Chapter 43

25 1 0
                                    

Xian's POV

Dinala na si Tito Angelo sa police mobile.

"Hindi ka pa din ba susuko?" Tanong ni Tito Jaime.

"Hindi ako susuko, naguumpisa palang ako." Sagot ni Dra. Krisitina.

Naguguluhan kami sa kaniyang sinabi. Bigla lang ito tumawa at sinigawan si tito Angelo.

Ang bilis nang mga pangyayari. May binato si tito Angelo sa mga sundalo.

Isang malaking bomba pero hindi ordinaryong bomba,  ito ang dahilan para maging Hiraka Virus sila.

Susugod na sana kami kay Dra. Kristina pero hindi kami pinayagan ni Dra. Claire.

Tumatawa lang si Dra. Kristina pero napatigil agad ang kaniyang tawa.

Lahat ng natamaan ng bomba para maging  Hiraka Virus ay hindi lumalaban at unti-unti nanghina at naging abo.

"HINDI!!!" Sigaw ni Dra. Kristina. Para siyang nababaliw.

"Hindi. Hindi. Hindi." Ulit-ulit niyang sinasabi at napaupo na lamang sa sahig.

"Paano nangyari yun?" Tanong ni Dra. Kristina at naiiyak na.

"Naalala mo yung nasa office mo ako? Yung na huli mo ako na for 2 months ay nagtatago lang ako sa pagawaan ng mga uniform." Mahinahon na sabi ni Tito Angelo.

Ito yung araw na nalilito ako kung si Tito Angelo ang nakita ko or si Tito Jaime.

Flashback

Pagkatapos naming pagusapan ang plano. Kinabukasan ay agad na naming sinimulan.

Kasalukuyang nasa clinic kami ni Kim. Ito na ang araw para malaman ang kasarian ng baby namin.

Sinabihan ko yung nurse na wag sabihin kay Kim. Binulong na lang ng nurse ang gender nito.

It is a girl. Lumaki ang aking ngiti, kinukulit ako ni Kim pero hindi ko talaga sasabihin. Gusto ko surprise nalang. Hindi naman na niya ako kinulit.

Palabas na ako sa clinic dahil may training pa ako pero may malakas na nabasag galing sa loob ng office ni Dra. Kristina. Napatingin ako doon at nakitang nagaaway sila ni Tito Angelo.

Gusto ko sana mag masid pero nakita ako ni Dra. Kristina at sinarado ang pinto.

Umalis nalamang ako at binalikan si Kim kasi naiwan ko sa kaniya ang relo ko na importante pang time in sa training center subalit naihatid na daw siya ng isang nurse.

Umuwi na lang muna ako at laking gulat ko na nandun si Tito Angelo.

Si Tito Jaime ba yung nasa office?

"Bat parang gulat ka?" Tanong ni Tito Angelo.

"Ang bilis mo naman po nakarating dito, nakita lang kita sa office kanina." Sabi ko, kasi nahalata niyang nagulat ako.

"Ahh, naayos na kasi yung teleporting station sa office ni Dra. Kristina, nakakairita kasi pag nagagalit, kaya tinakasan ko nalang." Pagpapaliwanag niya.

Sumangayon nalang ako.

Kinuha ko na ang naiwan ko kay Kim at umalis na. Nakita ko si Nash na tumatakbo ng sobrang bilis.

Sumenyas lang siya sa akin.

"Dalian mo sa training center hinahanap ka na nila." Sabi niya sa akin.

300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon