Chapter 26

2.5K 49 0
                                    

Guys. Medyo may naiba sa story. SVT mingyu as gavin marc hindi na po si chanyeol. Sorry.
Chanyeol EXO as angelo jade napo kasi. 😅

Minghao SVT as joshua hernandez

Melissa POV

Nagpaalam si bernadette na magbabanyo lang daw saglit pero ilang minuto na ang nakalipas wala padin siya. Nasaan na ang babaeng yun?!

Mag-isa lang ako dito sa garden dahil ang sabi niya hintayin ko dito pero wala naman siya kanina pa di bumabalik.

"Hi melissa." Tinignan ko naman kung sino yun.

"What do you want?" Malamig kong sabi.

"Grabe naman to. Gusto ko lang mag Hi." Kinakamot ang batok na sabi niya.

"Nakapag hi kana diba? Kaya pwede ka ng umalis." Mataray kong sabi. Wala akong panahon sa mga gago.

"Kamusta kana?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Napairap nalang ako at sinagot.

"Ok na ok. Nakikita mo naman diba?"

"Mabuti naman. Gusto ko ding humingi ng tawad dahil sa katarantaduhan ko/namin. Sana mapatawad moko." Yumuko siya at aalis na sana ng tinawag ko siya.

"Cliffton ace." Malamig kong sabi.

"Tinatanggap kona ang sorry mo." Dugtong ko pa. Sino ba naman ako para hindi magpatawad diba? Hays. Dalawang tao lang naman ang gusto kong gantihan e.

Ngumiti siya at kinindatan ako bago umalis. Sira ulo talaga yon

Naupo nalang ulit ako sa damuhan dahil maaga pa naman bago umuwi.

Nakarinig ako ng palakpak kaya naman minulat ko ang mga mata ko at tinignan kung sino yon. Ts walang kwenta lang pala

"Sino ba talaga melissa? Cliffton ace o adrian john? Grabe ka" nangiinsultong sabi nito.

"Sorry pero di ako katulad mo na parang mauubusan ng lalake." Malamig kong sabi.

"Anong sinabi mo?!!" Galit na sabi nito. Tumayo ako at pinagpagan ang palda ko.

"Bakit kopa uulitin? Sino kaba para pagsayangan ko ng oras ha? Mahal ang oras ko lalo na pag ikaw ang kausap ko. Naiintindihan mo?" At tinaasan siya ng kilay.

"Mapagmataas ka na ngayon. Samantalang gumanda at tumapang kalang naman. Wala ka paring kwenta tulad noon." Sabi nito.

Kaya sinampal ko siya ng dalawang beses.

"Hindi lang dalawa ang matatanggap mo pag kinalaban mo pako. Baka gusto mong magpaalam sa pinakamamahal mong kumpanya?" Sakin ang huling halakhak.

"Tinatakot mo bako?" Sabi nito.

"Hindi. Sinasabi kolang. Feeling ko kasi otw na yung karma. Mag-ingat ka baka masagasaan ka ni karma." At umalis na dun. Uuwi na nga ako. Nakakastress ang araw nato.

Kapag ginulo pa ako ng babaeng yun sisiguraduhin kong magpapaalam na siya sa kumpanya nya. Di pako nagsisimula sa revenge ko kaya magpakasaya sila.

Pasalamat siya at sampal lang ang natanggap niya. Tsk

Ng nasa bahay nako ay naabutan ko doon si kuya kaya naman lumapit ako sakanya. Akala niya yayakapin ko siya kaya naman sobrang buka ng mga braso niya.

"Ouch! Para saan yon?" Tanong nito. Sinapak ko lang naman siya.

"Para yan sa kagaguhan mo." Malamig kong sabi.

"Mapanakit!!!!" Parang batang sigaw nito

"Isip bata" sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.
Ng mailapag ko na ang bag ko ay nagpalit ako ng pambahay. Friday na ngayon at wala namang masyadong pinapagawa ang mga teacher.

THE NERD REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon