Chapter 36

92 3 0
                                    


Alexa's POV

Ang dami nangyaring hindi maganda mula nang nakapasok kami dito, hindi ko alam pero mas gugustuhin ko nalang sa labas kaysa dito sa loob. Hindi ko lubos maisip na ang isang kikay kagaya ko ay makakatuklas ng ganitong pangyayari.


Flashback

"Alexa..." Tawag ni mom sa akin mula sa labas.

"I am almost done mom." Sagot ko habang naglalagay ng lipstick.

She entered my room at umupo sa kama ko habang pinagmamasdan niya ang pag aayos ko sa sarili. 

"Anak, kinakabahan ako.Sorry---" Sabi ni mama. Hindi ko na pinatapos ang kaniyang sinabi dahil alam ko naman yun ang dahilan niya.

"It's okay mom, I understand naman eh. Hindi naman ako nagkimkim ng sama ng loob, please stop saying sorry, alam ko naman po na ang kwento eh, I love you ma." sabi ko at hinalikan sa pisngi si mama.

Nagpasalamat si mama sa akin at hinalikan sa aking noo. I understand the pain she felt kaya niya yun ginawa.

Nandito na kami sa restaurant at inaantay nalang ang taong nagbibigay sa akin ng kaba ngayon.

May isang nasa 50's ang palapit sa aming pwesto, naka suot siya ng long sleeve na color blue at black slocks at ngiti na sumalubong sa amin. Umupo siya sa tapat namin.

"So, good evening, Alexa. Nag order na ba kayo?" Sabay tingin kay mama.

"Oo, hintayin nalang natin, kaka order ko lang rin naman." Sagot ni mama sa kaniya. 

Bumaling muli ang mga tingin niya sa akin at may kasamang ngiti.

"Dalaga ka na pala, Alexa. Ang tagal na nating hindi nagkita." Sabi niya sa akin.

Ngumiti na lamang ako. Ngiting nahihiya kung anong isasagot ko.

"Anak, siya si Dr. Castillo Tan. Siya ang iyong tunay na ama." Sabi ni mama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or hindi dahil buong akala ko na si daddy ang totoo kong ama, basta ang alam ko lang ay naiintindihan ko ang buong panyayari.

May asawa si Dr. Tan na sobrang mahal niya, si mama ay isang nurse sa pinagtratrabahuan ni Dr. Tan, close sila dahil mag best friend sila noong college sila. May isang gabi na nalasing sila at yun ang kadahilanan kung bakit nandito ako ngayon sa mundo. Nilihim ni mama na may anak sila dahil ayaw ni mama na dahil sa kaniya ay maghiwalay sila. Sobrang mahal ni Dr. Tan ang kaniyang asawa kaya ayaw na umepal ni mama at umalis na lamang siya na walang paalam. 

"Sorry, anak kung ngayon mo lang ako nakilala, Matagal ko naman ng alam na may nangyari sa amin ni mama mo pero hindi ko lang siya mahanap at nitong nakaraan na buwan ko lang siya nakita. Pasensya ka na ha... sana matanggap mo ako bilang ama mo. "Sabi ni at ngumiti sa akin. 

Ngumiti na lamang ako at tinanggap naman siya.Masaya ang aming naging hapunan. Tawanan at iba't ibang kwento nung kabataan nila. Hindi ko maisip kung bakit hindi nalang sila pinagpana ni Cupido para hindi nasasaktan si mama kay daddy ngayon. Paano kung sinabi ni mama sa kaniya na may anak sila? Magiging sila kaya? 

Ngayon ko lang din nalaman na namatay ang kaniyang asawa last week. Mahal nga talaga niya asawa niya, sa sobrang mahal niya gumagawa pala siya ng experiment na paano buhayin ang isang patay. Napakaimposible pero dahil sa pag-ibig gagawing posible ang mga imposible. 

Nalaman ko din na naging maganda ang resulta ng kaniyang experiment subalit meron pa rin itong side effect, kinuwento niya kay mama ang mga chemicals na ginamit niya. 

"Hindi maganda ang experiment na ginawa mo, makakapahamak ito lalo na pag may mga taong intresado sa mga ganitong bagay." sagot naman ni mama

Kumunot ang noo ni Dr. Tan, pero sumangayon naman siya. 

"Maaring maganda ang resulta ng ginawa mo, pero hindi siya babalik sa dati niyang pagiisip." Sabi ni mama

Sumeryoso ang mukha ni Dr. Tan at pinagpatuloy ni mama ang kaniyang sinasabi.

"Castillo, magiingat ka sa experimentong ito, hindi maganda pakiramdam ko dito. Naniniwala ka ba sa zombie?" Sabi ni mama

"Nagpapatawa ka ba? Tingin mo yun ang posible mangyari? Next week na ang science fair namin. Siguro sa hayop ko nalang muna gagamitin nito. Salamat sa paalala mo." Sabi ni Dr. Tan.

"Hindi imposible na maging zombie ang experiment mo. Una sa lahat ang patay mahirap ng buhayin , pangalawa maaring virus itong nagawa mo dahil may hinalo kang isang chemical na makakapatay rin sa tao." Sagot naman ni mama. 

"Anong makakapatay?" Sabi niya.

"I mean, example.." Kumuha ng konting sabaw si mama ng adobo linagyan niya un sa bowl niya parang  naghalo, pero nangibabaw pa rin ang sabaw ng adobo kaysa sa sabaw na nasa bowl niya.

"Are you trying to say that, once na meron na inject na nagawa kong experiment ay maari siyang makahawa? Which is hindi maganda" Sabi naman ni Dr. Tan. Sumangayon naman si mama sa kaniyang sinabi.

Mas naging seryoso ang usapan nila at hindi ko maintindihan ang debate nilang dalawa. Basta ang pagkakaintindi ko, hindi sumasangayon si mama at pinupush pa rin ni Dr.Tan ang kaniyang plano.

"Basta pinaalalahanan kita. Alam ko nagagawa mo yan dahil a pag-ibig, kaya hindi na ako makikipagtalo sayo. Kung magtagumpay man yang plano mo.Congrats." 

Natapos ang gabi na masaya at medyo pagka nerd cause... science... I hate science.

Dalawang Linggo nakalipas ng nabalitaan namin na patay na siya. At sa araw na iyon nasa eskuwela ako, Ito ang araw kung saan nagsimula ang lahat.

Ang araw kung kailan pinaglapit kami ni tadhana ng isa pang beses. Araw kung kailan kumalat ang H-virus at ang araw kung kailan hindi na kami nag kita muli ni mama, higit sa lahat ang araw kung kailan nalaman ko na si Dr. Castillo Tan na aking ama ang may pakana ng lahat ng ito.


End of Flashback

Dahil sa pangyayaring naganap sa laro, nalaman nila na may connection kami ni Dr. Castillo Tan,  sa gabing tumatakas ako upang hindi mapahamak mga kaibigan ko, gabing sinasaktan ako sa group na pinasok sa akin ni Doktora Kristina. 

Gabi-gabi plinaplano ang lahat paano sisimulan. Gabi na nalaman kong buhay si Liza at nanay niya si Doktora Kristina.

At isa ako sa mga kasama sa kanilang plano. Pumayag ako na saktan nila ako para maprotektahan ang mga kaibigan ko, at para sa plano na hindi mahahalata ni Doktora Kristina na kakampi ko si Liza at hindi sangayon si Liza sa planong sakim ng kaniyang ina.

"Hindi kayo magtatagumpay." Sabi ko.

Bakas sa kanilang mukha na gulat na buhay si Lizaa

"Stupid. Kathryn plan B." Sabi ni Liza.

At mukha ni Nash na nagaalala sa kalagayan ko. Nginitian ko na lamang siya.

"Daniel. Game!"sigaw ni Kathryn sa kaniya.

"Kami ang magtatagumpay at hindi kayo." Sigaw ko sa kanila.


----

bitin ba?

Sorry.

Every Tuesday, Thursday and Saturday ang aking pag-update. or kung kakayanin, araw-araw.

Bakasyon na namin! 

Merry Christmas! Happy New Year.

300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon