Alexa's POV
Nandito kaming tatlo sa farm house nila. Si Kathryn ay kumukuha ng gatas, ako naman ay kumukuha ng mga itlog, habang si Kim ay nakaupo at pinagmamasdan ang buong lugar.
"Buti pa sila noh, hindi nauubusan ng supplies at parang normal lang ang buhay nila dito." sabi ni Kim.
"Pwedeng dito nalang tayo?" Tanong ko. Mukhang masaya naman dito at nangungulila rin si tita Zidra sa kanyang anak.
"Hindi pwede,nakakahiya kaya at isa pa may mission pa tayong gagawin. Hindi tayo pwede manatili sa isang lugar lamang." sagot naman sa akin ni Kathryn.
Oo nga pala, hay.
"Guys?" Tawag sa amin ni Kim. Kasalukuyan siyang nakatingin sa isang malaking pintong nakakandado.
"Tingin niyo ano nakalagay jan sa loob?" tanong ni Kim, nang makalapit kami sa kanya.
"Siguro pag---" Hindi natapos ang sinasabi ni Kathryn dahil pumasok si Tita Zidra.
"oh? bakit kayo nandiyan?" Nagtatakang tanong sa amin ni tita.
"nagtataka lang kung ano meron jan sa loob." sabi ko.
"ahh wag niyo na alamin. Matagal na yan nakasara, hindi ko na nga alam saan yung susi niyan." sabi naman niya.
"Bakit hindi niyo na isipan baklasin nalang?" tanong ni Kathryn.
"Hindi nman na kasi mahalaga kung ano meron jan sa loob, simula nung namatay tatay ko last year. Hindi na namin iniisip na buksan muli." sabi naman ni Tita.
Sumang-ayon nalang kami sa kaniya. Lumabas siya ulit para magluto ng aming tanghalian.
"Hindi ako naniniwala." sabi ni Kathryn.
"ha?" sabi ko. Mukhang seryoso naman si Tita Zidra sa mga sinabi niya.
"Ang baho. Bagong amoy palamang ito." sabi ni Kim.
"Kathryn, mamayang hapunan pag tatawagin tayong kumain, alamin mo kung ano ang nandito. Iba ang nararamdaman ko." sabi ni Kim ulit bago kami lumabas.
Nakita ko sila Nash na nagtatawanan. Ano kaya pinaguusapan nila. Nang makalapit na kami ay naging seryoso ulit sila.
"Nasan si Tita Zidra?" tanong ni Nash.
"Nasa kusina siguro" sagot ko sa kanya.
"Maglalaro tayo." sabi ni Xian.
"Tanda tanda mo na gusto mo pa rin maglaro?" sabi ko naman.
"basta, para magenjoy. Pass the message yung game. Girls verses Boys. Si Gwen naman yung magiisip ng mga ipapasa nating mensahe." sabi ni Xian.
"What's the prize pagnanalo?" tanong ko para may trill kahit papano.
"Wala. Magenjoy lang naman eh." sabi ni Nash.
"Okay game na!" sabi ko naman.
Umayos na kaming pumila. Si Kathryn ang magpapasa nang mensahe sa aming mga babae at si Daniel naman sa boys.
"1...2...3... PASS THE MESSAGE!" sigaw ni Gwen.
Nagulat ako sa mga bulong ni Kathryn.
"May maling nangyayari dito, kailangan natin alamin kung ano ito. Delikado ang buhay natin, baka isunod na tayong ibibiktima. Kailangan nating makaalis ngayon at kunin ang mga gamit na maari pang gamitin natin." sabi ni Kathryn.
BINABASA MO ANG
300 Days with the Dead
Misteri / Thriller300 days with the dead. Will I survive or not? 300 days with the dead. Kasama ko yung mga taong naging close ko. Will we survive? 300 days with the dead. 300 days lang ba? paano pag nagextend pa yan? Will we really gonna live forever with them? 300...
