Xian's POV
2 months na ang nakalipas at mas naging peaceful ang paligid.
Kasalukuyang inaayos ang dating Villapres. Ang auditorium ay ginawang malaking basketball court at gym. Ang mga training center ay ginawang quarantine- laboratory area. Ang canteen naman ay mas pinalaki. Ang mga bahay na nasunog ay ginagawang malaking hospital, habang ang mga hindi nasira o nasunog tulad ng bahay namin ay ginagawang playground house at para din sa mga matatanda. "Foundation Center House" ang nakasulat dito. Ang clinic ay naextend, parang hospital din pero nandito na din ang laboratory.
May mga doctor at mga pasyente na sa laboratory. Ito ay mga nakagat ng H-virus at Hiraka.
There's now chance na maibalik sila sa dati, pero effective lang ito sa mga 24 hours palang nakakagat then dadaan sila sa iba't ibang therapy sessions para gumaling at bumalik ang kanilang alaala.
Ang mga more than 24 hours ay wala nang pagasa.
Natuklasan ito sa chip ni Alexa. There is a cure and also not.
Hindi pala nasira ang chip sa paa ni Alexa, muntikan lang. Pinanuod namin ang mga video ni Castillo Tan kung paano niya tinest ang isang patay.
Flashback
Inaantay namin si Alexa matapos ang operasyon niya sa paa, ilang saglit ay lumabas na si Dra. Claire at sinabing tapos na.
Pumasok kami sa loob at nakitang tulog pa si Alexa.
"Yung chip!" Sigaw ni Daniel na parang batang sobrang excited sa regalong natanggap.
"Shhh!" Sabi namin at pinalo ni Kath sa balikat.
Gigil na gigil si Daniel habang ulit- ulit niyang sinasabi ng pabulong at tinuturo ang chip.
"Daniel. Ano ba? Hindi ka titigil?" Iritang parang nanay naman ang inasta ni Kathryn.
Pinipigilan namin tumawa dahil baka mistorbo sa tulog si Alexa.
Pumasok si Dra. Claire at inobserbahan ang kalagayan ni Alexa.
Kinalabit ni Daniel si Dra. Claire. Napatakip nalang ng mukha si Kathryn.
"Bakit, Daniel?" Tanong ni Dra. Claire
"Paanong hindi nasira yung chip?" Parang batang nahihiyang tanong ni Daniel.
Natawa si Dra. Claire sa kinilos ni Daniel. Tinawag kami sa labas at sinumulan na ikwento ni Dra. Claire.
"Himala actually, muntik na masira dahil sa ankle bone ni Alexa namin nilagay ang chip. Sumalalim kasi si Alexa for ankle bone replacement dahil sobrang delikado ng aksidenteng nangyari sa kaniya." Sabi niya.
Tumango lang kami dahil nabanggit ito dati ni Liza.
"Paano niyo po nalaman tungkol sa chip? Kayo po ba dalawa ni Dr. Castillo Tan ang nagasikaso nito?" Tanong ni Daniel.
Dumating si Liza at gumitna sa amin ni Kathryn.
"Yang, boyfriend mo baka maging si detective Conan." Bulong niya kay Kathryn.
Napailing nalang siya at natawa kami.
"Actually akala ko yan lang yung chip na nilagay niya. Liza told me everything." Sabi ni Dra. Claire at tumingin kay Liza.
"Ikaw! Hindi complete kwento mo!" Galit na parang bata ang tono ng pananalita ni Daniel.
Natawa nalang kaming lahat.
BINABASA MO ANG
300 Days with the Dead
Mystery / Thriller300 days with the dead. Will I survive or not? 300 days with the dead. Kasama ko yung mga taong naging close ko. Will we survive? 300 days with the dead. 300 days lang ba? paano pag nagextend pa yan? Will we really gonna live forever with them? 300...
