Alexa's POV
Lumapit na sa amin si Doktora. Nakangiti ito sumalubong sa amin.
"Oh sige, papayagan ka namin pumasok." Matipid niyang sabi at nilampasan na kami.
"Ano pang tinatayo-tayo niyo jan? Ayaw niyo?" Tanong niya sa amin dahil hindi kami kumikilos.
"Salamat po, Doktora." Sabi ni Daniel.
Binukasan na ulit ang malaking gate. Laking gulat ko sa nakita ko sa loob. Ang ganda. Parang siyang city.
Patuloy lang kami sa pag lalakad at pinagmamasdan ang paligid. May mga batang nagtatakbuhan at may mga tao rin nakatingin sa amin na sinasalubungan ng mga ngiti rin. I smiled back at them.
Village siguro ito dati at pinaganda lang. Pare-parehas na bahay ang itsura. Sa dulo nito ay may fountain, parang park.
Tinuro sa amin ang kainan namin. Parang canteen na pinaganda at pinalaki, parang mall. Sa kanan naman ay training area.
Wait, what?
"Para saan yung training area?" Tanong ko sa mga nakapaligid sa aming mga gwardiya.
"Dun kayo mageensayo. Ilan tao ka na ba?" Sabi niya.
"Anong date na ba? Hindi ko na alam kung anong panahon na eh, baka lumipas na ang kaarawan ko nang hindi namamalayan." sabi ko. Ilang buwan na ba ang lumipas?
"October 3" Sabi naman niya.
"October na pala. 14 na po ako." Sabi ko naman.
"Ah, pwede ka na. Lahat kasi nang 13 pataas ay pumapasok na jan. " Sabi naman niya.
"Para saan po?" Tanong ko naman.
"Mamaya, si Doktora na ang magsasabi." Sabi naman niya. Mukha naman siyang mabait. Akala ko nga lahat nang mga gwardiya o sundalo ay malalalim ang boses. Siya kalmado lamang. Malaki ang kaniyang katawan parang bouncer.
Nakita ko sila Kathryn na kumakain ng cotton candy malapit sa may fountain. Nag bow nalang ako bilang pasasalamat sa mga ito at kay Doktora. Kumaway na lamang ito at ngumiti.
"Ui penge! May bayad ba yan?" Tanong ko kay Kathryn.
"Walang bayad lahat nang pagkain dito." Sabi nung tindera. She is around 30 for sure.
"Wow, ang saya naman po dito. " Sabi ko. Ngumiti na lamang siya sa akin at binigyan ng pink na cotton candy. I miss this. Saan kaya sila kumukuha nang supply?
May lumapit na gwardiya sa amin. Ito yung kausap ko kanina. Sinalubong kami nang ngiti.
"Ako pala si Angelo. Maari niyo ako tawaging Angelo lamang or Tito." Masigla niya itong sinasabi.
"Tito nalang po, bilang pag galang." Sabi ni Kim.
"Opo, or Pulis po ba kayo?" Tanong ni Nash.
"Ay hindi, Isa lamang akong bouncer sa bar dati." Sabi niya.
"Ganun po ba? Pasnensya kamukha niyo kasi kaibigan ni Papa ko." Sabi ni Nash.
Ngumiti na lamang ito sa kaniya at nagpakilala isa isa.
"Nga pala, kaya nandito ako dahil sasamahan ko kayo kung saan ang inyong titirhan at kukuha nang mga damit." Kalmado niyang sabi.
Naexcite ako sa sinabi niya. Umalis na kami at pumunta sa magiging bahay namin.
Hindi ganun kalayo mula sa park ang bahay namin. 20 steps lang ang layo nito. Ang bahay namin ay nasa dulo na. Siguro ito na yung last ? Binigay na sa amin ang susi. Pure white lamang ang kulay nang bahay, ganun din sa loob. May dalawang palapag ito. Ang ganda.
BINABASA MO ANG
300 Days with the Dead
Mysterie / Thriller300 days with the dead. Will I survive or not? 300 days with the dead. Kasama ko yung mga taong naging close ko. Will we survive? 300 days with the dead. 300 days lang ba? paano pag nagextend pa yan? Will we really gonna live forever with them? 300...