Xian's POV
Nakapalibot kami sa mga demonyong ito. Wala kaming armas panglaban sa kanila. Taning maiingat na salita lang ang dapat namin sabihin.
"Tingin niyo, sa mga ginagawa ninyong yan? Magugustuhan ng anak niyo?" sabi ko.
"Wag mo dinadamay ang anak ko... Wag." sabi ni Tita Zidra na umatras sa amin, at umabante ako nang konti.
"Subukan mong lumapit!" sabi niya. Tumingin ako kay Mang Kenny na nginginig.
"Ikaw? Tingin mo gusto ito ng anak mo?" tanong ko, ulit kay Mang Kenny. Hindi ito umimik at nabitawan ang baril na hawak niya.
Nakalaya si Kathryn sa kanyang pagtutok nang baril, subalit nang lapitan niya si Gwen ay nagpakawala siya nang bala.
"Tangina. Pinatay mo asawa mo!" sigaw ni Kathryn.
"Tanga kasi siya, ang hina-hina niya. Dapat siyang mamatay." sabi ni Tita Zidra.
Tumakbo palapit sa amin si Kathryn kasama si Gwen. Aktong pupulutin ko ang baril na tumama sa paa ko sa pagbagsak sa sahig ni Mang kenny.
"Subukan mong pulutin ang baril na yan o ipuputok ko ito sayo." sabi nung lalaking nasa likod. Nakatutok ang kaniyang baril sa ulo ko. Dahan-dahan ako tumayo habang nakataas ang aking kamay.
"Nanginginig ka. Ano magbabaril ka pa? Pinatay mo na asawa mo." sakrisadong tono ni Kathryn.
"At ikaw, masarap ba ang lasa nang tao? Sarap bang pumatay?" sabi niya ulit na nakatingin sa lalaki sa likod ko.
"Masarap bang patayin ang batang babae?" nakangising tanong ni Kathryn.
"Pinatay niyo anak niyo tama?" tanong ulit ni Kathyrn. Paano niya nalaman?
"Pa-paano mo nalaman?" tanong ni Tita Zidra.
"Kung papatay kayo... Sigaruduhin ninyo na hindi kayo magiiwan nang parte nang katawan niya." sabi ni Kathryn na kalmado.
"Papatayin niyo, pero magdidisplay kayo ng ulo niya... kawawang dalagita." sabi ni Kathryn. Napansin kong napabagsak itong lalaking ito. Lumapit na ako kay Kim at baka mapahapak pa ako at magpaputok siya.
Binigyan ko nang sign mga kasama ko na gumilid sila. Umupo naman si Kathryn katabi si Gwen at Alexa. Sa likod nila sina Daniel at Nash.
"Bakit tama ba ako? Yung babaeng pugot ulo sa likod nang pintong yun ay anak niyo?" sabi ni Kathryn.
Shit. Kadiri. Kaawa-awa.
'Hindi--hindi ko sinasadyang patayin siya." sabi nung lalaki.
"Hindi ko sinasadyang patayin ang kapatid ko." sabi nung lalaki ulit na kasing edad namin siguro.
"Naka-drugs ako nang mga oras na yun... Sabi ni mama ilibing ko ito dahil patay na ang kapatid ko dahil sa puso niya." sabi niya.
"Ililibing ko na sana... Kaso bigla itong gumalaw... Akala ko tulad siya sa mga H-virus na binabalita... Nagkamali ako.... Sumigaw siyang kuya... pero pinutol ko na agad ulo niya... At chinop-chop ang kanyang katawan." sabi niya. Naluluhang, naginginig itong lalaki.
"Yun ang araw na pinatikim ko kila mama ang karneng linuto ko. Linuto ko ang ----- " nakarinig kami nang tama nang baril.
"Asawa mo pinatay mo, anak niyo kinain ninyo at ngayon naman pinatay niyo rin anak niyo." sabi ni Kathryn.
Kinuha niya ang baril na hawak nung lalaki. Head shot.
"Subukan mong pulutin yan." sabi ni Tita Zidra. Ngumisi si Kathryn sa kanya pero pinulot niya pa rin ang baril. Akmang magbabaril pa si Tita Zidra pero wala na pala siyang bala.
Tinapat ni Kathryn ang kaniyang baril sa kaniya.
"Gusto mo... Isunod na kita?" tanong na pagka sarcastic ni Kathryn.
"Wag.. please. Patawarin ninyo ako." sabi ni Tita Zidra at baba sana nang hagdan nang pigilan ni Kathryn dahil tinapat niya ang baril sa kanyang noo.
"Don't come near us." sabi ni Kathryn. Nakita kong pipigilan ni Daniel si Kathryn. Pero sumenyas ako na wag mangialam. May tiwala ako kay Kathryn.... Magaling siya mag decide.
Umatras nang umatras si tita Zidra. Nagka idea ako bat ginawa ni Kathryn yun.
Hanggang sa nakagat ni Elmo si Tita Zidra. Nawalan nang maraming dugo si Elmo kaya naging zombie rin ito.
"Tara na." sabi ni Kathryn. Kinuha na namin ang mga ibang gamit.
"Wala tayong gas." sabi ko.
"Nasa kusina. nakita ko yung ginamit nilang pang sipsip sa gas natin. Nash kunin mo rin mga gas na nakalagay sa mga generator. Xian kunin mo mga ibang pagkain. Kathryn and Mang Max patayin mo sila kung aatake sila sa atin. Kim at Gwen tulungan mo si Xian sa mga pagkain. Alexa tulungan mo ako sa sasakyan para mapabilis." Diktang plano ni Daniel.
Inumpisahan na namin kunin ang mga gamit. Nakarinig kami nang mga putok nang baril. Siguro nang zombie silang lahat na. Nakuha na namin lahat nang delata at itlog maliban sa mga karne baka kung ano pa makain namain. Nakuha na namin lahat ang pwedeng kunin na supplies ay lumabas na kami. Napatingin ako sa paligid namin puro zombies papunta rito, dahil sa putok nang baril at gabi na rin ay mas malakas ang pandinig nila.
"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Daniel na napaandar na ang sasakyan. Sumakay na kami at umalis na sa lugar na ito.
Akala ko makakatikim kami nang parang maayos na pamumuhay... Subalit, hindi pala. Nakitira kami sa mga demonyo. Demonyong nagsilbing aral na wala na kami pag katiwalaan maliban kaming magkakaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/17834084-288-k10439.jpg)
BINABASA MO ANG
300 Days with the Dead
Mistero / Thriller300 days with the dead. Will I survive or not? 300 days with the dead. Kasama ko yung mga taong naging close ko. Will we survive? 300 days with the dead. 300 days lang ba? paano pag nagextend pa yan? Will we really gonna live forever with them? 300...