Melissa POV
Pagkakita ko palang sa mukha niya parang gusto ko nalang sabihin na "pinapatawad na kita." Pero ng maalala ko lahat ng sakit. Mas tumindi pa ang galit na nararamdaman ko.
Oo inaamin ko mahal ko padin siya. Di naman magbabago yun. Kahit siguro ilang taon pa hinding-hindi mawawala yung pagmamahal ko sakanya. Siya ang una at huling lalaking mamahalin ako.
Pero hindi ako bumalik para sakanya. Bumalik ako para sa plano ko. Pagkatapos na pagkatapos ng plano ko. Aalis ulit ako at hinding-hindi na babalik dito.
"Grabe teh. Anlaki laki ng pinagbago mo." Sabi ni cla. Sobra kong namiss tong baklang to.
"Oo nga melissa. Ang ganda ganda muna" si elaiza. Miss ko din tong babaeng to.
"Kaso yung mga mata mo mahirap ng basahin." Sabi naman ni feliza. Namiss ko din tong sadistang to. Nananakit kasi yan pag naiinis , kinikilig at pag may nakitang gwapo. Joke
"Thank you. Miss ko din kayo. Nga pala si sophia tsaka si bernadette. Kaibigan ko nung nasa korea pa ako." Pakilala ko.
"Kilala na namin sila no. Kung di nga lang nila sinabi di pa namin malalamang nung sabado ka pa pala umuwi di ka manlang nagsasabi. Hmmmp" oh oh nagtampo ang bakla.
"Duhhhh message ako ng message sa Facebook nyo. Tinatawagan ko din kayo sa skype pero walang sumasagot " sabi ko at inirapan sila.
"At marunong ka ng umirap ngayon" at pabirong sinabunutan ni elaiza ang buhok ko.
"Di na kasi kami gumagamit ng mga ganun ngayon e. Nabobored lang kami. At yung kuya mo naman di kumikibo. May saltik ata yun." Naiinis na sabi ni cla. Haha allergic kasi yun sayo.
"MELISSA MALLARI" sigaw ng kung sino man. Lumingon lingon naman ako at nakita ko siya.
Ngumiti ako ng matamis at kinawayan siya.
"Kamusta ka joshua?" Naaalala nyo ba siya? Isa siya sa barkada ni kuya.
"Ayos na ayos. Ikaw? Akala ko nagbibiro lang si gavin na nakauwi kana haha" sabi nito. Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito kami kaclose eh hindi naman kami nag-uusap nung nerd pako. Errrr
Paminsan-minsan kasi dumadalaw yan sa korea. Akala ko nga minsan kasama niya si kuya pero siya lang mag-isa. Kapag tinatanong ko naman kung anong ginagawa niya dito sasabihin niya "wala lang." Kaya diko nalang siya tinatanong kasi wala naman siyang matinong sinasagot.
Pero sa sandaling nandun siya sa korea napapasaya niya ko. Pero friends lang talaga kami.
"Uy joshua nandito kadin pala." Biglang sabi ni bernadette. Nakilala din nila si joshua kasi sumasama din siya kapag may lakad kami kaya medyo close na din sila.
"Oh bernadette. Diko alam na dito na din pala kayo nag-aaral." Sabi ni joshua.
"Psh. Absent ka nung isang araw kaya di mo kami nakita. Cutting ka no." Asar naman ni sophia.
"Shhh kasama ko sila karl e." Sabi nito na may pakamot pa sa batok. .
"Aruuu nambabae to." Sabi naman ni bernadette.
"Isa lang babae ko. Sige una nako. Bye girls" sabi nito tinignan niya muna ako bago siya umalis.
"Ay bongga. Girls din pala ako." Nakalimutan kong nandito pa pala sila cla.
"Grabe. OP kame ah." Sabi naman ni feliza.
"Sorry guys. Next time alis tayo sama sama para walang mao-OP." At kinindatan ko sila.
"Pero parang may naaamoy ako kay joshua nayon ha." Sabi naman ni elaiza.
"Hala ka teh. Di naman amoy ano si joshua ah. Mabango naman" sabi naman ni bernadette.

BINABASA MO ANG
THE NERD REVENGE
Teen FictionNagmahal ka lang naman ng totoo pero panloloko at pang-uuto isusukli sayo. Kapag mabait daw laging nasasaktan, tanong ko lang? Gaano ba ako kabait para saktan ng paulit-ulit. -inapi -inuto -niloko -sinaktan Dahil nerd . at ngayon sisiguraduhin kon...