Alexa's POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.
Kinusot ko ang aking mata at napatingin sa tabi ko.
Nakapatong ang ulo ni Nash sa aking higaan at hawak ang aking kamay.
Dahan-dahan akong bumangon at tinignan ang paligid. May mga nakahiga din na mga pasyente at nagpapagaling sa kani-kanilang mga hospital beds sa aking tapat, habang bakante naman ang mga nasa tabi ko.
"Gising ka na." Masiglang bati ni Nash habang kinukusot ang kanyang mata at inayos ang pagkakaupo.
"May nararamdaman ka bang masakit? Kamusta pakiramdam mo?" Tanong agad ni Nash.
"Tawagin ko lang si Tita Claire." Tumayo na ito at aalis na pero pinigilan ko siya.
"Wala naman akong nararamdaman na masakit eh. Mamaya na, dito ka muna." Sabi ko sa kaniya.
Sumunod naman siya at umupo ulit at nag stretching.
"Nasan na tayo?" Tanong ko.
Open area kasi ang clinic, tanging mga kurtinang tela and also shower curtains ang harang dito at kahit papano ay may bubong, habang ang sahig ay hindi sementado kundi lupa.
"Nandito tayo sa tribu ni tita Claire. Nasa Diura." Sabi niya.
Gusto ko lumabas at maglakad pero hindi ko maramdaman ang kanang paa ko.
Nakikita ko naman sa kumot na my both legs and feet are still here.
"Bakit hindi ako makatayo? Ilang araw ba ako tulog?" Tanong ko.
"Ui! Finally, gising ka na pala. 2 years ka lang naman tulog. Good Morning, Alexa." Sabi ni Xian at bago ang kaniyang gupit.
"Ha?! 2 years?" Gulat na tanong ko.
"Wag ka maniwala jan." Pumasok din si Kath at maikli na din ang buhok niya.
"1 year kasi kang tulog." Sagot ni Daniel, wala naman nagbago sa kaniyang itsura.
Tumingin ako kay Nash at wala din nagbago.
"Bat mo ako tinititignan ng ganyan?" Tanong ni Nash.
Tinitigan ko siya lalo na parang hinuhusgahan siya.
"Hmmm, just checking kasi sila may new looks aside from DJ na walang pagbabago pero ikaw pangit pa rin?" Pangaasar ko sa kaniya.
"Ay, wow naman! Matulog ka na nga lang ulit." Pikon nasagot ni Nash kaya natawa kaming lahat.
"Ayan na! At nagbabalik ang dalawang aso't pusa." Sabi ni Kim habang naglalakad papunta sa amin.
Pumayat siya lalo at buntis ulit. Ha?!
"Buntis ka ulit?" Tanong ko.
Tumawa lang si Kim at may baby girl galing sa likod niya. She is small but adorable baby.
Mukhang nasagot naman na tanong ko dahil tumakbo ito papunta kay Xian at binuhat niya ito.
Patuloy pa ring tumatawa ang mga kaibigan ko at hindi ko alam bakit.
"What's funny?" Tanong ko habang nakangiti. They looked so happy unlike before.
Hindi nila ako pinansin at tinanong ko nalang si Nash.
"Bahala ka jan. Inaasar mo ako eh." Sabi ni Nash.
"Sabay-sabay tayo." Utos ni Kath.
BINABASA MO ANG
300 Days with the Dead
Mystery / Thriller300 days with the dead. Will I survive or not? 300 days with the dead. Kasama ko yung mga taong naging close ko. Will we survive? 300 days with the dead. 300 days lang ba? paano pag nagextend pa yan? Will we really gonna live forever with them? 300...