Kim's POV
Nandito kami sa mobile hospital van ni Dra. Claire.
Inoopserbahan ako at ang aking baby.
Pinapakalma niya ako kanina pa hanggang sa nawala ang sakit.
Parang okay na. Normal na ulit.
Pero mga nakaraang araw ay pakiramdam ko nanghihina ako habang tumatagal, ang sinasabi lang sa akin ng nurse ay normal lang iyon dahil buntis ako at malapit na ako manganak.
Naalala ko pumasok si Vanessa, siya daw ang nag volunteer na alagaan ako at sinabing ito na daw ang mga bagong gamot na ang iinumin ko.
Mas okay siya dahil medyo lumakas ako pero minsan sumasakit ulo ko at walang energy. Hindi ko ito pinapahalata kay Xian dahil sa ayoko magalala pa siya. Pagod na siya sa training, at stress pa sa master plan.
Ayaw din sabihin ng nurse kung babae o lalaki anak namin.
Basta nakita ko yung ngiti ni Xian at basta healthy ang baby namin ay okay na ako.
"Kim, pahinga ka na muna. Tumaas kasi blood pressure mo, mamaya na kita kukuhanan ng dugo." Sabi ni Marquee.
Tumango ako at pinikit ko muna mga mata ko.
Wala pang 10 minuto siguro ay may narinig kaming sumabog sa loob.
Napabangon ako at kinabahan.
"Ano yun? May sumabog." Kinakabahan ako sa tanong ko.
"Tignan natin, wait." Sabi ni Marquee. May nilabas siyang drone at kinocontrol niya ito.
Inayos naman niya yung monitor dito para makita ko din ang nangyayari.
Ang kalahati ng mga sundalo ay naging hiraka virus pero hindi sila gumagalaw at unti unti nanghihina.
"Wala ng bisa." Sabi ni Marquee.
"Ano ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Hindi ko talaga alam ang buong explanation pero sa pagkakaalam ko hindi na mabisa ang mga gamot na ginamit niya pang gawa sa mga hiraka virus, maliban sa limited time lang talaga ang ginamit na chemical, parang may expiration date." Sabi niya.
"Expired na." Sabay namin sinabi ni Marquee kaya napangiti kami saglit.
"Nagpakita na pala si Jaime at sumuko na si Angelo." Sabi niya.
Bigla kong naalala yung dumating si Nash na pawisan.
Flashback
Hinatid na ako ng nurse sa bahay namin. Gusto ko sana tawagan si Xian dahil nasa akin pala ung relo na pang login sa training center nila kaso nasa bahay ang cellphone niya.
Binigyan kami ng cellphone para mas madali macontact.
Ang tanging nagagawa nito ay call. Wala ng iba, hindi tulad sa normal na smartphone.
Umiinom ako ng tubig ng biglang tumunog ang TV at dumating si Tito Angelo.
Gumagana na ulit ang teleportation.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Ah wala, sinubukan ko lang yung teleporting kung okay na siya." Sabi niya.
Tumango nalang ako at nagpaalam na aalis na siya, saktong dumating na si Xian na parang gulat na gulat.
Tinanong ni Tito Angelo kung bakit parang nagulat siya.
BINABASA MO ANG
300 Days with the Dead
Mystery / Thriller300 days with the dead. Will I survive or not? 300 days with the dead. Kasama ko yung mga taong naging close ko. Will we survive? 300 days with the dead. 300 days lang ba? paano pag nagextend pa yan? Will we really gonna live forever with them? 300...
