Chapter 35

140 8 0
                                        

Nash's POV

Asan siya tinago? Bakit siya pa? Anong nililihim niya o nalalaman para lang siya ay itago?

"Paano mo nalaman? Asan siya tinago? Itatakas ko siya." Sabi ko kay tito Angelo.

"Hindi ka basta-basta makakapunta, pag nagpakita ka sa kaniya, mamatay siya." Sabi ni Tito Angelo sa akin. 

Napaupo nalang ako sa kaniyang sinabi, um-oo nalang ako. Kailangan ko itong sabihin kila Kathryn. 

Natulog muna ako sa pagod. 

"Nash..." 

"Nash..."

"Nash..." 

"Nash... Tulungan mo ako..."  Sabi ng babaeng hinahanap ko. Alexa. 

"Nash..."

"NASH!"  

Isang malakas na sigaw ang nagpabangon sa aking sa pagkahiga. 

"Alexa... paano kita iligtas?" Sabi ko at may nagbukas ng pinto.

"Gising ka na pala. Pinapatawag na tayo ni Kathryn." Sabi ni Kim

Tumango nalang ako at sinabing susunod na. Tinignan ko ang paligid at madilim na pala. 

1:34am na rin pala. 

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba kung saan naririnig ko silang nagbubulungan.

"ready na ba kayo?" Tanong ni Kathryn sa amin.

"Ready." Sabi namin

Tumayo na kami at gumawa ng bilog kung saan lahat kami ay nagdarasal para sa kaligtasan namin. 

Itinaya ni Kim ang kaniyang kamay sa aming harapan.

"Para sa Pamilya." Sabi niya at tinignan kami isa-isa. Sumunod naman si Xian.

"Para sa mga inosenteng bata." Sabi niya.

"Para sa Kalayaan." sabi ni Kathryn

"Para sa ating kaligtasan mula sa kadiliman." Sabi ni Manong Max

"To see the beauty of nature, again." sabi ni Gwen.

"Para sa mga namatay." Sabi ni Daniel.

At ako ang huling nagsalita.

"Para kay Alexa." Sabi ko at itinaya ko ang aking kamay at pinatong sa kamay ni Daniel.

"Nakay Doktora Kristina siya. Kailangan natin siyang iligtas." sabi ko muli..

"Ang sabi nagpapahinga lang siya sa group?" Sabi ni Daniel

"Ako rin, yun ang alam ko. Akala ko nagkita na kayo." Sabi naman rin ni Kim.

"I think... tama nga ang hinala natin... Iligtas na natin si Alexa." Sabi ni Kathryn

Nagtitigan kaming lahat at isa isa lumabas ng bahay.  Sa bintana kami dumaan pagkat nalalaman ng mga kataasan pag binuksan namin ang pinto ng ganitong oras.

habang dahan- dahan naglalakad sa katahimikan ng gabi ay may tinanong ako kay Kathryn.

"Alam ba nito ni Tito Angelo?" Sabi ko. 

"oo." Sabi niya. 

"Siya ang nakaisip nito." Sabi naman ni Daniel.

"3 am na. Game na guys. " Sabi nman ni Xian.

Ito na ang plan 3 am. Day 01. Kaligtasan.

"Ano to? Bat nandito kayo ng ganitong oras?" Sabi ng isang kagroup ni Daniel. 

Ang alam ko, set-up ito dahil ito ang plano na binuo ni Kathryn.

"Doktora... May gumagala ng ganitong oras buti nalang at nakita ko sila nung nagising ako." Sabi niya sa telepono na hawak niya.

"Mga Gwardiya sa gate ipatawag ang mga ibang gwardiya ngayon." Isang malakas na sinagaw galing sa mga speaker. 

Nakita ko ang ibang mga kagroup ko ay nakatago sa iba't ibang damuhan....

hinuli kami at dinala sa opisina ni Doktora.

"Bakit kayo gumagala sa ganitong oras?" Sabi niya.

"Kasi po... anooo...." sabi ni Daniel na nagkamot pa ng ulo.

"bakit? ano po ba gagawin ninyo sa amin kung ayaw namin sabihin?" Sabi naman ni Kathryn.

"Papatay ko kayo. Mga traydor kayo. Siguro balak mo ako ipapatay kasi nakita mo ilan ang napatay ko para sa dugo katulad mo, pasalamat ka kaya niligtas ka ni Angelo." Sabi naman niya.

"Ano po ba meron sa dugo ko talaga at gusto mo kunin? paparamihin mo ba ang H-Virus?" Sabi ni Kathryn.

"Oo.. Yun ang totoo... Ako ang nagpakalat nito. Ako ang napasimula nito. Kaya ngayon alam niyo na papatayin ko na kayo para hindi malaman ang iba."  Sabi niya.

Biglang dumating si Tito Angelo tulad sa planong ginawa ni Kathryn

"Papatayin mo sila o gusto mo ikaw ang mamatay?" Sabi ni Tito Angelo. 

"Patawa. HA HA HA. Tama na nga yang acting mo at umamin ka na sa kanila, honey jusko." Sabi naman ni Doktora.

Wait what?

"oo na honey... HULIIN SILA!" Sabi ni tito Angelo at naguguluhan ako sa pangyayari.

"Taksil." Sabi ni Kathryn

Hindi ito kasama sa plano at mukhang kami ang na set-up

"Nagplano sila para ipaamin ka na ikaw ang nagpasimuno ng lahat. Buti nagtiwala sila akin. ito ang recorder niya." Sabay kuha sa bulsa ni Kathryn.

Kami ang na set-up

"I knew it." Sabi ni Xian.

"Hindi kayo magtatagumpay." Sabi ni Alexa.

Nagulat ako ng makita si Alexa at ang iba niyang kasama, pero laking gulat ko ng makitang buhay si Liza.

"Stupid. Kathryn plan B." Sabi ni Liza.

At naguluhan na ako ngunit napangiti ako ng makita si Alexa na okay lang subalit may pasa ito sa mga katawan. 


300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon