Chapter 25

127 4 0
                                    

Nash's POV:

Kararating lang namin dito sa Train na sinasabi ni Liza. Depresado na kaming lahat at alam namin sa sarili yun, kung gaano na kami kapagod. Pagod magtiwala. Hindi ko na alam kung paano na magtiwala pati sa mga kaibigan ko. 

Habang inaayos nina Daniel at  Xian ang Train. Nagbabantay lang ako dto sa RV namin. Napabangon ako nang bumukas ang pinto at nakitang si Alexa pala.

Napangiti lang siya sa akin, ganun din ako. 

"So, ano na balita sa labas?" tanong ko. 

Tumabi siya sa akin at sinandal ang ulo niya sa may bintana.

"Ayun, pwede pa daw mapaandar. Hinahanap lang nila yung mga mapa at siguro paano paandarin yun." sagot niya habang nakatingin sa labas.

"Ganun ba...Salamat sa information." sabi ko.

Katahimikan. Namimiss ko na siyang yakapin. 

"Alam mo ba Nash?" tanong niya sa akin. Ano kaya yun? Or nagtatanong lang siya para mabasak ang katahimikan?

"Ang?" tipid kong tanong sa kaniya.

"Wala, wag na pala." sabi niya. Kahit kailan ang labo nitong kausap. May sasabihin tapos babawiin rin. 

Tumayo siya at lalabas na sana subalit pinigilan ko nang hawakan ko ang kamay niya. 

Nakakamiss hawakan ang malambot niyan kamay.

"Alexa, alam mo bang---" naputol ang sasabihin ko ng unahan niya ako.

"Hindi ko alam, Nash. Ang alam ko lang ay ang tanong na bakit at ang sagot na hindi ko pa rin maintindihan, siguro bata pa nga tayo nuon. Pero bakit?" Tanong niya. 

"Alexa..." tumayo ako at hinarap ko siya sa akin. Her eyes are about to cry.

"Ano, Nash. Kung may plinaplano ka man... Wag na muna , please? Kasi hindi pa ako handa magmahal, ulit." sabi niya. Hinila niya ang kamay na hinahawakan ko at iniwan akong tulala. 

Oo, isa na  dun ang dahil bata pa tayo. Oo, inaamin ko kasalanan ko na iwan siya na walang alam na dahilan. Nasakatan ko siya. Sinaktan ko ang babaeng tinuring kong kaaway at kaibigan.

Kathryn's POV

Nakita kong palabas si Alexa at niyakap ako. Ano nangyari?

"Ano nangyari?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya umimik, naramdaman ko ang paghikbi niya. Dahan-dahan kong inangat ang kanyang ulo.

"Uy, What happened?" tanong ko ulit.

"Kath... I miss my family. Are they dead?" tanong niya sa akin.

"Stay strong...stronger. Malay mo nandun sila sa Villapres.Shh... Tama na. Nandito ako bilang ate mo... Kahit hindi na ate ang tawag mo sa akin." sabi ko. Niyakap ko nalang siya para mapatahan. 

"I just need an advice.Kathryn, kung iniwan ka na dati? Babalikan mo pa ba?" tanong niya sa akin. 

Niyaya ko muna siyang maupo. Nakaupo kami sa sanga ng puno. 

"You're crying because you miss your family AND about Nash, Am I right?" Tanong ko. She asked a question of love. Tumango lang siya at medyo natawa.

"Yes. Young love? Parang chewing gum, matamis sa una pero madaling mawala." sabi niya pa.

"So, naging kayo ni Nash?"  Tanong ko. Based sa tanong niya, kaya natanong ko na kung naging sila.

300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon