Chapter 40

31 1 0
                                    

Kathryn's POV

Tumingin sa akin si Dra. Kristina. She smiled to me like I am her favorite person.

"You, my darling Kathryn. Wala bang sinabi si Alexa sayo?" She said.

I gave her a curious look at tumingin sa akin si Alexa. She mouthed na "I swear I don't have an idea."

"Ulit-ulit kong inaalala mga nangyari sa amin and all I know, ako lang ang target mo." Sabi ni Alexa kay Dra. Kristina.

We don't know her story pero nalaman ko lang na konektado siya dito dahil nakita ko mga hidden files sa cabinet ni Dra. Kristina, puro larawan ni Alexa kung saan man kami nakarating, nakamasid sila.

"Okay, well, Kathryn, someone missed you alot." Sabi ni Dra. Kristina.

Ha? Sino? Sumenyas si Dra. Kristina na lumapit sila sa kaniyang tabi.

Kinakabahan ako. Sino ang tinutukoy niya?

Lumaki mga mata ko nang makita si Tita Jasmin kasama ang anak niya na si JV.

What?

"Hi, Kath, did you miss me? Ohh, kayo na pala ni Mr. Padilla. Musta kayo?" Sarcastic  na tanong ni JV sa akin.

"You made a wrong move, Kathryn. Kung sana sinagot mo ang anak ko, hindi mo naranasan mga pinagdaanan niyo. Well, parehas kasi kayo mag-ina eh, parehas na tanga." Sabi ni Tita Jasmine habang tumatawa.

Gusto ko sumugod at sampalin sila pero pinigilan ako ni Daniel mula sa likuran ko.

"Not worth it." Sabi ni Daniel. Oo nga naman, ayoko idapo ang kamay ko sa maruming tao.

"Kathryn, para naman masagot namin tanong mo. Heto may papakita ako sayo." Sabi ni Dra. Kristina while laughing.

I hate her laugh, para siyang baliw na tuwang tuwa gumawa ng masama.

May lumabas na malaking screen sa itaas at plinay ang video na nais niya ipakita sa akin.

Nagloloading palang ang video pero sobrang kabado ko na. Pakiramdam ko may kinalaman din si mommy dito.

Naiiyak at nasusuka ako na parang bumabaliktad sikmura ko dahil sa kaba.

Tuluyang bumagsak luha ko sa nakita ko.

Sumisigaw si mommy at humihingi siya ng tulong.

Binugbog siya hanggang sa nawalan ng malay, pero hindi lang iyon ang ginawa sa kaniya. May pinapasok mga Hyzridian virus at kinain si mama.

Ayoko maniwala sa nakikita ko, hindi yan pwede mangyari.

"HINDI! BAKIT?! MOMMY KO!" Sigaw ko sa galit at sakit na nararamdaman ko.

Nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako.  Iyak ako ng iyak at naramdaman kong niyakap ako ni Daniel.

Parang tumahimik ang buong paligid ko, naging mabagal ang lahat. Nakikita kong tumatawa sila JV.

Ang mga sundalo at mga sibilyan na kasama ng nanay ni Alexa ay akmang babarilin si Dra. Kristina pero tinutukan ng baril sa noo ang nanay ni Alexa.

"Napakasama mo, kahit kailan." Sabi niya kila Dra. Kristina.

"Ibaba niyo mga armas niyo, wag niyo muna gamitin iyan sa kanila, mas magiging intresado sila mamaya." Utos ng nanay ni Alexa sa mga kasamahan nila at binaba din ni Dra. Kristina ang kaniyang baril.

Tinulungan akong tumayo ni Daniel. Sumandal ako sa kaniya dahil iyak parin ako ng iyak.

"Bakit mo ginawa yan? Ang demonyo niyong lahat!" Sigaw ni Daniel sa kanila. Habang niyayakap niya ako.

300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon