gago!" Sigaw ko at hinabol siya palabas. Diko kinakaya yung nakikita ko sa room eh
Melissa POV
Masaya lang kaming nagkekwentuhan ng bigla kaming natahimik dahil lumabas si cliff at adrian.
"Mag uumpisa na yung klase bakit pa sila umalis?" Biglang tanong ni joshua
"Wag mo silang pansinin. " sinabi ko nalang at umayos na ng pagkakaupo.
Saktong kadating ni ms.pineda ay sakto ding pagpasok ni cliff pero di na nya kasama si adrian. Nasaan naman ang isang yon?
Bakit koba siya hinahanap? Manahimik ka nga melissa!
Natapos ang buong klase pero ni anino ni adrian wala. Matapos nyang lumabas kanina kasama si cliff ay hindi na siya bumalik ulit. Kasama ko sila elaiza ngayon at habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si cliff at angelo.
Lalampasan kona sana sila ng nagsalita si elaiza.
"Bakit di nyo kasama si adrian?" Tanong nito kay cliff.
"Nasa tambayan buong maghapon" sagot naman neto.
"Kaya ba di siya pumasok kanina?" Tanong ulit ni elaiza.
"Oo." Sagot naman uli neto.
"K" sabi ni elaiza at nilampasan na ito.
"WOW HA THANKYOU!" Sigaw naman ni cliff kay elaiza. Baliw talaga
"Welcome" sagot ni elaiza sabay ngiti.
"Pahalik kita kay angelo eh!" Sigaw ulit ni cliff
Napahinto naman si elaiza tsaka namumula ang pisngi na umiwas ng tingin samin.
"Yak" sabi nalang nito sabay takbo palayo. Tumawa naman nila clarence halata naman kasing gusto na nya tumatanggi lang. hay
Kamusta na kaya yung plano ko? Nagawa kaya ng maayos ni gray? Sana naman hindi pumalpak. Para maramdaman nya kung gaano kasakit ang mawalan at maiwanan.
"Melissa" tawag sakin ni cla.
"Oh?"
"May tanong ako. Nacucurious kasi talaga ako eh"
"Ano yon?"
"Kung sakali mang makipagbalikan sayo si adrian...babalikan mopa?" Nabigla naman ako sa tanong nya. Diko expect na ganyang klase ng tanong ang itatanong nya sakin.
Nag-isip naman ako ng isasagot ko. Pero kahit sa sarili ko diko alam kung pwede paba o hanggang dun nalang talaga kami. Kung handa naba akong patawarin siya o patuloy parin akong gaganti.
"Hindi ko alam cla. Kahit ako diko alam kung pwede paba o hindi na..."
"Alam mo melissa sa totoo lang pwede pa eh.....kung tatanggalin mo yang galit sa puso mo" sabi nito. Napaisip naman ako...tama nga naman pero di ganun kadaling magpatawad ako yung naloko ako yung nasaktan.
"Nasasabi mo yan ngayon cla kasi dimo pa naranasan yung naranasan ko.." sinabi ko nalang.
"Hindi ko nga naranasan oo. Pero alam ko yung feeling ng magpatawad kahit sobrang laki ng kasalanang ginawa sayo. Yun lang naman yung kailangan mo ngayon melissa. Ang magpatawad.. kung hindi na kayo pwede kahit patawarin mo nalang para lumaya na yang galit sa puso mo. Dahil hindi sa habang panahon bitbit mo yan...magtiwala ka ipapahamak ka ng galit mong yan..." mahabang sabi ni cla. Nanahimik nalang ako.
"Ano ba yan...tara na..." yaya konalang
-------
Sobrang sorry sa lahat ng mga naghihintay ng UD ko...sorry po talaga!!! : <
Hi guys! Namiss ko kayo!! May UD na ulet sorry..nagproblema lang si author hehe. Iloveyou all!!
BINABASA MO ANG
THE NERD REVENGE
Teen FictionNagmahal ka lang naman ng totoo pero panloloko at pang-uuto isusukli sayo. Kapag mabait daw laging nasasaktan, tanong ko lang? Gaano ba ako kabait para saktan ng paulit-ulit. -inapi -inuto -niloko -sinaktan Dahil nerd . at ngayon sisiguraduhin kon...