Daniel's POV
"Pwedeng gamitin natin ung gamot just in case lang." sabi ni ko. Medyo may pilit na ngiti kasi diring diri narin ako.
Kahit papano naman kasi nadidiri rin naman ako, Jusme! ikaw kaya, pahiran nang dugo na galing sa patay.
"Oh yeah! tara gamitin natin pero limited lang yung oras natin dito so ito na inject yourselves nalang guys!" sabi ni Kathryn.
and we did it medyo kaba kaba ako dito kasi I hate needles and pa magiinject sa sarili ko eh wala akong kaalam alam sa pag inject.
"sabay-sabay papasok, sabay-sabay lalabas. Waiting place sa tapat nang cashier 11 okay?" sabi ni Kim.
Bumaba na kami sa sasakyan,heto nanaman tayo. Tahimik ang lugar,sira-sira na. Feeling ko wala nang natirang pagkain.Giba-giba na rin ang ibang parte nang grocery na ito,patay sindi ang ilaw.Mga patay na tao at patay na zombie.
"the heck... malilinis pa kaya ito?" sabi ni Xian. Habang tinitgnan mga kalat-kalat na pagkain.
"ewan ko lang. Ang mga naka sealed nalang bro, pero mukhang wala na ata?" sabi ko.
Hanap dito at hanap doon... nakakuha na kaming 18 na 6 liters na tubig.
Nasalubong na namin sila Kathryn..
" Gaano karami mga pagkain na nakuha niyo? mukhang marami rami rin ah..." sabi ni Xian
"Basta naka sealed at malinis kinuha na namin" sabi ni Kathryn.
"Sila Nash, puntahan na natin." sabi ko
Nakita na namin sila na nagaayaw nanaman sila. Hay naku!
"Ano ba, hindi naman natin kailangan ang mga pang pa ganda at make up" Sabi ni Nash
"anong hindi?! tignan mo nga nakaka pimples and germs mukha ko, inaalagan ko lang balat ko at iba nating kasama!" sagot naman ni Alexa
"so ano pinapatunayan mo sa akin na pangit ka talaga at tinatakpan mo mga ewwwwy mong mukhang alien mo mukha?! HAHAHAHA or para hindi mainlove ang mga zombies sayo?" sagot naman ni Nash kay Alexa
"MANAHIMIK KA! Akala mo naman-----" naputol ng may narinig kaming batang sumisigaw ng tulong...
"guys tara hanapin na natin yun" sabi ko
"AHHHHHHHHHH" ang sigaw ng batang babae sa malapit sa Pasalubong section.
Maymga zombies na walang pakialam sa amin.Nakita na namin siyang nakahiga ,lalapitan na sana ni Kathryn yung bata kaso pinigilan ko.
"bakit?" tanong niya sa akin
"Wag mo lapitan, antayin natin gumalaw mas delikado pag bata eh, mas mabilis silang gumalaw pag bata hindi katulad sa mga edad na 15pataas, medyo mabagal ang pag galaw nila." sabi ni Kim
Dahil sa sinabi ni Kim inantay namin gumalaw yung bata. Hindi nagtagal, gumalaw na yung bata.
Batang kilalang-kilala ko.
"DJ diba---" sabi ni Kathryn na hindi niya tinuloy ang kanyang sinabi dahil tumakbo ako palapit sa kanya at yakapin siya kaso napatigil ako dahil zombie na rin siya. Naiyak nalang ako sa bunso kong kapatid, ganun na ba din nanay ko? Yinakap nalang ako ni Kathryn at umiyak na ako.
"Napaka walang kwenta kong kuya" sabi ko. 5yrs old palang kapatid ko, napakabata para mahawaan nang ganitong klaseng virus.
"shhh... Wag mong sabihin yan, wala kang kasalanan." sagot ni Kathryn.
Ang sakit lang kasi, inaaway-away ko pa siya kagabi, yun na pala ang huling araw ko kasama siya.
"Alis na tayo dito nakuha naman na natin lahat ng kailangan diba?" sabi ni Kim.
Wala na ako sa sarili ko. Mahal ko ang kapatid ko, sobra.
Nandito na kami sa sasakyan tulala lang ako. At walang pumapansin sa akin, tanging si Kathryn lang nakayakap sa akin na natutulog pa. Tahimik buong byahe, ang alam ko lang ay sa may bahay ni Alexa kami tutuloy pansamantala.
Kim's POV
I feel so sad, maliban sa nangyari kay Daniel, kundi sa aming lahat, nakakalungkot isipin na paano kung kami nalang pala natira? Hindi ko na alam gagawin ko nyan pag isa sa amin ay biglang maging katulad nila, wag naman po sana Lord, Hindi ko kakayanin pag yun ang nangyari. Naramdaman kong hinawakan ni Xian kamay ko, I smiled at him. Nakatulog na ako buong byahe.
"Kim baby ko, gising na nandito na tayo" sabi ni Xian. May kasama pang paghalik sa labi ko para mas magising ako.
It's already 8:00pm. Tahimik, peaceful ang gabi.
Kumuha nalang kami ng pagkain, inumin and of course things to keep ourselves clean rin. Para sa buong araw namin dito. The rest nasa kotse, wala naman siguro kukuha dahil secured yung place namin.
Umakyat na kami. Pag mamay-ari pala ito ni Alexa, ang R.K naman nang batang'to. Bahay niya lang talaga ito. Pink lahat eh.
Naligo na muna mga boys , habang kami nagpapahinga muna dito sa sofa.
"Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari" sabi ni Kathryn
"Me too. Its just like last night na kompleto kaming kumakain nang dinner with the family. I didn't know na parang last na ata na pagsama-sama namin." sabi rin ni Alexa.
Hindi talaga natin alam mga posibleng mangyari, lahat bigla nalang magbabago. But one thing we should keep in our minds, we should not give up on this problem. Hinding hindi kami susuko hanggang sa malaman namin kung paano aayusin ito at para mabuhay pa kami ng matagal na wala ng kasamang epal.
----
YES FINALLY NAKA UPDATE NA RIN abangan bukas ulit mga readers :) thank you for reading :)
BINABASA MO ANG
300 Days with the Dead
Gizem / Gerilim300 days with the dead. Will I survive or not? 300 days with the dead. Kasama ko yung mga taong naging close ko. Will we survive? 300 days with the dead. 300 days lang ba? paano pag nagextend pa yan? Will we really gonna live forever with them? 300...
