Chapter 28

121 3 1
                                        

Kim's POV

Laking gulat namin nang makita ang mga damit na susuotin namin. 

"Oh, akala ko mall or something like a store." Sabi ni Alexa.

"Oo nga." Komento ni Nash. Napatingin ako sa kanila at as I expected, dedma lang si Alexa. Hay, magbabati rin yang dalawang yan, diba baby? Medyo lumalaki na ang tyan ko. 

It is a small old house na puro damit ang laman. May mga taong nagtatahi rin ng mga damit... or should I say uniform namin. 

"Pero bat yung mga tao kanina hindi naman nakauniform?" Tanong ni Kathryn.

"Yep, it is because day off nila ngayon, every Sunday,Monday and Saturday. Masasagot ang mga tanong ninyo mamaya." Sabi ni Tito Angelo.

"Pasensya at ngayon lamang ako dumating." Sabi ng matandang babae, nasa 70's na siguro ito, hindi naman siya kuba pero may 

"Naku, ayus lang ho, kayo naman hindi na kayo nasanay sa akin. Mano po." Sabi ni Tito Angelo. Nag mano rin naman kami sa kaniya.

"May bago nanaman pinapasok?" Gulat na tanong niya. As if, we are not welcomed.

"Opo. Nga pala, siya si Lola Tonyang, siya ang nagaasikaso dito." Pagpapakilala ni Tito Angelo sa amin. 

Ngumiti lamang kami kay lola Tonyang at ngumiti naman ito pabalik.

"Kararating niyo lamang ba dito?" Tanong sa amin ni lola.

"Opo, lola." Matipid na mahinahon kong sagot.

"Ganun ba ija, magpakilala naman kayo ai.." sabi niya. Natawa naman kami sa kaniya, parang nangangatwiran. Nagpakilala naman kami sa kaniya kaso kada babanggitin niya ang mga pangalan namin ay nakakalimutan niya.

"hay, ang hirap naman tandaan ng mga pangalan niyo oh siya, halina at mamili kayo ng uniporme ninyo." Sabi niya at sumunod kami sa kaniya. Akala ko maliit lamang na bahay na ito, subalit maraming sikot -sikot at may daan pa pala pa baba. Weird. 

May pinindot siya sa gilid nang pader at may lumabas na isang maliit na device at umilaw ito at nagbukas ang pintuang akala ko simpleng pader lamang.

"Isa isa papasok dito, titignan mga abilidad ninyo. Isang blankong kwarto lamang ito pero may mga lalabas na h-virus na galing sa computer at titignan kung ano mga gagawin niyo." Sabi ni Tito Angelo.

"Akala ko kukuha kami ng uniporme, pero bakit may ganito pa?" seryosong tanong ni Xian.

"Yes, I don't get it. Ano ba meron dito?" Tanong ni Kathryn.

"Masasagot----" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil inunahan ito ng isang boses robot na babae tulad sa bahay kanina.

"The trial will be starting with Mr. Daniel Padilla. Please prepare after 10 seconds. 10..9..." Sabi nung device.

"Ano gagawin ko?" Tanong ni Daniel.

"Instructions will be guided inside. Wear this shades." Sabi ni Tito Angelo. 

Pumasok na siya sa loob at sinabing mag ingat at good luck pero bago tuluyang pumasok ay hinalikan niya si Kathryn. Yiee!

Daniel's POV

"Pangpaswerte." At hinalikan siya sa labi. Smack lang. Kinakabahan ako. Nag sign of the cross muna ako at nagdasal.

"Amen." Sabi ko.

"Hello, Mr. Daniel Padilla. Welcome to the Villapres Manhattan Community. This is the trial area for you to be considered as the family of this community."Sabi ng boses robot. It's a dark room. Wala akong makikita kundi isang malaking monitor na sinakop na ang buong pader ang nagsisilbing liwanag sa lugar na ito. Nakuha ang attention ko sa sinabi niyang 'to be considered as the family.'

300 Days with the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon