Chapter 49

27 1 0
                                    

Xian's POV

Maaga kaming pumunta sa may dalampasigan dahil request ni Kim pag 5 days old na si baby ay dapat maabangan namin ang sikat ng araw kasama si baby Cassie, dahil para sa kaniya ang ibigsabihin nito ay, for good health, and good beginnings everyday in her life kahit ano man ang mapagdaanan, laging may liwanag pagkatapos ng dilim.

Inayos na namin ang blanket para maipatong ang mga pagkain nang maayos at para makaupo rin ng maayos, para hindi masyadong mabuhangin.

Inaantay na namin ang paglitaw ng araw. Ang sarap ng simoy ng hangin at ang tunog ng alon.

Ang mga kaibigan namin ay napakaagang naglalaro nang habulan malapit sa dagat.

Ang saya-saya naming lahat parang kailan lang ang dami naming pagsumbok na pinagdaanan.

We all deserve this.

Niyakap ko si Kim habang siya'y nakatalikod sa akin. Nakaupo kami ngayon habang nakakandong si baby Cassie sa kaniya at natutulog pa.

"Mahal na mahal ko kayo Xian and Cassie ko. Mommy and daddy loves you so so so so much!" Sabi ni Kim.

Hinalikan ko ang kaniyang noo.

Ang dami naming pinagdaanan. Ayoko siyang mawala sa akin ulit.

Niyakap ko sila ng sobrang higpit at binigyan ng tig isang halik sa noo nila.

"Dear, Xian ko..." sabi ni Kim.

"Yes, my dear?" Tanong ko sa kaniya.

"Patawarin mo ako kung hindi ko pinaalam tungkol sa pinagdadaanan ko nung buntis ako. Ayoko ksi magalala ka. Ayoko maging malungkot ka, dahil ayokong parang binibilang mo ang mga oras. Kaya napag desisyonan ko na wag ko na lang sabihin dahil afterall, I believed everything will fall into place. I'm sorry talaga dahil alam ko rin na magtatampo ka at magagalit. I'm sorry talaga..." Sabi niya at hinalikan ako sa labi.

Hinapols ko ulo niya, to know na okay lang basta masaya ako ngayon at kasama ko siya.

"I love you so much." Sabi ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

"I am so grateful na I met you, also naging kaibigan, then naging boyfriend ko, tapos ngayon asawa ko na... pero higit sa lahat isa ka ng daddy at isa na tayong pamilya." Sabi niya.

Hinalikan ko ulo niya ng sobrang diin sa kaniyang noo dahil ang saya-saya nang nararamdaman ko.

"I am blessed to have you. Wag mo ako iiwan ah. Hindi tulad dati nung college, nakipaghiwalay ka sa akin at nung nanganak ka. Promise me that you'll never leave me." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"I promise you na I will always be here besides you and also kay baby!" Sabi niya sa akin habang tinuturo niya puso ko.

"Hmmm, puso lang?" Tatakang tanong ko.

Natawa siya at hinalikan ako sa labi.

"Dito rin." sabi niya at hinalikan noo ko.

"Jan lang? Eh kayakap ko sa gabi? Tsaka sa pagising ko sa umaga dapat ikaw ang mauuna kong makita, pati sa pagluluto at kasama sa pagkain...higit sa lahat kasama sa pagalaga kay baby natin hanggang sa tumanda..." sabi ko sa kaniya.

Napangiti siya sa sinabi ko at nakita kong namumula siya, kaya siguro mas lalo niyang siniksik ulo niya sa kili-kili ko na parang pusa.

"Kahit saan mo gusto, nandito ako hanggang sa pagtanda." Sabi niya.

300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon