Chapter 45

33 1 0
                                    

Kath's POV

Tahimik ang buong paligid at pinapanuod ang sagutan ni Liza and Dra. Kristina.

"I'm sorry." Nanghihinang sagot ni Dra. Kristina.

Gusto hawakan ni Dra. Kristina ang kamay ni Liza pero iniwasan niya ito.

"If you're sorry, susuko ka na sa kanila. Hindi ka santo, hindi ka Diyos para lahat ng tao nakapaligid sayo ay sambihan ka, at sumunod sa gusto mo." Sabi ni Liza.

She walked away. She needs space dahil nailabas niya galit niya.

Walang nagawa si Dra. Kristina kundi matulala.

Huminga siya ng malamin at humarap sa amin.

Galit na galit.

"Bakit parang kasalanan pa natin?" Bulong agad ni Daniel, dahil sa emotion na pinakita ni Dra. Kristina sa amin.

"See? Kasalanan mo ito Claire! Kung hindi mo sinabi lahat kay Castillo, hindi siya magiging ganyan." Sabi ni Dra. Kristina.

"Hindi ko kasalanan kung ang anak mo ay hindi katulad mo na sakim." Kalmadong sagot ni Dra. Claire.

Sa inis niya ay sinampal niya si Dra. Claire pero bago matuluyang masampal ay napiligan ito ni Dra. Claire.

"Defensive? Guilty?" Sabi ni Dra.Claire.

"No. Never. I wanted this not for me, but for them..." sabi niya. Punong-puno ng galit ang kaniyang pananalita.

Nagulat kaming lahat dahil sa lakas ng putok ng bomba mula sa likuran namin.

"Claire! Nakatakas si Angelo." Sigaw ng isang sundalong sugatan.

Sunod-sunod ng pasabog ang nangyari. Nakita ko na ang bawat bahay ay isa-isa sumasabog.

May nakita akong bata sa bintana na sumisigaw at humihingi ng tulong.

"Shit yung bata." Sabi ko. Tumakbo ako papunta sa bahay pero hindi pa ako nakakalapit ay sumabog na ito.

Napaatras ako at natumba sa lakas ng impact.

"Bullshit." Sabi ko sa galit.

Nakita ko naman mga kaibigan ko na sinusubukang iligtas ang mga ibang nakakulong sa loob ng bahay.

"Kath, Xian, Nash, Alexa, Daniel and Kim. Naririnig niyo ba ako?" Sabi ni Liza.

Napahawak ako sa tenga ko sa sobrang sakit ng tunog.

"Aray! Ano nanaman ito? Nakaramdam ako ng ganitong sakit kanina." Sabi ni Xian.

"May built in mini microphone recorder sa tenga niyo. Ito yung kinabit nila Tito Angelo habang wala kayong malay. It means lahat ng sinasabi niyo maririnig dito but don't worry, everything is set. Hindi na nila tayo maririnig dahil kinonvert ko ito like a walkie-talkie." Sabi ni Liza.

Ito yung sinabi naming suko na kami at hindi kami lalaban, pakatapos namin sabihin yun ay isa isa kaming tinusok sa leeg at nawalan kami ng malay.

Hinawakan ko tenga ko pero wala akong makapa na parang earphone or what.

"Nasaan, bakit hindi ko makapa." Tanong ni Nash.

"Nasa pinaka loob ng tenga mo, hindi mo talaga makakapa, you can remove by using its magnetic plug." Paliwanag ni Liza.

"I'm trying to find the remote control connected to that shitty cannon. Electronic cannon iyon, kaya Xian and Daniel find a way to shut down the E-Cannon." Utos ni Liza.

300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon