Kathryn's POV
"Miss Kathryn." Matipid na tawag niya sa akin habang ito'y naka dungaw sa bintana at nakatalikod sa akin.
"Po?" Kabadong tugon ko.
Humarap ito sa akin at ngumiti. Isang ngiting masaya.
"Ano po nais niyo po at ipinapatawag niyo po ako Doktora?" tanong ko.
"Marami tayong paguusapan. Isa na rito ang tungkol sa mga virus na lumalaganap... Pinatawag kita dito upang malaman na isa ka sa mga tao rito na maaring makatulong sa pag tigil na pagkakalat ng mga ito at isa na lamang na kailangan para sa kulang na kasangkapang pormula." Sagot naman niya sa akin.
Sa malalamin niyang salita, ako'y patuloy na kinakabahan
"Paano naman ako makakatulong" Sabi ko naman.
"Dugo mo." Matipid niyang sagot.
"Ano meron sa aking dugo at ilan kaming tauhan mo na kinuhanan mo na ng dugo?" Tanong ko naman.
"May mga 10 na pataas,na sa kwartong iyan ang mga taong tumutulong." Sabi niya habang itinuro ang saradong pinto.
"Hindi ka pwedeng tumanggi sa aking alok." Sabi niya bago pa man bumuka ang aking bibig.
"Po?"
Xian's POV
Malaki-laki na rin ang tyan ni Kim. Babae ang magiging baby namin.
"Doc, ano po kondisyon ni Kim?" Sabi ko sa Doktor na kasama namin ngayon.
"Maayos naman ang kaniyang kalagayan. Walang negative at healthy ang magiging baby ninyo." Ang sabi naman niyang sagot sa amin habang ito'y nakangiti.
Umalis na kami at hinatid si Kim sa bahay upang magpahinga.
Balik ensayo naman kami ni Nash.
"Nash?" Tawag kong patanong sa kaniya, tila ay malalim ang kaniyang iniisip.
"Bakit?" Tanong sa akin.
"Nagaalala lang naman ako sayo, kanina ka pa tulala. Ano ba nasa isip mo?" Hindi na ako nagdalawang isip pa para itanong ang kaniyang iniisip.
"mga panaginip ko... mga pangyayari nung live game, gabi-gabi ko nalang napapaganipan. Hindi ko alam kung bakit... parang may mensahe." Sabi niya.
Akala ko ako lang ang may ganitong situation, siya rin pala.
"Oo ganun talaga pag may umabala sa laro ninyo." Isang matandang lalaki ang lumapit sa amin, isa sa mga nageensayo sa amin.
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" Tanong agad ni Nash
"May sumingit sa laro ninyo, nung araw na iyon at dahil dun ang ginawa ng mga nag pro-program ng laro ay sapilitang tapusin ang laro ninyo, which is natalo kayo diba? At sa pagkatalo niyo ay pagkasabay na pagloko nung game... dahil dun habang nahimatay kayo nilocate ng mga bagong disenyong teknolohiya na burahin ang ibang aalala, subalit mukhang bumabalik na ang iyong alaala." Sabi niya.
Tahimik at tulala pa rin si Nash sa kaniyang mga narinig.
"tumulong? tumulong sa amin sa laro?" Tanong ko muli.
"Oo may babaeng tumatakbo dun sa game." Sagot naman ni Nash
"Naalala ko na ang lahat Xian" Sabi niya sa akin
Daniel's POV
Ilang araw na ang nakakalipas ay abalang abala ang lahat para sa preparasyon para sa ika-300 days.
Salamat sa Diyos at Buhay pa kami.
"DJ" Matipid na tawag sa akin ni Kathryn.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya, habang may kinukulikot siya sa kaniyang PC
"Tawagin mo lahat ng mga kaibigan natin." Utos niya sa akin
Pinunta ko isa isa ang mga kaibigan namin
Ginising ko si Nash una
"Nash..." Habang niyuyog sa kama.
"Hmmm?" Habang bumabangon
"Pinapatawag tayo ni Kathryn." Bumangon naman ito agad.
"Kim at Xian" Katok ko sa kwarto. Madaling araw na kasi at mukhang seryosong bagay ang aming pag uusapan.
"Bakit?" Kinukusod na mata ni Xian.
"may pagpupulong tayo." Sabi ko naman.
Naging seryoso ang mukha nito at ginising si Kim
Si Mang Max nalamang ang ginising ko at wag nalang daw ang bata.
"Alexa.." Katok ko sa pinto. Ngunit hindi ito sumasagot. Hinapi ko na ang door knob subalit may narinig akong kaluskos sa ibaba.
Dahan-dahan akong bumaba at nakita si Alexa na umalis ng bahay....
Bakit?
Alexa's POV
"Aamin ka na ba?" Sabi ng babae na akala namin patay na
"hindi ko nga alam!" Sagot ko na pabalang sa kaniya.
"Kailan ka ba aamin? pag papakagant ka sa mga pangit?" Sabi naman niya
"Pakagatin mo ako lahat lahat hindi ko din alam." Sagot ko.
Puro sampal at galos na ako, my beautiful skin, kawawa... di bale pag natapos na ito magpapaganda tayo ulit.
"tapang. Pasalamat ka at walang ganun dito." Sabi naman niya
"Ano ba at ulit ulit nalang? Wala nga diba? I am not interested that time. Ang alam ko lang ay may nagbigay kay Kathryn na injection para sa amin na para hindi kami maamoy." Sabi ko naman.
Mula nung napanalunan ko ang level game nila para makatira dito kinutuban na ako, yung ang araw na pinahirapan ako bago ako pinalabas.
Hindi ko makalimutan kung gaano pala kalala ang lugar nito sa sobrang pagka strikto.
Sana makaya ng iba... sana may plano ang iba...
Gabi-gabi tumatakas para sa kapalit.
Gabi-gabi ako pinaparusahan dahil sa sagot na hindi ko maibigay at hindi-hindi ibibigay.
"Talagang hindi ka magsasalita?" Sabi niya bago ako tuluyang mawala.
BINABASA MO ANG
300 Days with the Dead
Mystery / Thriller300 days with the dead. Will I survive or not? 300 days with the dead. Kasama ko yung mga taong naging close ko. Will we survive? 300 days with the dead. 300 days lang ba? paano pag nagextend pa yan? Will we really gonna live forever with them? 300...
